Monday, October 21, 2013

I Share: Parang Kayo, Parang Hindi


Finally, na-release na rin ang isa sa mga inaabangang libro ng ABS-CBN Creative Writer na si Miss Noreen Capili last September sa Manila International Book Fair, ang "Parang Kayo, Pero Hindi".

Ang Parang Kayo, Parang Hindi ay collection ng mga adventures ni Miss Noreen sa life and love, na siguradong makakarelate ang karamihan. Meron ding mga experiences kung saan shinare niya ang kanyang mga natutunan, and just simply her random thoughts, na kahit sa doon e talagang may mapupulot kang aral. :)




Sobrang dami kong favorite parts sa book ni Miss Noreen, most especially yung Food For The Thought part, dahil dun talaga ako maraming natutunan. Yun ang pinakanurturing na part sa libro e. Haha. Pero ang pinakafavorite ko ay yung Seven Lessons I Learned from Playing Candy Crush. Nabura ko na yung app na yun dati pero mula nang mabasa ko ang libro ni Miss Noreen, napadownload ako ulit. :) Kasi gusto kong ma-experience yun...pero ang natutunan ko, hindi naman kailangan ng Candy Crush para matutunan ang 7 lessons na yun, dahil maire-relate mo talaga siya sa real life. Isa pang favorite ko ay yung "Paano Ka Kumain ng Manok?". Hahaha. Grabe, nakarelate rin ako, pero di naman ako naagawan ng balat. Pero nakita ko ang sarili ko rito. Haha. :)


And yes, medyo nakarelate ako sa title. Yung Parang Kayo, Pero Hindi. Ang kaibahan lang, ako lang ang feeling na parang kami kahit hindi talaga. Hahaha. Basta ang ganda ganda ng libro, worth it. Kaya pala ganun na lang ang hugot ng mga characters ni Miss Noreen sa mga soap na naisulat niya (lalo na sa Aryana at May Isang Pangarap - yung basura at basurera. Hahaha!), dahil din pala sa pinagdaanan niya. Sana rin ganito kalakas ang loob ko na i-express ang feelings ko. Haha.

---

Last Saturday, napa-sign ko na kay Miss Noreen yung book ko. Ang saya saya lang, nagkita kami uli. Nakita ko siya in person ulit. :) Third time na kasi ng magkita kami. Haha. :) If you were a follower of my blog since 2011, alam na lama niyong si Miss Noreen talaga ang isa sa mga naging inspiration ko sa aking mga pangarap.

Nung mabasa ko itong librong ito, bumalik na naman sakin yung pangarap kong makapagsulat ng libro - pwedeng novel, pwedeng essays, pwedeng short stories, pwedeng self-help book. Ngayon nga, nakaplano na kung ano rin yung isasali ko sa libro ko. Naisip ko, pwede rin itong gawing expression nung mga bagay na hindi ko masabi ngayon, maging outlet ng mga nasa isip ko kung saan makakarelate ang ibang tao. In fact, nakagawa na nga ako ng cover ng book ko. Hahaha! Based din sa blog na ito. Pero matagal pa yun, marami pang mababago. Marami pang pwedeng mangyari, ang alam ko lang, hindi ko susukuan ang mga pangarap ko. At kung yung mga bagay na ilalagay ko sa book ko na medyo pagkakahawig sa mga istorya ni Miss Noreen, makakapaghintay naman yun.  Pangarap muna. Hahaha chos! :) Sabi nga sa sign ni Miss Noreen, "Never give up on your dreams!" :)

PARANG KAYO, PERO HINDI, still available! Pero dalian dahil madaling magkaubusan! Yung librong naboili ko, second to the last piece na lang! :)

No comments:

Post a Comment