Sa wakas at eere na ang isa sa mga pinaka-inaabangang teleserye sa ABS-CBN, ang THE LEGAL WIFE. Ito ang pagbabalik primetime ni ANGEL LOCSIN kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador at bagong kapamilyang si JC De Vera. Kasama rin rito ang mga nagbabalik kapamilyang sina Rio Locsin, Mark Gil at nagbabalik teleseryeng si Christopher de Leon.
Ang kuwento ng The Legal Wife ay tungkol sa journey ng character ni Angel Locsin (as Monica) matapos madiskubreng may kabit ang asawa niyang si Adrian (Jericho Rosales) at ito ay ang kanyang bestfriend na si Nicole (Maja Salvador) habang pinapatunayan ang sarili sa kanyang ama (Christopher de Leon).
October 2013 pa lang ay pinapakita na ang mga teaser nito sa telebisyon kaya naman mas excited talaga ang mga viewers dahil matagal rin nilang inantay si Angel Locsin na bumalik sa Primetime TV. And after the release of its full trailer last January 1, nag-spawn na at naging viral ang mga memes ng sampalang eksena nina Angel Locsin at Maja Salvador. Ang theme song naman ay Hanggang Kailan Kita Mamahalin sung by Angeline Quinto.
Ang The Legal Wife ay eere na sa January 27 kapalit ng Maria Mercedes. Ito ay galing sa panulat ng creative team headed by creative manager Henry King Quitain (Star Creatives Creative Manager) and headwriter Generiza Reyes (Maging Sino Ka Man, Guns and Roses, Princess and I) at sa direksiyon nina Rory B. Quintos (Princess and I, Kristine, Maria la del Barrio, Pangako Sa'Yo) and Dado C. Lumibao (Princess and I).
Heto ang Full Trailer and other teasers ng The Legal Wife:
Videos Courtesy of ABSCBNOnline
No comments:
Post a Comment