At dahil nga hindi ako pinalad na makabunot sa Drama/Sitcom group, inampon...well actually nagpa-ampon ako sa group na nakabunot non! Haha! :) At ayon nga, sa pinakapaboritong teleserye ko ngayong taon kami nakapag-set visit. Thank God na lang na na-meet ko na ang Annaliza director na si Direk Ted Boborol (remember my blogpost sa first week ng season two? :D) and na-contact ko siya para makabisita kami for TV Prod requirement. :)
Anyway, nag-manifest na naman dito yung madalas nagaganap saken pag may nangyayaring maganda. Yung may sakit muna ako. Hahaha, a night before this kasi nakakaexperience ako ng usual sakit ko sa tiyan na hindi ko na sasabihin dahil too much information na. Hahaha. Pero siyempre, di yun nakahadlang para di ako matuloy noh! Excuse me. Hahaha! So natuloy ako. The taping was somewhere in Fairview. Thanks to the Executive Producer of the show Miss Kat Juban for helping us na makapasok. :)
So eto na yung mga preliminaries. Miss Tin (one of the Prod Assistants) toured us around the set. Dun kami sa bahay nila Annaliza nagpunta. Ang sequences na nakatakdang i-tape ay ang sabunutan nila Arlene at Annaliza with Stella na in-air two Wednesdays ago yata. :) So anyway, eto ang mansion nila Annaliza. :)
And then, we also got the chance to watch the stars tape their sequences. Nahati ang group and napunta ako sa eksena ni Arlene and Lazaro. Ang gwapo ni Patrick Garcia. At ang galing umarte ni Kyline for a child star. Jusko. :)
|
Arlene still goofing around. Jusko kahit rehearsal di niya sineseryoso. Pero pagdating ng take.
OMG. And hulaan niyo kung nakailang take siya? ISA LANG NAMAN. :) |
|
Assistant Director Ritchie Rono getting ready for the take. |
|
Cameramen looking for good angles. Si Patrick Garcia yung natatakpan. :) |
Anyway, fast forward na natin sa mga kaganapan nung gabi at si Alex na lang ang naiwan kong kasama. :) Na-interview namin si Direk Ted about sa pagdi-direct niya ng Annaliza, sa mga challenges, sa perks, at kung saan saan pa. And ang pinaka tumatak sakin, yung sinabi niya about Passion. Siyempre di na ito yung mga sakto niyang sinabe pero basta about yun sa work, sa pagod and sa kakulangan sa tulog kasi siyempre di na sila araw araw natutulog. Haha. Pero dahil daw sa passion kaya andito pa rin siya. And I'm really more inspired dahil dun. :)
While on the set, na-observe rin namin ang hirap talaga ng lahat lahat ng tao don. Walang taong hindi nagwo-work sa set, everyone's busy. Yung iba lang siguro sa technicals or sa art department pag wala naman kailangan pero saglit saglitan lang yon. And ang bilib ako, sa mga bata - Arlene at Annaliza the most, dahil di sila napapagod at hanggang gabi, may energy! Kaloka. :) Pero siguro the best part sa mga encounter ko sa mga artista ay yung kay Patrick Garcia, nakatabi ko siya nung dinner! Haha bongga diba! :)) Anyway, here are more pictures from the set visit. :)
|
With EP Miss Kat, Alex, AD Direk Ritchie, Jillian (Cathy) and Blythe (Annaliza) |
|
Alex and I with Direk Ted Boborol. |
|
Alex and I with Miss Peewee O'Hara, yung yaya sa mansion (forgot her name).
Anak niya ang headwriter ng Be Careful With My Heart.
And I will always remember her as Yaya Ceana sa Abt Ur Luv, :) |
|
With Andrea "Blythe" Brillantes. Si ANNALIZA. :) |
|
Alex and I with Jillian Aguila or Cathy. |
|
With Kyline Alcantara (Arlene). :D |
|
Set-up na for the nesxt sequences! |
|
Medyo hiniram yung board. Hahaha. :) |
|
Pasko na talaga kela Annaliza. :) |
|
Ang Dining Room sa bahay nila Annaliza. Bongga ito. :) |
|
Ready na sa next take. :) |
|
With Miss Jean Saburit, Maisa my groupmate, and Patrick Garcia. :)))) |
Anyway, ayon sobrang happy ko sa mga kaganapang ito. :D Salamat talaga Direk Ted and Miss Kat sa pag-allow samen na makapasok! And sa Drama group, thank you for welcoming me sa group niyo. Hihihi. :))) Gusto nga ng groupmates ko bumalik! Maybe next time, or baka sa susunod, kami kami na ang nandirito! Haha! Bongga! :)
No comments:
Post a Comment