Naipalabas na rin sa wakas ang much-awaited teleserye na Galema: Anak Ni Zuma sa Kapamilya Gold noong September 30. Noong 2010 pa kasi rumored na next project ito ni Andi Eigenmann after Agua Bendita pero hindi natuloy-tuloy. :) And finally, ito na siya. :) Kasama rin ni Andi ang kabalik-tamabalan niyang si Matteo Guidicelli, nagbabalik-kapamilyang Miss Sheryl Cruz, Carlos Morales, Lito Legaspi, Meg Imperial, Divina Valencia, Joey Paras and fresh from the success of Dugong Buhay, Sunshine Cruz. Ipinakilala rin sa teleseryeng ito si Derrick Hubalde na gumaganap bilang Zuma. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni master storyteller Direk Wenn V. Deramas.
Ang kuwento ng Galema ay tungkol sa isang babaeng ipinanganak na may nakadikit na magkakambal na ahas sa kanyang leeg. Ito ay dahil siya ang anak ni Zuma (Derrick Hubalde), isang isinumpang imortal na meron ding kambal na ahas sa kanyang leeg. Nabuo si Galema matapos gahasain ni Zuma si Galela (Sheryl Cruz), ang kapatid ni Isabel (Sunshine Cruz) na bumuhay kay Zuma dahil sa dugo nito. Mawawala sa katinuan si Galela at mamumuo sa kanya ang malaking galit kay Galema.
Palalakihin ni Isabel at ni Philip (Carlos Morales) si Galema bilang isang normal na bata, subalit lagi siyang nakatago. Lilipas ang maraming taon, at makakalabas na rin si Galema sa tunay na mundo ng maisipan ni Teacher Karlo (Joey Paras) - ang tutor ni Galema at Gina (Meg Imperial - kapatid ni Galema), na itirintas ang buhok ni Galema sa mga ahas nito. Mamumuhay si Galema tulad ng normal na teenager, at papasok sa school. Dito makikilala niya si Mindy (Tippy Dos Santos) - ang school bully, at si Morgan (Matteo Guidicelli) - ang lalaking magkakagusto kay Galema na magiging source of conflict nila ni Gina. Muli ring magbabalik si Galela sa kanilang buhay. Magiging malapit sila ni Galema, not knowing na siya pala ang anak ni Zuma.
Sa pagpasok ng Galema sa ika-apat na linggo nito, makikita natin ang muling pagkabuhay at paghahasik ng lagim ng kinatatakutang si Zuma. At ang dapat abangan ng viewers ay kung paano maglalaban ang mag-ama, at kung matatanggap din kaya ni Galela si Galema bilang anak.
![]() |
Derrick Hubalde as Zuma |
Bukod pa sa ka-cutean ng mga ahas at sa horrifying antics ni Zuma, maganda rin ang kuwento. Hindi nito nakakalimutan ang premise about Zuma and about sa mga ahas. Plus the scenes are also heart-wrenching most especially pag si Tita Galela at Galema ang magkasama sa mga eksena. :')
![]() |
Andi Eigenmann as Galema |
I hope na mapanatili ng show ang ganda na meron sila. :) Dahil talaga namang makamandag sa ganda ang show. Pero I really think na magiging ganun naman dahil galing ito sa team ng Kahit Puso'y Masugatan, and alam niyo naman na sobrang ganda ng KPM diba mula umpisa hanggang dulo kahit naextend pa for more than 16 weeks ang airing. :) But the show really reminds me of Kambal Sa Uma, basically because parehong Jim Fernandez creation, pareho pa ng musical scorer, at si Laarni Lozada rin ang kumanta ng theme song (Actually, pineplay ko ang Huwag Ganyan [theme ng Galema] ng di naman sinasadyang Kung Iniibig Ka Niya [theme ng KSU] ang sumunod. Hahaha.). And I am so happy na naduplicate nito ang success ng KSU. :)
Congratulations sa early success ng Galema. At masaya akong isa ako sa maraming natuklaw ng kamandag ng show na ito. Kung lason ito ng ahas, ito na siguro ang the best. :)
Images Courtesy of Galema Fan Page
No comments:
Post a Comment