Monday, October 21, 2013

We Review: Maria Mercedes


Noong nakaraang October 7, nagsimula nang umere ang isa sa mga inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Maria Mercedes. Ito ay pinagbibidahan ni Jessy Mendiola (in the title role as Maria Mercedes) kasama ang kanyang dalawang leading man na sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Kasama rin rito sina Nikki Gil, Ariel Rivera, Vina Morales and her comeback sa ABS-CBN, Miss Vivian Velez.Ito ay sa direksiyon nina Rechie del Carmen, Ricky Rivero and master director Chito S. Rono.

Maria Mercedes Title Card
Nagsimula ang kuwento ng Maria Mercedes nang ipakita ang mahirap pero mapagmahal na pamilya ni Mercedes. Meron siyang 3 kapatid - si Guillermo (Marx Topacio), si Rosario (Devon Seron) at si Andres (Yogo Singh), at ang kanyang mga magulang na sina Magnolia (Vina Morales) at Manuel (Dominic Ochoa). Subalit isang trahedya ang magaganap, masasagasaan si Andres at kakailanganin nila ng malaking pera. Kaya naman magpapakagat si Magnolia sa isang mayamang lalaki. Mauulit ito, at mahuhuli siya ni Mercedes at ni Manuel. Kaya iniwanan ni Magnolia ang pamilya. Makukulong naman si Guillermo dahil may mapapatay siya ng hindi sinasadya.


Jessy Mendiola as
Maria Mercedes
Magdedesisyon sina Manuel na lumipat sa Maynila sa kamaganak niyang si Filomena (Nadia Montenegro) at dun na maninirahan. Makikilala na dito ni Mercedes si Clavio (Jason Abalos), ang anak ni Filomena. Magtatrabaho at mahghihirap si Manuel para buhayin ang pamilya, kaya magkakasakit ito at mamamatay. Maiiwan ang responsibilidad kay Mercedes, kaya papasukin niya ang iba't ibang trabaho kasama ang kaibigang si Clavio hanggang sa kanilang pagtanda.

Dadating naman sa buhay ni Mercedes ang mayamang nagma-may-ari ng restaurant na malapit sa pinagtatrabahuhan niya, si Luis. Magugustuhan niya ito dahil sa kaguwapuhan nito. At nagkataon namang maililigtas niya ito sa kamay ng masasamang loob. Subalit dadating din ang mga kontrabida sa kanila. Ang ina ni Luis na si Malvina (Vivian Velez) at ang ex-girlfriend ni Luis na si Misty (Nikki Gil). At siyempre nandiyan rin ang bestfriend ni Mercedes na may lihim na pagtingin sa kanya, si Clavio.

This week, makikita natin ang pagpasok ni Santiago (Ariel Rivera) sa buhay ni Mercedes. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Mercedes? Magbabalik na rin ang ina nilang si Magnolia. Ano ang gagawing pagbabago nito sa kani-kanilang mga buhay?

Cinocommercial pa lang talaga ang Maria Mercedes ay inaabangan na ito ng manunuod. Super catchy rin kasi ng theme song nito, na talagang marami akong kakilalang na-LSS, at ako naman e namemorize ko pa ng bongga. Hahaha.

Miss Vivian Velez as Malvina Sancuevas
Coming from the success of the afternoon teleserye Paraiso, Jessy Mendiola is given this bigger break. What makes her luckier is that binigyan pa siya ng blessing ni Thalia, the original Maria Mercedes, in her portrayal. I think si MariMar, Rosalinda at Maria la del Barrio ay hindi nabigyan ng ganun. And infairness to Jessy, bagay na bagay naman siya sa role at nabibigyan niya ng hustisya. Jake Cuenca also came from the success of Kahit Puso'y Masugatan. And this is also Jason Abalos' comeback sa paggawa ng teleserye after Lumayo Ka Man Sa Akin last year. This is also exciting dahil sa inclusion ni Miss Vivian Velez as Malvina. Favorite ko na siya ever since pero mas naging favorite ko siya dito. Ang galing galing niya talaga. And Malvina is really now my favorite. :) Si Vina Morales naman, napakagaling sa first few episodes, ramdam na ramdam ko siya. Ang galing. Excited naman ako sa pagganap ni Nikki Gil as Misty dahil di pa masyadong bumobongga ang mga scenes niya. Pero I love her na kasi sa Mundo Man Ay Magunaw pa lang. :)

Napakasarap panuorin ng Maria Mercedes sa TV. Dahil para tayong nanunuod ng pelikula. Merong one time na nanunuod ako ng movie sa Kapamilya Blockbusters, nung nagcommercial, akala ko yung movie pa rin ang pinapanuod ko. Yun pala commercial ng MM. Ang gaganda rin ng mga lines, plus ng inclusion ng paggawa ng kasing-kasing (tama ba spelling?) at mga chocolates sa story. Mabilis rin ang pacing, walang boring na eksena. Ang ganda rin ng musical scoring. I love it talaga.

Sana mapanatili ng Maria Mercedes ang ganda ng palabas at hindi mauwi sa pagkaligaw ng kuwento, if you know what I mean. Hehe. I really wish the best for this serye. Aminin naman natin kasi, the 3 mariaserye remakes were good, but not as good as the original. Maria la del Barrio is really good, if it's not the remake of Maria La Del Barrio. Rosalinda, I did not know what happened kasi yun nga, di ko nasubaybayan. Then MariMar was good talaga, kaso na-retrack rin ang kuwento sa dulo, but I think it's the most faithful sa original. Nakakatuwa lang na ito ang unang unang Mariaserye na naipalabas sa Mexico, pero ito ang huling nagawan ng remake.

Congratulations for the early success of Maria Mercedes! More power sa third and upcoming weeks! :)


Si Senor!

Images Courtesy of Google, Maria Mercedes Fanpage

No comments:

Post a Comment