Tuesday, December 31, 2013

A Year-Ender Post

Super duper sobra na itong year-ender posts ko. Hahaha. :) May teleserye, may moments. Pero ano nga ba nangyari sa lady behind the TV AND sa mismong Jimpy Loves TV and Life Too ngayong taon. Isum-up natin by month! :)

JANUARY - Nagsimula ang Jimpy TV Season 2 with Pagbabago episode. Yun ang naging first episode plus naglipat sa Weebly. Nagsimula na rin ang pre-production para sa final exam namin sa Intro to Broad, ang Isang Linggong Pilipinas! And also, first time nag-studio tours sa ABS-CBN at masaya siya. :)

FEBRUARY - Cameras start rolling for ILP, super busy this month na kahit Valentine's Day e nagtatrabaho. Isama pa  rito ang TSP Play na Josephine na nag-showing din this month. Nothing really remarkable EXCEPT for the Second Mall Show that I attended, ang Love to Love with Paraiso cast. Yun ang naging Valentine's Day celebration ko. ;)

MARCH - Sa wakas, natapos na ang ILP. Okay naman ang naging results, di ganoon ka-satisfied pero yung feeling lang na finally eh natapos na, napakaluwag na nun sa dibdib. Ngayong buwan din ako nagdesisyon na i-shelve ang magiging  future episodes ng Jimpy TV prompting the blog to end na rin. :) Debut party ni Yish, di ako sumama sa kanila mag-overnight kasi uuwi kami ng Bulacan. Muntik pa nga akong di masama pero mas okay pala na pinili ko na wag makiovernight with Tropa dahil...alamin sa next month.

APRIL - Bago yung bad memories, yung masaya muna. Nag-end na ang teleseryeng bumago sa buhay ko, ang PHR: Paraiso - kaya nagfinale viewing party kami sa house ng headwriter na si Miss Bing. :) Then 2 days after, nakumpleto uli ang Girlfriends dahil sa birthday ni Karol. Saya saya non...unfortunately the following day, kinuha na ng Creator ang Lolo ko due to Severe Heart Attack. Yung di ako nag-overnight noong March, yun na pala yung magiging last na pagkikita namin ng lolo ko. Nag-start na rin ang summer class and I am nearly falling in love with someone during this month. Naloka ako nang makaperfect ako sa Midterm exam ko sa WRTV. Kaloka. Hahaha.

MAY - Saktong May 1, 2013 noong nagising ako at na-realize kong medyo in-love na nga ako kay April-guy AT higit sa lahat, nakamove-on nako kay December 2010 guy after a long long time! Hahaha. Wrote my first teleplay for a requirement at mataas naman naging grade ko. Kinasal na rin ang ate ko and made certain adjustments this month sa buhay. Nakapag-rekindle with my good friends nung High School. Nanuod ng What Puring Wants, Coring Needs. At the end of the month, nag-start na kami ng Theatre practices. And on May 24, nag-umpisa na ang Jimpy Loves TV and Life Too! :)

JUNE - First week, may pinagdaanan ako with some friends pero na-solve rin naman agad. This month ko rin na-realize na may mga bagay na hindi na dapat ipinagpapatuloy kesa sa mas masaktan pa. Pero keri lang. Nag-start na ang Third Year Life, keribels naman. Okay naman ang pagbubukas ng sem pero stressful rin dahil sa Theatre. Eto ang June na hindi ko naramdamang lumilipas na dahil sa ka-busyhan. Probably one of the worst Junes of my life. Hahahaha. Pero okay rin kasi nag radio station visit kami sa Love Radio. :)
\
JULY - One of the bests and worsts July of my month. Best kasi birthday ko and this is the best birthday so far that I had. Isang linggong celebration pero right after ng birthday ko, bumuhos ang maraming maraming trabaho na halos di na ako makahinga pero keri lang. Pero masaya naman ito. I also got closer to someone na di ko alam e slowly falling in love na pala ang peg. Hahaha. Nag-DJ kami sa Radio Prod at mataas naman ang naging grade, thank God. :) Also, this month pala nung umattend ako ng seminar sa AIM Makati at bigatin - Henry Omaga-Diaz, Lynda Jumilla, Pia Hontiveros. :)

AUGUST - Busy sa Theatre untiiiiiiiil... bumagyo. Medyo blessing in disguise para sa akin yun kasi I had the much-awaited rest. UNFORTUNATELY, playdate week na namin yun kaya di rin ganon ka-peaceful. Hahaha. Eto rin yung buwan na may bagong tinitibok si hearty heart pero kailangan ding i-hinto kasi hindi pwede. Pero okay lang soooows. Hahaha. Nearly confessed to someone ang feelings pero dahil sa takot na may masira, e hindi na lang. :)) Hahaha. Attended the Pork Barrel Rally. Attended the Student Media Congress. Nakakaloka pala yon. Hahaha. At sa wakas, na-i-show na ang Tao: Isang Tagulaylay. Maganda naman ang reception ang on the day itself, sinabe na baka ma-restage kami sa December.

SEPTEMBER - Pahinga. To the max. Nag-aral mag Adobe Photoshop at ginamit para makamove on. Nagpa-counseling pa ako. Then bigla na lang na naging okay na, may feelings pero may acceptance. Hahaha. Worked for something rin for Teachers' Day. :) This month din lumabas ang listers ng Second Semester last year para sa aming mga nag-Theatre. At nakasama ako. :))) First time sa Senate at Congress for Radio Production. Ang pinakamasaya talaga - umere na ang TGiS sa Fox Filipino!!!!!!!!

OCTOBER - Kung ano ang itinindi ng October ko last year, dinuplicate naman ngayong taon. Napadalas sa ABS, nakapagpapirma ng book kay Miss Noreen, nakita si Diego, nakabond for a while ang Annaliza prod team, nakita uli si Diego, napadalas sa Kat's Cafe, nakakain uli ng inihaw na isaw. :) Masaya ang naging break ko at alam kong worth it ito sa lahat ng p********** pagod na naramdaman ko noong First Semester. :) And bago matapos ang buwan, lumabas ang grade and a whopping three-digit number ang lumabas sa isa sa mga  subjects ko! Umere naman ang 2nd batch ng TGiS this month. Season 2 na rin ng Jimpy Loves TV and Life Too!

NOVEMBER - Second Semester starts. Chill chill lang muna, hanggang sa sinabe na nga na may restage ang Tao. Masaya naman ang practices dahil chill lang. Parang wala naman ako masyadong pinagdaanan ngayong buwan, except that nagka-sore eyes ako at umabsent for a week. Shizz. And umattend rin ako ng premiere night and met Miss Vivian Velez! :)

DECEMBER - Jampacked month bago mag midterms. Pumunta sa Bet On Your Baby at Annaliza tapings. Nag-showing na ang Tao version 2.0. Lumabas uli ang list, and lister uli ako. At nag-recogniton day pa. And then the break came, tahimik ang Christmas break ko so far. Haha. :) At eto na huling araw na ng buwan... sana maging okay. :D

To sum up the year, it's a bittersweet year. Pero marami akong dapat talagang ipag-pasalamat talaga. In short masaya ang 2013. Career. Studies. Not-so-much with love. Siguro ganun daw talaga pag swerte sa career, hindi sa love. Hahaha echos. Sana next year, mas balanced pa ang lahat pero tatanggapin ko ang lahat. Para happy ang lahat! :)

And as for that, gusto kong pasalamatan ang lahat sa pagtutok sa buhay ko at sa mga drama ko sa TV for the past 8 months, don't worry, hindi man madalas mag-update pero tuloy tuloy pa rin ang Jimpy Loves TV and Life Too dahil love ko rin kayong lahat! :)))) Happy New Year sa inyong lahat mga Manash! :D

No comments:

Post a Comment