As in Ermehgeeeeeeeeeerd.
Hahahaha. Mapang-asar.
Pero seriously, OMG. Natupad ang marami sa mga wish ko last month, November 11, 2013 to be exact. :)
First wish, naka-attend ako ng premiere night for the first time ng isang movie.
Second, first time ko ring nakanuod ng indie film, as far as I remember. Hihi.
Third, nakarating ako ng Makati mag-isa. Pero hindi sa mismong mall ha! Haha. Thanks to my friend, Mart, di ako naligaw ligaw at nakauwi ako ng buhay. Haha. TEKA BAKIT PAG-UWI NA AGAD WALA PANG CLIMAX! Hahaha! :)
And Fourth...
Na-meet ko ang isa sa mga pinakamagagaling at pinaka respetadong actress on Philippine TV and Movies, and isa sa mga magagaling na kontrabida ngayon, si Miss Vivian Velez. :) Yes, siya na nga. Si Malvina Sancuevas ng Maria Mercedes. :)
Miss Vivian Velez was an actress wayback mga 80s or 90s ata, haha. Not sure. Pero ang alam ko, she was the original lead star of Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (na niremake sa 7 noong 2009 starring Marian Rivera and Dingdong Dantes), then she starred noong 1996 (yata) in a soap opera on GMA entitled Rio Del Mar produced by TAPE Inc. I actually wished I was able to watch that show kasi based sa nabasa ko, ang ganda ng premise niya. And I think that was the last appearance of Miss VV before she left showbiz.
And in 2010, she had her comeback in ABS-CBN via the Angel Locsin-John Lloyd Cruz starrer Imortal as the lobo-kontrabida Lucille. Ang alam ko, si Miss Amy Austria dapat ang gaganap sa role na yun pero she turned it down yata. Tas nung nalaman kong comeback daw ni Miss Vivian, sabi ko, ay makikita ko na rin siya sa wakas, kung sino kaya siya and so on and so forth. :) And then, ayun na I was able to see her sa Twitter, finollow ko siya. Then lagi ko siya tinetweet kasi isa siya sa mga reasons why ako nanunuod ng Imortal kahit di ko type mga ganong show. Haha! :) Then nakasama rin siya noong 2011 sa Forever and A Day with KC Concepcion. :)
2013 when she starred sa Misibis Bay sa TV5, then I remembered tweeting her at sabi ko, sana bumalik siya sa dos, and she replied na she will be back nga for Maria Mercedes! :) So masaya ako. Haha. :D
And then after exchange of tweets, etc. Eto na nga, Miss VV invited me to the premiere night of her Cinema One Originals entry na Bendor (which was really a good movie! Wasn't able to do a review nga lang dahil busy na that time, hihi.). Kaya ayon, finally, na-meet ko na siya. And all I can say is, baliktad siya kay Malvina, kasi Miss VV is really a cheerful person, and very approachable. Hindi nakakunot ang kilay, laging nakasmile. Ang naging similarity lang nila is nakaitim rin si Miss VV noong premiere night! Haha! :) Nakakatawa pa kasi I tweeted her last Friday saying na if I had not met her in person, matatakot ako sa kanya dahil ang scary naman ni Malvina last Friday! Jusko po. :) Hahaha. :D Nakaitim tas nagsasabi ng mga threats kay Mercedes and everything. Haha. :D Then her reply was, hindi lang daw sya nagkaroon ng chance to scare me, hahaha kaloka! :D
Anyway, gustong gusto ko rin talagang magpasalamat kay Miss Vivian for inviting me and allowing me to bring a friend pa. Ayan, nagkainstant birthday gift ako kay Mart! Haha. And thank God, taga Makati siya at malapit lang siya sa area so di ako nahirapan. Haha. :D Anyway, ayun nga, thank you Miss VV for always tweeting me back, and for inviting me in this event. Sobrang happy po ako talaga! Yung promise ko pong cupcake next year po! Hihi. I hope to see you rin po ulit soon! (And I hope I will be able to write a soap for you po soon! Hihi lol.)
And sa sinamahan akong si Mart, thank you thank you thank you rin, na muntik ka pang mahawa sa sore eyes ko. Hahaha. :)
Anyway, more pictures from the event! :D
With Miss VV and Mart |
The Cast and Crew of Bendor |
With Mart, my companion for that day. :) |
P.S.: May sore eyes na pala ako during that day. Tignan niyo sa last picture, medyo halata. Jusko. And if you look closely din pala sa pic namin ni Miss V, namumula din siya! Jusko po horror talaga ang peg! Two days before kasi I was sick talaga, actually a week pala before that. Pero sakto, gumaling ako noong araw na yon, except that my eyes were sooooo red I looked like someone na sinaniban. Akala ko dahil lang sa runny nose, but the following day, I can't open my eyes anymore dahil sa alam nyo nang ka-eew-an. Haha. And there it was confirmed na sore eyes nga. Hihi. Mahal ako ni Lord talaga, kahit may mga ganito akong pinagdadaanan, pinapayagan niya pa rin akong matupad ang dreams ko, kaya wag kayong gi-give up. Go lang ng go! :)
No comments:
Post a Comment