Ngayong week sa Teleserye Throwback, sasariwain natin ang isa sa mga teleseryeng tumatak sa atin noong mga panahon na tayo ay kinikilig-kilig, inlove-inlovean (ay andun pa rin pala ko sa stage na yon. Hahaha.). Ito ay ang SANA MAULIT MULI.
Ang Sana Maulit Muli ay ang unang teleserye ng sumikat na love team ng Kimerald (Kim Chiu and Gerald Anderson) sa loob ng PBB House noong 2006. Ito ay umere noong January 8, 2007 at nagwakas ng April 20, 2007. Kasama nila Kim (as Jasmine/Poknat) and Gerald (as Travis/Bokbok) sina Erich Gonzales (as Camille), Jake Cuenca (as Brandon - in his first daily teleserye as Kapamilya), Neri Naig (as Bianca), Arron Villaflor (as Kevin), Mark Bautista (as Francis) with veteran stars Mickey Ferriols, Glydel Mercado, Ton-ton Gutierrez, Michael De Mesa and Ms. Gloria Diaz. The show was directed by Direk Jerome Chavez Pobocan and Direk Tots Sanchez Mariscal.
|
Kim Chiu as Jasmine and Gerald Anderson as Travis |
Ang kuwento ng Sana Maulit Muli ay tungkol sa magkababatang nagkakilala sa isang barko - sina Poknat (Jasmine) at Bokbok (Travis). Magkakahiwalay sila pero patuloy pa ring magsusulatan. Unfortunately, ang pinsan ni Jasmine na si Camille ay makikialam at magpapanggap na si Jasmine. Years after, magkikita na sina Camille at Travis. Magpapatuloy ang pagpapanggap ni Camille as Jasmine meets Travis. Hindi magiging maganda ang start ng relationship nila but soon, magkakainlove-an sila...until they found out na sila pala ang tunay na magkakabata...and Jasmine also finds out that Camille is her sister. Magpaparaya siya, maghihiwalay si Jasmine at Travis until an unfortunate accident happens. Jasmine dies. Travis is left mourning. Dito makikila ni Travis si Mr. Destiny or si Mang Andres (Michael De Mesa). Hihiling siya na mabalik ang oras at i-ga-grant ito ni Mang Andres. However, hindi niya maaaring mabago ang mga kaganapan at mamamatay pa rin si Jasmine.
The story ends na mababago ni Jasmine at Travis ang tadhana. Travis dies and saves Jasmine. Makikita naman ni Jasmine ang orasan na ginamit ni Travis sa pagbabalik sa oras. Makakabalik si Jasmine at hahayaan na sila ni Mr. Destiny.
Maganda ang story ng show kahit sinasabing nagkakapareho sila ng storya ng If Only na Hollywood movie. Hindi ko naman makakalimutan sa soap na ito yung linya ni Camille kay Mickey Ferriols about Jasmine na "Basta wag niya kong babanggain, kung hindi sasagasaan ko siya!" Lagi ko pang ginagamit yan noon pag may kaaway ako. Hahaha. :) Naiiba rin ang kuwento ng SMM during its time dahil hinaluan ng fantasy ito pero straight teleserye siya.
At talaga namang ito ang nagsimula ng success ng Kimerald, dahil kung wala ito, walang Tayong Dalawa at lahat ng movies nila. Isa rin ito sa mga unang teleseryeng naipalabas sa ibang bansa. Ipinalabas ito as Chances sa Taiwan. And more recently, isa ito sa mga muling pinalabas sa ultimate Throwback channel na Jeepney TV.
So ano, naulit ba ang memories niyo sa Sana Maulit Muli? :) magcomment na ng inyong mga unforgettable memories and scenes! :)
Images Courtesy of: PEP.PH and ABS-CBN
No comments:
Post a Comment