March 18, 2012 naman yung first time na nagreply siya saken, ang tanong ko pa yata nun, si Angel Locsin or si Toni Gonzaga, kasi sila yung nasa The Buzz nun. Haha. :) Ang sinagot niya Angel. Tapos, after nun, napadalas na yung pagrereply niya sa tweets ko. Wait nga, hahalughugin ko yung files ko. Haha. Lahat kasi nun, may screenshots. Jusko. :) Pero ang the best, yung nagkaroon siya ng follow spree and on the night of March 22, 2012, saktong saktong 10:30 PM pa, nagflash yung username niya and nakalagay "@__________ followed @iloveJimpyA". O diba? :)
![]() |
Yung finollow niya ako sa Twitter. Nagchacharge pa e oh. Hahaha! |
Supposedly, noong May 2012, mame-meet ko na siya, magkakaroon sana ng Get-Together ang Digsters (the fans club I am in) with him and his mother, however, due to some circumstances, that did not materialize. Pero keri lang, kasi sabi ko, the right time will come. :)
Kaso, naglie-low siya sa showbiz. At siyempre, may times na ako rin e naging fan na ng ibang teenstars. Sumali sa fansclub, umalis, hindi nahanap, etc. Pero hindi nawala ang pagiging fan ko sa kanya. Stalk pa rin ako sa Instagram at Twitter niya. Lol. :) Hanggang sa nitong 2013, he did an episode for MMK. Parang yun ang naging comeback niya. Nagka-Wansapanatym pa siya alongside Julia Barretto. Yun pala, sila ni Kiko Estrada (yung isa pang sinalihan ko. Haha.) ang makakapartner niya sa launching ni Julia na Mira Bella. :)
At eto na nga, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. October 19, 2013 or 2 days shy after the 2nd year na maging crush ko siya. Dalawang kaibigan lang ang sinabihan ko sa mangyayari dahil siyempre baka hindi matuloy pag pinagkalat ko. Kawawa ako. Hahaha! :) Pero siyempre inasahan ko yun. And grabe, congratulations naman sakin, at natuloy. Na-meet ko na siya, si DIEGO LOYZAGA - that celebrity I've been a super fan of for two years. :)
Nagtext sa akin the day before yung parang head ng fansclub na si Ate Jofe, asking if sinong free sa day na yun to meet with Diego, have a bonding with him. Yung hindi GT, parang a day talaga like real friends. Siyempre kagat ako agad noh! Dahil tagal kong inantay to. Baka medyo pag pinalampas ko pa e ang shongaers ko na forevs. Haha! E sakto namang may pupuntahan ako sa ABS-CBN kaya gorabels lang. :)
So ayun, dumating na yung araw na yun. Medyo winait namin siya. Siyempre nagpagwapo pa yun para sa fans niya, plus masama ata pakiramdam niya (see! May sakit na pero pinili to be with his fans!) that time. And then ayan na dumating na. Sa labas kami ng Il Terrazo's nagkita. Pinakilala na kami ni Ate Jofe. Nagkataon namang ako yung nasa dulo. Tas nung nabanggit na Jimpy, ang sabi niya yata, di sakto pero ganito, or saktong eto ata ang sinabi, di nako sure basta yun na! "Ah kilala ko siya." Sa Twitter yun for sure. Jusko. Naaalala niya ko. :'> Mygash. Pero ibig sabihin din nun [for me ha!], ang pampam ko! Lagi akong tweet ng tweet sa kanya! Hahaha chos! Pero see, naaalala niya ko. :)
So naghanap na kami ng place, we went to Tea 101, and we just walked. Well malapit lang naman pero shucks, naglakad kami with him. Grabe dun palang, makikita mo wala siyang ka-arte arte sa katawan! :) And very gentleman kasi pinauna niya kami pumasok, pinaupo. Etong mga kasama ko loka-loka, talagang ako yung pinapatabi. Si Abby pa sabe, bat daw ako nanahimik! E natural jusko, yung hiya ko noh. Hahaha! :) Pero dahil sa init, lumipat kami ng place, sa Starbucks.
So ayun, dun na nagstart yung bonding and chenelyn churva. Haha. At grabe. Medyo katabi ko siya. Parang siya yung nasa, kung family table tayo, siya yung nasa head of the family seat, then ako yung nasa left na pinakamalapit na upuan sa kanya. So medyo tabi. :) Nung una, di kami makapagsalita. Lalo na ako. Mygash. Haha. Pero basta, di ko na maalala how the ice got broken. Pero siyempre nagkausap-usap na kami. Ikekwento ko na lang yung mga di ko makakalimutang moments nun. Haha.
Una, yun na nga naalala niya ako diba. Haha. Tas nung sa Starbucks, parang inintroduce ata uli kami ni Ate Jofe tapos ano daw magsalita na kami. Tas tinanong ako ni Diego, sabi niya, "Di ka na nagte-tweet ah.." Haha. Pero kagabi nun nagtweet ako sa kanya, di lang na ata niya nakita, yun ang sabi ko. Pero lately nga di na ako nakakapagtweet sa sobrang kangaragan. :) Here we can see na binabasa niya ang mga tweets talaga! Akalain niyo, sa ganda kong 'tong di naman masyadong pansinin, naalala niya ko! :)
Yung next, may pinaguusapan sila ni Ate Jofe, tapos kami rin ni Abby, then si Shaine din at Nikka. Tas biglang maya maya, may medyo tumalsik saken na papel. Haha. Yun pala napitik niya ata. Tas ginawa niya, hinawakan niya ko sa may balikat parang ganon, tas yung face na apologetic. Haha. Katuwa. :)
Then yung next, may pinanuod siya sa Vine. Hahaha. Tas napatawa ata siya ng malakas then sakin niya pinakita! Hahaha! Jusko! Yun ang di ko na talaga kinaya! [Kahit habang sinusulat ko to. Mygash.] :))) E parang ang pinaguusapan namin nila Shaine, yung kilig ko, ang funny ko raw, tas vinevideohan nila ko. Sayang lang na-stop na ang video nung nangyari yun! Hahaha! E siguro kaya sakin niya pinakita yun dahil medyo ako lang naman ang super makakarelate sa video kasi, basta sobrang funny! :D At dahil di ko kinaya, napapunta ako ng CR at dun ako nagngingiti. Sayang lang di ako nakasigaw! Hahaha! :D
Tapos eto na, nagpicture picture na. Nakipagselfie sila Nikka and Shaine. Si Abby naman, pinicturan ako with him. With matching akbay pa. Mygash. :) Grabe. Hahaha. Tapos after namin sa Starbucks, naglakad kami sa may papuntang Kamuning. Then tatawid na kasi siya kasi sa may place niya na yun (grabe tignan mo naglakakad lang! Haha!), dun ko ibinigay yung letters ko. Tas hiningi pa niya mga username namin sa Twitter, and most of all, yung nakipagbeso siya when he left. I thought sakin, shake hands lang kasi guy din ako pero ayun, medyo beso din. E di nahawakan ko rin siya! Haha! Hay jusko. Ano bang meron sa araw na yon.
One thing na tumatak sa lahat ng sinabe ni Diego samin was yung lagi daw siyang inaayang gumimik ng friends niya. And sabi niya, buti pa sila yun ang pinoproblema, samantalang siya, he has to pay for his bills. He is living independently kasi ngayon. Diba. Ang galing. Idol. :)
Dati, nagwo-wonder ako, feeling ko malas ako pag nagiging fan ako ng celebrity. Una, yun nga di natuloy ang GT namin last May 2012 kay Diego. Sumunod naman kay Kiko Estrada, may set visit na di rin ako natuloy-tuloy. Tas si Khalil Ramos naman, di sumasagot ang Khalilnatics sakin. And kay Joseph Marco, nalate ako ng pasa ng App Form for more than 2 months na yata. Haha. Ngayon alam ko na kung bakit di natutuloy yan, lalo na dun sa ibang fansclub. Kasi si Diego pala talaga ang naka-destine na mameet kong una. Siya pala talaga. Nasa right timing lang ang lahat. At tamang tama naman talaga.
To Diego: Message lang ito, hindi na sulat. Sa next na pagkikita na namin yung sulat. Haha. Well so ayun nga, thank you so much for being so kind, humble and everything. Sobrang bait mong kasama. Sobrang saya. Wala na akong masabi. Sorry rin kung nahiya ako ng bongga. Promise, next time, di na masyado. Haha. Ingat, get well soon, and goodluck sa Mira Bella! :)))
Eto yung mga nasave kong reply ni Diego sakin. Hahaha! :)
![]() |
Pinakaunang reply niya saken. Jusko. :D |
![]() |
42 minutes na, yung reply pa rin niya saken ang huling tweet niya. Haha! |
Thank you rin pala kela Shaine and Nikka, kay Abby - ang napakabait kong kaibigang sinamahan ako ng bongga sa araw na ito. And kay Ate Jofe who made this possible. :)
![]() |
Thank you Ate Jofe! :) |
No comments:
Post a Comment