Nagsimula ang pinoy soap opera noong 1949 sa radio via the popular Gulong ng Palad. And then it expanded into television noong 1960s via the first TV soap opera in the Philippines - Hiwaga sa Bahay na Bato. Simula noon, nagsunod-sunod na ang mga bigating TV dramas, una na diyan ang binasagang Ina ng Pinoy Soap Opera na Mara Clara noong 1992, Mula sa Puso at Esperanza noong 1997.
2000 naman nang unang marinig ang term na TELESERYE via Pangako Sa'Yo - ang kauna-unahang venture ng Star Cinema sa pagpo-produce ng TV Dramas. Nasundan ito ng Kay Tagal Kang Hinintay, Darating ang Umaga, at Bituin.
Sa GMA naman, VIVA Entertainment ang katuwang nila sa pagpo-produce ng kanilang mga TV Dramas - Villa Quintana, Ikaw na Sana and Anna Karenina to name a few. Noong 1999 naman sila gumawa ng sarili nilang TV Drama with Di Ba't Ikaw. Nasundan ito noong 2001 ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, Sana Ay Ikaw Na Nga at Ang Iibigin Ay Ikaw.
Anyway, balik tayo sa ABS-CBN dahil sila nga ang nag-celebrate, sariwain natin ang mga in-offer ng ABS-CBN noong panahon ng 60 Years of Pinoy Soap Opera. :) Pero bago yon, panuorin muna natin ang AVP ng selebrasyong ito kasama ang mukha ng 60 Years na si Miss Judy Ann Santos. :))
60 Years AVP
60 Years - The Face of the Celebration
At ang ilan sa teleseryeng pumuno sa ating selebrasyon. :)
TANGING YAMAN
KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO
MAGKANO ANG IYONG DANGAL?
HABANG MAY BUHAY
AGUA BENDITA
RUBI
IMPOSTOR
ROSALKA
MAGKARIBAL
IMORTAL
At ayan, sana na-enjoy niyo ang pagsasariwa sa mga teleseryeng inihandog noong 60 Years of Pinoy Soap Opera sa ABS-CBN. Ngayong 2014, mas exciting ang mga teleserye! :D
Videos Courtesy of ABS-CBN and Youtube Users
No comments:
Post a Comment