Monday, October 28, 2013

Dream Ko: One Lucky Day


Nagbababalik ang  segment na ito ng Jimpy Loves TV and Life Too na isang beses lang nagamit sa Season One. And witness here how can one exciting day be a super lucky one. :))

October 19, 2013.

Ito na siguro ang pinakapaborito kong araw sa tana ng buhay ko - except of course sa birthday ko which will forever remain my favorite.

Nang nagsabog ata si Lord ng swerte, nasalo kong lahat. Paano ba naman, halos lahat ata ng pangarap ko, natupad.  Halos lahat ng ginusto ko, nangyari. This day seemed so fine, so okay, so great, so awesome.


Sinimulan nung umagang bandang mga 12nn. Nakiusap kasi ako kay Miss Noreen Capili, ang isa sa mga idol kong writers ng ABS-CBN, kung puwede niya bang pirmahan yung copy ko ng book niya. And yes, pumayag siya. Kaya naman nadaan ako sa may condo niya at  napapirmahan ko yung book ko. :) Nakwento ko na 'to sa I Share last week. :)


If yung first event ay nakapagprepare ako dahil nagmessage ako kay Miss Noreen, etc., ito namang sumunod na kaganapan ay medyo biglaan dahil the night before lang sinabi na tuloy pala. Yun ay ang meet-up with Diego Loyzaga.


Sa mga nakabasa ng entry ko sa Fangirl Stories last week, alam kung gaano ako kasaya nang mangyari ito, at sana maulit uli. Sana talaga. Sana.

And the last event that day was yung pinaka napag-usapan talaga, at the same time pinakabiglaan, at talagang pinangarap ko rin. :)

Dapat kasi, may iaabot lang ako sa isa sa mga editors ng Annaliza na si Miss Megan Abarquez. Nagkataon naman palang andun ang most of Annaliza staff (sir Carlough from prod, Miss Jerry from editing, sir Richard - editor of Maria Mercedes AND Direk Ted Boborol). So in the end, nakasama ko sila, nakachikahan. :) ang saya kasi di ko makakalimutan yung sinabi ni Direk Ted, na may chance ako makapasok sa ABS dahil ang dami ko daw alam. Haha. Sabi pa nga ni Sir Carlough, if may kailangan daw sa resume, itanong lang daw saken kasi nga kabisado ko yung mga shows nila. Hahaha. Lol.


Ang saya ko kasi na-meet ko na yung mga taong dati lang, nakikita ko mga names nila sa TV, si Diego rin, sa picture ko lang tinatanaw. Sa totoo lang, di na nga ako umaasang makikita ko siya in person. Pero eto, nakasama ko na, nakabond ko pa.

Ang sinasabi ko lang, wag nating susukuan ang mga pangarap natin. Wag nating hahayaang mahadlangan ito ng kahit ano. At ang opportunities, ang achievements ng goals, hindi ito lalapit sa atin. Tayo ang gagawa ng paraan para mapalapit sa kanila. Yung sinasabi jilang hindi para sayo ang isang bagay? Kung ginawa mo nang lahat para matupad ito at walang nangyari, dun ka sumuko at maniwalang hindi para sayo. :)

Blessed ako. Swerte ako. Wala man sa akin ang lahat, swerte ako dahil nangyari, at patuloy na mangyayari ang mga ganito sa buhay ko. Naniniwala ako. Sa ngayon, mga idol ko silang lahat, crush ko si Diego, nilolook-up ko si Miss Noreen, favorite ko ang show nila Direk Ted. At balang araw, naniniwala ako, darating ang panahon, ka-trabaho ko na sila. :)


Yan ang sabi ni Miss Noreen sa book oh, "NEVER GIVE UP ON YOUR DREAMS!" :)


No comments:

Post a Comment