Monday, January 20, 2014

Fangirl Stories: Remembering AJ Perez

Hindi ko alam kung anong pumasok actually sa isip ko kahapon pero bigla ko lang na-feel na magbasa uli ng Candy magazine na featured ang unang-unang celebrity crush ko talaga at naging dahilan kung bakit ako sobrang na-addict sa Candy magazines noon, si AJ Perez.



It was in 2008 nung makita kong siya ang cover ng Candy Mag. Well, Abt Ur Luv pa lang talaga, crush ko na siya. He's so baby-faced, napaka-angelic ng face niya talaga. And he's really gwapo. Wala nga atang TV Show niya ang hindi ko nasubaybayan - Abt Ur Luv (well except yung umpisa), Astigs, Lobo, Your Song presents Imposible, Your Song presents Boystown, and Sabel - his first lead in a show. 5 na Candy Magazines ang meron ako sa kanya - yung ang cover si Cheska Ortega tapos pinakita don yung bedroom niya and how he wakes up in the morning, yung si Sam Concepcion din ang cover tapos guest editor siya. Doon nag-suggest siya ng mga gifts na pwedeng ibigay for guys (yun talaga yung official na crush ko talaga siya!). Then yung cover siya tas tinanong ang A-Z ng buhay niya. Ang naaalala ko dun, mahilig siya sa hoodies, he wears invisalign (tama ba?) braces, tapos favorite niyang joke yung "Bababa ba?" "Oo, bababa".
Ang tanga tanga ko nga kasi nawala ko siya! Tapos, next month nun nasa magazine uli siya, and there he wrote a letter for his future girlfriend which was so sweeeet talaga!!! And yung huli was 2009 na ang cover ay si Taylor Swift, and he talked about being single. After non, hinanap ko rin account nya sa Facebook, sa Multiply - na mukhang mga legit naman kaya gogogo! :)


Then it was in the night of April 16, 2011 noong nagma-marathon pa ako sa Youtube ng Underage. Wala akong kaalam-alam, something happened na pala. Tapos noong madaling araw ng April 17, nagising ako and I checked my phone, nagtext sa akin ang friend ko na patay na daw si AJ. Naloka ako syempre at matagal nako bago nakatulog uli! Inisip ko talaga kung totoo, kasi ang alam ko, noong mga panahon na yon, nasa tour ang mga talents ng Star Magic. So paano siya namatay doon diba. And in the first place, parang hindi naman alam ng friend ko na yun na crush na crush ko si AJ. And then nagising na lang ako uli and saw the news on TV.

Sobrang nanghihinayang lang ako kasi never ko siyang nakita in person, di man lang kami nagka-picture or di ko man lang siya nakausap ever unlike sa mga nagagawa ko sa mga celebrity crush ko ngayon, dati kasi akala ko di niya mapapansin tweets ko sa Twitter kasi siyempre ang dami dami nang nagte-tweet sa kanya. Tapos di rin ako nakapunta ng wake niya, kasi for sure di ako papayagan and di pa ako super marunong mag-commute nun. Pero dati, bago ako matulog, magpa-pray ako ng 1 Our Father and 1 Hail Mary for him, yun ata yung DEAP na di ko alam ano talaga ibig sabihin pero parang prayer ata yun for him. And nung namatay siya, hindi ko rin tinantanan ang pangongolekta ng magazines na kasama siya. Yung issue na siya ang cover sa Yes about his death and sa Starstudio, binasa ko yon. Grabe yung love ng co-stars niya, and talagang naniniwala akong he is really a kind person, kaya siguro kinuha siya agad ni Lord. Sobrang bait niya. Ang favorite story ko yung kay Lauren Young, na pinagdala niya si AJ ng bag nung tour nila sa Malaysia ata for Abt Ur Luv, ayaw ni AJ pero sinabi ni Lauren, ililibre niya ng ice cream si AJ kaya pumayag na rin. Eventually, hot chocolate ata ang nailibre niya pero si AJ daw, never nagreklamo.

Ayun, honestly, winish ko nga na sana, magparamdam siya saken or magmulto. Kaso wag na ngayon kasi mag-isa na lang ako natutulog sa kwarto! Hahaha! Pero kung magmumulto siya why not, at least nakita ko na siya. Pero ang alam ko, napanaginipan ko na siya e. Pero ayon, AJ, wherever you are, kahit ang dami ko nang celebrity crush and everything, you'll always be the first, the most handsome. Nakakamiss ka super! :)


You are forever loved, AJ. :)

Images Courtesy of Candymag.com

No comments:

Post a Comment