Tuesday, December 31, 2013

Teleserye Throwback: 13 Drama Shows that Made my 2013

So siyempre bilang medyo entertainment blog tayo, wag nating kakalimutan ang mga show na tumatak sa atin ngayong 2013. And this is my own only ha. Kasi baka magreklamo kayo bat wala yung gusto niyong show. Hahaha. Own opinion ito. And galing ito sa 4 networks: ABS-CBN, GMA, TV5 and Fox Filipino.

Anyway, kahit tumatak ang PHR: Paraiso, Ina Kapatid Anak, Kahit Puso'y Masugatan at Be Careful With My Heart sa akin ay hindi ko sila isinali sa listahan dahil nagpremiere sila ng 2012. :D

Tara, simulan na natin ito. :)) Simulan natin sa 13 para may bitin. Hahaha. :D

13. Bakekang (Fox Filipino) - ineere uli ang Bakekang sa Fox at 8PM. Sayang at di ko napanuod ang original run nito pero bongga pala talaga ito. Ang saya saya ng tarayang Sheryl Cruz at Sunshine Dizon, ang baguhan then na si Lovi Poe, si Yasmien Kurdi and Nadine Samonte at ang showbiz millieu. Binuhay nito ang dugo ko weeknights kaya di ko pa rin masyado masubaybayan si Honesto at nalelate ako sa gaps ng Got to Believe. Haha.


12. Forever (GMA) - ang story ng walang hanggang pag-ibig with magic. Super na-inlove ako sa story nito at kinilabutan ako sa ending. Ang galing ni Heart Evangelista dito. Sayang lang fat si Geoff Eigenmann dito pero ang saya makita uli ang love team nila kasi favorite ko talaga ang tambalan nila e. Hehe. :) And exciting rin ang story, moving siya. One of the bests sa hapon. :)



11. Kailangan Ko'y Ikaw (ABS-CBN) - first ever Robin Padilla show na tinutukan ko after Basta't Kasama Kita pa. :) Love ko si Miss Kris, love ko rin si Anne, and ang ganda ng story nila though minsan masyadong maaksyon pero since Robin, forgivable. Sayang at nailagay ito sa late timeslot. Pero keri lang din naman at least may inaantay sa gabi at love ko rin naman ang shows na puinapalabas prior to KKI. :)


10. Kakambal ni Eliana (GMA) - Bago ako nainlove kay Galema ay may Eliana muna at Naha. Isa ito sa fantasy shows na nagustuhan ko plus I like Kim Rodriguez pa. :) So keri boom boom. Maganda rin ang kwento nito kaya tumaas ang ratings e. But the best dito si Chynna Ortaleza lalo na nung naging babaeng ahas siya. Hahaha. :))

9. Anna Karenina (GMA) - Paano ko naman hindi tutukan to e favorite ko ang original version nito? :) Pero siyempre better pa rin ang original. Hindi ko lang din ineexpect na yung 6 years noon ay naging 16 weeks lang sa remake, sana kahit konting extension para masaya. Well iba na rin kasi ang naging ikot ng story nung bandang dulo. Pero okay sakin ang remake nito lalong lalo na nung umpisa panalong panalo at loyal talaga sa orig version. :)

8. Bukas na lang Kita Mamahalin (ABS-CBN) - Noong una di ko pa to masyado sinubaybayan pero simula nung tumakas si Miguel, ay grabe! Intense gabi-gabi at talagang manghuhula ka sino nang-rape kay Karla. Ang galing ni Gerald Anderson rito. At grabe ang character ni Dawn Zulueta, matindi niyang naipakita ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Story-wise maganda talaga. :)


7. May Isang Pangarap (ABS-CBN) - Siguro mas mahaba pa inabot ng show na ito kung hindi ito nilagay sa hapon at minaintain ang 6PM slot dahil dun talaga siya bagay. Maganda ang show na ito, at nakakainspire na tuparin ang mga pangarap. :) Sobrang bongga rin lalo na nung pilot episode. Haha. Ang di ko lang nagustuhan ang ending kasi dalawa silang bidang bata pero lumabas na si Lara ang mas bida. Pero maganda pa rin sya. Hahaha. :)


6. Galema (ABS-CBN) - You have Andi Eigenmann and Wenn Deramas. Perfect combination. Kahit naging fave ko si Eliana at ayoko sa mga ahas, okay lang. Mythological love story ang peg ng show na nagwo-work talaga kaya mataas ratings e. :) Excited ako sa mga susunod na mangyayari sa show na ito! At ang cute cute ng mga ahas ni Galema. One request lang, wag papatayin ang mga ahas ni Galema para maging normal siya at gasgas na yun PLUS sayang ang kacutan ng dalawa.


5. Akin Pa Rin Ang Bukas (GMA) - Favorite ko talaga to. Inspiring ang title and infairness nadala naman ng story. Effective si Charee Pineda at ang galing galing galing ni Lovi Poe. I really love her talaga, nafollow nya pa ko sa Twitter dahil sa galing niya. Kaloka diba! At ang ganda rin ng ending. Cliffhanger + Tagumpay + Nakakaiyak na scene with her mother + Death ni Jerry. Nakakaiyak na ang ganda. :)))


4. Maria Mercedes (ABS-CBN) - E talaga namang inaabangan ko ito. Di ko napanuod original Maria Mercedes kaya di ko maicompare pero ang masasabi ko lang e parang ito ata ang best Thalia adaptation. :) Ewan ko bakit sabi nila di raw masaya management dahil di nagrerate (sa mga nabasa ko ha) pero okay naman. Di ko masyado like si Jessy Mendiola pero fave ko ang show niya, okay naman siya sa acting pero mas love ko si Miss Vivian Velez, Vina Morales and Nikki Gil. Winner talaga ang tarayan bongga! :)


3. Apoy Sa Dagat (ABS-CBN) - Sa lahat ng kambal stories, eto ang pinakamasalimuot at the same time pinaka intense at pinakamasaya. Ang gagaling ng mga artista rito plus ang galing ng mga twist. Pang matalino yung show. Akalain mo yung all this time na kontrabida e nasa tabi lang pala nilang lahat. Ang gaganda rin ng subplots. :) Namimiss ko tuloy. Lalo na nung namatay kunyari si Rebecca. Eto ang show na napaniwala akong namatay nga ang bida. Kaisa-isang show! Ewan ko kung natanga ako o sa sobrang believable talaga ng mga kaganapan! :))

2. Annaliza (ABS-CBN) - Nandito ang lahat ng hinahanap ko sa isang show - inspiration, drama, kilig, crush, tarayan. Lahat lahat na. Sobrang saya at naextend sila ng pagkahaba-haba kasi ang ganda ganda talaga. Balanced ang light and heavy parts. Si Mamita lang ang di ko maintindihan pero the rest, nakikitang very character-driven ang show. Hiling ko lang din na wag mamatay si Annaliza kasi teenager na siya nung namatay sa original + nagawa na sa Flordeluna. Hehe. :))

1. TGiS (Fox Filipino) + Teen Gen (GMA) - Talagang eto ang kumain ng TV Viewing Habit ng 2013 ko. Kahit minadali ang TGiS sa Fox at chinorba ang Teen Gen sa GMA. Naging fan ako kung kelan inulit na. Haha. Pero matindi lang ang interes ko sa show na ito. Kasi wala na itong katulad. Sa lahat talaga ng teen-oriented shows, eto ang the best - well TGiS ha. :) Kaya Fox, dahil binitin niyo kami sa Batch nila Antoinette, pakibalik naman ito please at ituloy ang kwento! :)))



NEARLY MADE IT TO THE LIST: Never Say Goodbye (TV5), Kahit Konting Pagtingin (ABS-CBN), Little Champ (ABS-CBN), My Husband's Lover (GMA), Bukod Kang Pinagpala (GMA), Huwag Ka Lang Mawawala (ABS-CBN), Got to Believe (ABS-CBN), Impostora (Fox Filipino) at Misibis Bay (TV5). :)

Again, inuulit ko, OWN OPINION ko lang yan kaya baka may mang-bash saken na di ako credible, chu-chu. Hahaha. Sobra kayo! :)) E kayo ano ang mga teleseryeng tumatak sa inyo ngayong 2013?? :)))

Images Courtesy of ABS-CBN, GMA, Fox Filipino

No comments:

Post a Comment