Tuesday, December 31, 2013

I Share: 13 Highlights of 2013

Ayan, eto ang lagi kong ginagawa every year sa aking blog, ang aking year-ender post. Pero ang kaibahan nito sa mga ibang blog, I just choose kung ano ang mga tumatak talaga sa taon. And kung last year, 12 Best Memories of 2012 ang title, ngayon naman ay 13 HIGHLIGHTS OF 2013.

Ang difference nito sa ibang year-ender post ko, collective yung ibang memories ko the past two years pero eto talaga, events or series of events sa buhay ko dahil masyado talagang maraming nangyari sa taon ko, kaya naman huwag na nating pahabain ang mga ganap at simulan na natin ang run-down. from 13 to 1 eto ha. Para mas may excitement!

13. ISANG LINGGONG PILIPINAS - Ang isa sa nagpastress sa umpisa ng taon! Enero palang binubuo na ang show...ehem final exam na yan. At stressful siya at the same time masaya. Anyway, ILP is actually a news program parody or whatever that is called for our final examination in our Introduction to Broadcast Journalism class. We actually taped an almost-real news program kaya medyo hassle pero masaya siya kasi ang dami naming natutunan. Plus we were able to garner awards sa Awarding. Kaya masaya. Anyway, here is the fruit of our labor (that is, together with my Team Quarter 8). Go watch this video. :))

Unfortunately when I checked it sa Youtube, na-block na ang aming news program. Ewan ko kung bakit. Chenelyn Eklat sila! Hahaha. :)) So pictures na lang. :D Anyway, I was the headwriter and the entertainment news anchor. And dito ko lang masasabi na Thank you sa groupmates ko dahil napakatiyaga nila at the same time, mga happy moments namin, lalo na yung "Since 1994..." ni Krissa pag nagdadasal kami na talagang lahat napahinto at natawa. Haha. :))





12. TAO: ISANG TAGULAYLAY - Ang kumuha sa halos kalahati ng taon ko. Eto ang nagpatunay talaga na lahat, pwede mong maramdaman sa iisang pagkakataon. May saya, may lungkot, may feeling na ang sarap pumatay minsan, nakakaubos ng pasensya, may tawanan, may chikahan, may mga pagtakas, may mga kalokohan, higit sa lahat super nakakapagod, pero in the end, it's all worth it.

Alam naman siguro ng lahat ng nagbabasa ng blog ko na ito ang musical play namin for our Theatre class. Grabe, masarap sa feeling na tapos na siya. Pero nagkarestage pa kami last December 9 so kain time uli. Hahaha. At kahit gaano ko siya kaisumpa e talagang babalik-balikan ko pa rin dahil napamahal ako. Haha. :)) At eto talagang play na ito, nawitness ang hardships, ang pagiging in-love at the same time heartbroken, at ang saya ko sa ibang achievements ko. Haha. Etchos. :)




11. MASSCOMM ADVENTURES - Sa dami kong pinost dito, eto lang ang cinollective ko dahil di naman sila super kalakihan. Hahaha. Pero yun ay ang Radio Station Visit na first time ko ginawa, at ang CMFR Jaime Ongpin seminar kung saan nakita ko sina Lynda Jumilla, Malou Mangahas, Henry Omaga Diaz and my favorite Pia Hontiveros. Ang saya lang maging MassComm. :) And bukod pa rito, for our Radio Production Class, nag-interview kami sa Senate at sa Congress. Bongga diba? And sa org naman, ang the best na nangyari this year was attending Student Media Congress kung saan nakaattend ako ng Scriptwriting Workshop with Direk Raz dela Torre and talk ni Boy Abunda. Bongga. :D Oh, let's not forget pala ang pinakauna kong natamasang benefit noong January, ang first ever Studio Tour ko. Plus my first play na inattendan, ang Sa Wakas. :)







10. DEATH OF A LOVED ONE - First time kong maranasang mamatayan ng isang loved one and malapit na relative pa. It's my grandpa. Grabe, we were really not that close pero I was hurt when I learned about it kasi it was a shock to everyone. But this one also taught me that life goes on. And I think they would be happier for the ones they left here on earth if they move forward and go on with their lives. Another lesson is that hindi talaga natin alam what will happen next, just like what Miss Bing told me "The thing about life is that nothing really is expected, unlike in teleseryes wherein the script tells us what happens next." which is really true.

9. ACADEMIC ACHIEVEMENTS - 100 grade in a subject. Program Chairperson's Lister 2nd Sem of 2nd year, Program Achiever's Lister 1st Sem of 3rd year. Di ako mayabang ha! Haha echos. Pero I am just so happy that I was able to manage to get these things despite other things, sobrang naging busy and everything lalo na nung may Theatre pero ayon. So ang intention ko rito, hindi magyabang, but to tell everyone that time management is the key to success. Hahaha echos. But grades aren't the measurement to anyone's success pero yung effort na binuhos mo para ma-achieve ito. So kung may ganyan ka ngang grades pero daya lang naman ang lahat, wala rin. And sabi rin nila, hindi importante yung grades. But I don't believe in that. Sa tingin ko kasi kung ano ang performance mo sa school, ganun din ang mangyayari sa work, but of course depending on the scale and parameters. But then dapat sa College pa lang, give your best para hanggang work, dala-dala diba? :)





8. BENDOR PREMIERE NIGHT - Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapunta ako sa premiere night ng isang movie. And guess who just invited me, none other than Malvina Sancuevas herself Miss Vivian Velez. I am really a fan of hers kasi. I actually promised to bring cupcakes kaso ang nangyare di natuloy. Haha. :) Anyway, ang daming firsts sa event na ito: First time na guy friend ang sinama ko sa achievement day ko - Si Mart, na gusto ko talagang magthankyou. Haha. Kaka-birthday niya lang din kase nun and siya ang nearest sa place, which goes to my next first. First time kong nagpunta sa Makati mag-isa na kaloka, sisiw na sisiw lang pala. Hahaha. :)) Then first time ko nga na umattend na premiere night + first time ko makanuod ng indie film sa sinehan. Pero siyempre ang pinakamahalaga yung na-meet ko ang isa sa mga pinakahinahangaan kong actress sa showbiz, Miss Vivian Velez. :)



7. BET ON YOUR BABY TAPING VISIT - First time kong manuod ng taping ng isang game show at sa studios ng ABS-CBN pa. Plus this is one of my favorite game shows na talagang nakakaenjoy panuorin. Haha. I'm so happy na nabigyan ako ng privilege na makanuod nito kasi nalaman ko ang mga secret. Hahaha echos. Tas nakita pa ang ganda ko sa TV at ng mga groupmates ko. E di winner! Hahaha! :)







6. ANNALIZA SET VISIT - Nakiechos lang ako sa na-assign dito pero ang saya saya nito. Haha. Para kong nakakakita ng magic habang ginagawa at habang pinapanuod ang mismong episode. Nakatabi pa si Patrick Garcia sa dinner. Hahaha. Echos. :)) Pero ang saya kasi super dami kong learnings from Direk Ted, Miss Kat, Miss Tin and Miss Jen.











5. PARAISO FINALE VIEWING PARTY - Actually, ito siguro yung pinakaunang achievement ko ngayong taon. Nung nag-finale ang PHR: Paraiso last April 5, Miss Bing (show's headwriter) invited Cher and I for the finale viewing party. Talagang milestone sa buhay ko ang palabas na ito because it brought me to greater heights talaga. And grabe, first time kong makarating ng Eastwood at di umuwi ng maaga - one thing na pinagsisihan kong di ko ginawa nung presscon. :) Haha. Forever thankful ako kay Miss Bing, Ate Bianca and Sir Julius, along with Sir Mike and Sir Jurey kasi super bait nila plus accommodating talaga. :) At ang saya saya nung araw na yon. Yun lang masasabi ko. :)


4. ONE LUCKY DAY - Three Names. Noringai. Diego. Annaliza. Echos. Hahaha. Una, nakapagpasign ng book kay Miss Noreen Capili - one of my idols talaga sa creative. Second, first meeting with Diego Loyzaga na sobrang unforgettable. And third, medyo dinner with Annaliza's director Direk Ted Boborol and post-production team Sir Carlough, Miss Megan and Miss Jerry + Maria Mercedes editor Sir Richard. Need ko pa ba explain why lucky? :)

3. WHAT PURING WANTS, CORING NEEDS - Miss Bing invited me to watch a play na prinoduce ng isang taga industry named as Camoco Bafflaga entitled What Puring Wants, Coring Needs. Ang saya saya kasi ang dami kong na-meet na people from the industry tapos first time ko pang nakita ang isa rin sa matagal ko nang idol na si Miss Noreen Capili, isama mo pa ang iba kong idols like Miss Tanya Bautista, Miss Clarissa Estuar and Miss Rose Colindres. Sayang wala akong pic kay Miss Clarissa and Miss Rose pero keri lang naman. Haha. :)) And wait, gusto kong mapanuod ang play kasi I swear totoong totoo siya. Hahaha. :)



2. DIEGO LOYZAGA - Dalawang beses ko siya nakita sa sem break. Panalo. Our first meeting was really really...whoo I cannot even say anything. Ang saya saya. Yung celebrity crush mo na halos dalawang taon mong inaantay na makita e finally nangyari na. Plus ang bait bait niya. Kala mo friends lang kayo. And I can't wait kasi siya ata ang unang memory ko of 2014. Next year abangan naten. Hahaha! :D




1. 18TH BIRTHDAY - Had a big birthday bash. Celebrated my mismong birthday at my favorite place to be with some of the people I admire the most. Received one of the cutest surprises and most precious gifts. :) Ang saya saya. :D Imagine, sa ABS-CBN talaga ako nagmismong birthday. Kaloka. Pero ang pinakaimportante, kahit akala ko noong 2011 e mamamatay nako, umabot ako ng 18 years old ngayong 2013. ;)











So 3 words for the year 2013 - ABS-CBN. Diego. MassComm.

Next year kaya anong 4 words ang bubuo ng taon ko? :)

Images Courtesy of: Eunick Nobe, Miguel Simpao, Flery Ann Robles, Cher Aguinaldo, Kristian Elefante, Julia Dela Cruz

No comments:

Post a Comment