Noong January 27, sa wakas ay umere na ang isa sa pinaka-inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang The Legal Wife. The soap stars Jericho Rosales, Maja Salvador, new Kapamilya JC De Vera and the primetime comeback of Angel Locsin. Kasama rin nila rito sina Christopher de Leon, Mark Gil, Rio Locsin, Joem Bascon, Ahron Villena at marami pang iba. Ang The Legal Wife ay under sa Star Cinema TV Unit at sa direksiyon nina Rory B. Quintos (Kristine, Maria la del Barrio) and Dado C. Lumibao (Princess and I and MMK).
On the first week of The Legal Wife, ipinakita ang nakaraan ni Monica (Angel Locsin) as Ikay (Xyriel Manabat as young) kasama si Eloisa (Neri Naig to Rio Locsin) at ang nakilala niyang ama na si Dante (Matt Evans to Mark Gil). Masaya silang magkakasama pero maaaksidente si Ikay kaya kinakailangan na nilang bumalik ni Eloisa sa tunay nilang pamilya - si Javier (Joem Bascon to Christopher de Leon) at ang dalawa pang kapatid ni Monica na si Javi (Joem Bascon) at Jasper (Ahron Villena). After years, lalaki si Monica na laging pinapatunayang ang sarili niya sa kanyang ama at Kuya Javi na malaki ang galit sa kanila ni Eloisa.
Monica works in an advertising company na humahawak rin ng ads ng Vita - ang sardines company nila Monica. One night, sa isang music store, nakilala ni Monica si Adrian (Jericho Rosales) pero hindi sila nagkakilala ng pormal except sa plakang binili ni Adrian para kay Monica, only to find out later na siya pala ang umagaw sa isa sa mga mahahalagang account ni Monica - ang Love Beer account. Si Adrian ngayon ay ka-trabaho na ni Monica sa advertising agency after siyang ma-pirate.
Later, ipinakilala na rin si Nicole (Maja Salvador), ang bestfriend ni Monica na confidante niya sa tuwing magkakaroon sila ng di pagkakasundo ng kuya niya. Kaya sila naging magbestfriend ay nang malaman ni Monica na si Nicole pala ang tunay na anak ni Mang Dante. May problema naman si Nicole sa love at ito ay sa katauhan ni Max (JC De Vera), na in-love pa rin sa ex niyang si Audrey kaya nagiging panakip-butas lang si Nicole.
Anyway, eto ang mga napansin ko sa first two weeks. Yung kuwento is not boring, moving siya. Plus I love the fact na tao talaga ang mga characters ng soap. Walang OA, lahat may pinangagalingan - even Javi. I love it na talagang pinakita ang back story ng characters - yun kasi ang foundation kung bakit nagiging ganoon ang isang character.
Magaganda rin ang dialogues at may kasamang humor. Hindi siya ganoon ka-bigat sa pakiramdam. Some shows kasi, heavy na nga, heavy talagang literal ang treatment. Pero sa show, equally distributed ang lahat. Dalawang eksena lang sa first week ang medyo nagamit na sa ibang teleserye - yung paglaki ni Angel Locsin sa swimming pool (Andi Eigenmann in Kahit Puso'y Masugatan - buti na lang lumaki na si Angel bago umahon. Haha.) and yung na-late na si Monica sa housewarming party kaya kinailangan niyang mag LRT at doon sila nagkita ni Adrian (Lovi Poe in Akin Pa Rin Ang Bukas).
Angel Locsin is really an actress. Dalawang linggo pa lang, give na give na siya. And she doesn't have to shout, she doesn't need to be hysterical to show how good she is. Her character Monica siguro has something to contribute. If she is playing a stereotyped, not properly sketched and characterized character, hindi rin siya ganoon kagaling and so as the other actors in the show. So hands down to the writers.
Si Jericho Rosales rin, ang cute ng character niya. However, he still has to work out with his appearance. Mas convincing kasi kung medyo mas may dating at mas pogi pa ang gaganap, although Jericho is gwapo talaga ha! :) With Maja Salvador, as usual she has to work with her English pero dahil bagay naman siya sa kabaklaan ng role niya at glamorosa siyang tignan, di na masyadong mahalaga. Si JC De Vera naman, sana mas palakihin pa ang character niya although I'm sure ganoon naman ang mangyayari or pwede ring hindi dahil sa bago niyang soap.
No comment na ako sa veteran and support stars masyado - ang masasabi ko lang, they create a perfect ensemble. :)
Pero ang hands down ako talaga, sa editing. Winner, grabe. OBB pa lang ang ganda na! And ang ganda rin ng treatment sa flashback! Winner na winner. Napansin ko lang ang hilig nila sa lines. Sila rin kasi ang editors sa Maria la del Barrio at puro lines rin doon. Hehe. But still, HANDS DOWN TALAGA. :) Ang ganda rin ng cinematography and ng dating sa TV. Every detail was given attention. :) Pero sana pala, minaintain na lang yung Hanggang Kailan Kita Mamahalin instead na The Legal Wife na title - although syempre, marami pang aabangan kung bakit yun ang title! :)
Ang aabangan na natin dito ngayon ay ang pagiging mag-asawa ni Monica at Adrian, ang pagiging kabit ni Nicole, paano ang friendship nila ni Monica, at paano mabubuo ang love angle ni Monica at Max.
Sana magtuloy-tuloy ang consistency ng characters ng show. As I see it kasi, it's really a character-driven show, hindi siya plot-driven. Sa characters nakasalalay ang kuwento. Hindi ang kuwento ang nagdadala sa characters which is really rare sa mga shows ngayon. So I wish everyone goodluck most especially the creative team na bongga talaga dahil pinagsama-sama ang magagaling na writers ng Maging Sino Ka Man, Guns and Roses, Princess and I and Apoy sa Dagat. :)
THE LEGAL WIFE, WEEKNIGHTS AFTER GOT TO BELIEVE SA PRIMETIME BIDA!
Images Courtesy of ABS-CBN
No comments:
Post a Comment