Monday, February 17, 2014

Something New: Ikaw Lamang

Two weeks ago, ni-launch na sa Honesto ang isa sa pinakamalaking teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Television ngayong taon, ang IKAW LAMANG.


Ito ay pinagbibidahan ng 4 sa malalaking bituin ng ABS-CBN na nanggaling rin sa matatagumpay na teleserye - Sina KIM CHIU (Ina Kapatid Anak), JULIA MONTES (Muling Buksan Ang Puso), JAKE CUENCA (Maria Mercedes) at COCO MARTIN (Juan Dela Cruz).


Sa teaser na ni-launch, makikita that the new teleserye is a period drama and is set in the 1960s - 1970s. Makakasama ng apat ang mga malalaking artistang sina Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Daria Ramirez, nagbabalik-telebisyong si Meryll Soriano, Ronnie Lazaro, Spanky Manikan, Lester Llansang, John Estrada, at sina Tirso Cruz III at Ronaldo Valdez.

Ito ay sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco - the same tandem behind Juan Dela Cruz.

Panuorin ang teaser ng IKAW LAMANG:


Nakatakda itong umere ngayong Marso sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


Images and Video Courtesy of ABS-CBN

No comments:

Post a Comment