She's The One is about bestfriends Cat (Alonzo) and Wacky (Dantes). Despite their chemistry and despite a kiss that happened one night, never na naging sila and they remained bestfriends. But they have hidden feelings for each other...well except for Cat na alam nang buong barkada niya. One night, in a middle of a typhoon, nasiraan si Cat ng kotse, and a guy named David (Gil) saw her and immediately caught his attention, kaya naman vinideohan niya ito and he posted sa Internet with the hashtag #girlintherain. At dahil pabagsak na ang ratings ng morning show ni Wacks, he helped David about this Girl in the Rain. Later on, malalaman na si Cat pala ito. Fast forward to everything, magiging si David and Cat, and Wacky will get jealous.
Star Cinema has used a familiar formula - the bestfriend love stories. Ilang beses nang nagawa yan dito sa Pilipinas (with Wala na Bang Pag-ibig, Must Be Love, Paano Na Kaya to name a few), but She's The One had a different story, a different attack. Wala Na Bang Pag-ibig and Must Be Love had obvious similarities, Paano Na Kaya had too much drama, pero ang She's The One, very light, enough para matuwa ang audience sa panunuod nito. Plus sobrang gusto kong icommend yung acting ni Dingdong and Bea! Sobrang natural kala mo di sila umaarte! And including the barkada (Maricar Reyes, Guji Lorenzana, Garlic Garcia, Erika Padilla, Marc Solis, RS Francisco), natural na natural. Akala mo, magkakabarkada sila! (Nagmukhang TGiS Barkada sila sa sobrang natural, promise. :D) As for Enrique, bagay na bagay sa kanya ang role. Dami nagsabi masyado daw siyang bata kay Bea, chuba eklat. E panuorin niyo kaya yung movie bago kayo dumada ano! Haha. And sobrang gwapo po ni Enrique Gil. And he's so cute. :) Liza Soberano naman has the makings of a star. Mabuti't isa siya sa mga ginogroom ng ABS-CBN to be the next leading lady. :) Pero ang tumatak sakin ng bongga? SI COLEEN GARCIA! Hahaha! I really love it! "I WAS SOOOOO DRUNK!!" Hahaha! :D
Ang ganda rin ng photography and graphics ng movie. Truly appreciated yung Instagram breaks. Maganda. And maganda rin na inincorporate ang social networking sa movie dahil ito naman talaga ang uso ngayon. :) And the script itself is really good. These things really happen sa totoong buhay, kahit hindi saktong saktong nangyare, sa lahat ng nanood, I'm sure there are Cats, Wackses, Davids and Gillians in your inner selves. Kasi sakin meron. :) Haha. Plus the photography and the transitions are crisp and smooth. OC kung OC ang editing at direction ng film. Kaya love na love ko si Direk Mae Cruz e. Pag nagpakilig siya, hindi lang yung kinilig ka lang, pero may malalim na atake. Ang galing galing. :) And the ending, nabigyan ng hustisya ang buong kwento. Parang yun naman ang deserve na ending ng mga characters based sa mga pinagdaanan nila. And parang isa ito sa few movies (or naaalalang movies) na gumamit ng malaking mob dun sa isang eksena na may dance number. Big-budgeted. Isa pa siyempre sa kinatuwa ko, yung inclusion ng mundo ng media sa story by the GGP Program. Tuwa ako nung nalaman ko yun. Hahaha. :) Iniisip ko kung anong negative ang pwede kong ilagay, at parang wala naman. :)
Direk Mae Czarina Cruz |
lahat ng movies ni Direk Mae mula Babe, I Love You, at talagang may atake na kakaiba e. Yung siguradong pag lumabas ka ng sinehan, di ka makakamove on ng bongga. Hahaha. :)
Sulit na sulit ang panunuod ng She's The One kaya nood na hangga't showing! :)
Bea Alonzo as Cat |
Dingdong Dantes as Wacks |
Enrique Gil as David |
Liza Soberano as Gillian |
No comments:
Post a Comment