Tuesday, December 31, 2013
We Review: My Little Bossings
Isa sa pinakainaabangang movies na ipapalabas sa nakaraang Metro Manila Film Festival ang My Little Bossings starring of course Mr. Vic Sotto with Miss Kris Aquino and new child wonder Ryzza Mae Dizon. First screen outing rin ito ni James "Bimby" Aquino Yap.
Ang kuwento ng My Little Bossings ay simple lang - Kris' character Baba is threatened by her sister Jaclyn Jose na ipapatay siya dahil sa pinagbibintangan siya sa isang scam na talaga namang si Jaclyn ang gumawa. So she decided na umalis at ipa-stay ang kanyang anak na si Justin (Bimby) kela Torky (Vic Sotto) - her trusted bookkeeper. Meanwhile, Ice (Aiza Seguerra) returns to the Philippines from Japan at dahil magsasara na ang ampunan na kanyang pinagstay-an, kukunin niya si Ching (Ryzza Mae). Magsasama sinang apat sa isang bahay at dito lalabas ang inner conflicts nila.
Anyway, super funny ng movie lalo na si Ryzza Mae! Siya talaga ang daest sa movie na ito. :) First time kong nanuod din actually ng Vic Sotto film sa sinehan and happily, di naman ako na-disappoint though di rin ako gaanong na-please. There are moments na medyo naging boring. Plus sana din e nilagay si Aiza Seguerra sa poster 'cause she actually played a vital role in the story. :) Also, may di lang ako nagustuhan sa photography kasi biglang nagso-slow mo yung ibang moments na parang di naman kailangan. Hehe. But over-all, masaya naman ang movie lalo na ang Bimby-Ryzza moments! Ngayon ko lang na-appreciate si Ryzza Mae ng ganito! Hahahaha. Abangan niyo yung na-anghangan siya sa wasabi. The best part ever ng film yon! Hahaha. Miss Jaclyn Jose also, to see na ganito siya, nakakatuwa rin ang role niya. :)
Anyway, if you want total entertainment at lumabas sa sinehan ng nakatawa, panuorin niyo ang movie hanggang bloopers! :D
Rating: 7/10 :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment