Saturday, May 21, 2011

Move on na.

OO. Mahirap magblog ng medyo mabigat ang nararamdaman mo. Grabe. I'm so confused right now. Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Heartbroken ba, oo nanghihinayang.

Sinusubukan ko naman din kaseng mag let go eh, once na nanlamig sya. Kaso di ko pala kaya. Sinusubukan ko naman maging masaya, pero bat ganto. FIRST TIME KO TO NAFEEL EVER. Parang ewan lang.

I know unfair ako, kasi di din naman niya alam kung anong nafefeel ko, pero sa totoo lang, imposible eh. Manhid siya. :/ I know this is not the right thing. Mali ito. Pero sana wala namang ganyanan, Puro kasi coldness nasa katawan niya eh. Punong-puno. Nadadamay tuloy ako, puro bitterness naman. WOOOW DIBA. ANG SAYA!!!!!!

Kung hindi man matuloy ang dapat matuloy, wag, wala na akong pakialam. Pero nararamdaman ko, pag bumalik na naman sya sa buhay ko at di na naman siya cold, wala back to zero lahat ng bitterness ko. Masaya na naman ako. Masaya naman talaga ako eh, kahit ganon lang, kasi na-a-appreciate naman niya dati lahat ng ginagawa ko noon. Kaya nakakawalang gana magreach-out.

Alam ko ang tanga tanga ko na minsan, kasi nga diba, HOT N'COLD EH! "IT" changes its mind, like a girl changes clothes! Nakakasira lang ng bait. Err.

But at the end of the day you will realize na wala ka namang ginawang masama, kasi hindi naman masamang magmahal, and at the same time, yung taong mahal mo, hindi naman niya alam na mahal mo siya diba. SO WHAT'S THE POINT? Sana nga lang itigil na ang COLDNESS. Dahil sa akin, okay lang na friends kami, I don't expect something more. I am happy with what we have. Kung tumuloy tuloy man sa ganon, bonus na lang sa akin yon, pero Imposible yun, at BAWAL. At hindi din naman ako papayag, syempre may puri din naman akong inaalagaan no!

Ang masasabi ko lang. AYOKO NA. KUNG BABALIK, E DI GO, KUNG HINDI, MADAMI PA DIYAN. MOVE ON NA.

No comments:

Post a Comment