Hahaha. :)) Ang aga ko nagblog ngayon. Mamaya kasi baka di na makapag-online! Alam niyo naman, beauty rest! HAHA! Alam yan ng followers ko kung bakit! :)
Well anyway, nakakabadtrip, ang sarap sarap ng higa ko, biglang fudgeness! Inutusan ako sa SM Center, di pa nga ako naliligo...at dahil adik adik ako, bumili ako ng YES! Magazine! HAHA!
At siyempre, ginawa ko na ang matagal tagal ko ng binabalak, ang manuod ng Till my Heartaches End. Haha. Ang ganda ganda ng musical scoring, at siyempre kahit di sila nagkatuluyan sa ending, nagandahan pa rin ako kasi nakapagreconcile sila sa dulo..
Sobrang nakakarelate ako kay Agnes a.k.a Kim Chiu. Grabe kasi siya magmahal, lalo na yung nakailang text siya kay Paoie a.k.a Gerald Anderson. HAHA. :)) Kaya lang siyempre may mga ganon talagang kwento, at may happy ending, may wala. :) At si Paoie sobrang busy! HAHA! Wala nang time kay Agnes, parang ano lang...HAHAHAHA! WINNER!
Lesson Learned: Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, dapat maintindihan mo na hindi kailangan lagi kayong magkausap, at tama, hindi lang sa inyo umiikot ang mundo! Kaya nga ako diba, akala ko cold na sa akin, yun pala talagang, busy lang siya :)
"Hindi lahat ng kailangan mo ay mahal mo at di lahat ng mahal mo ay kailangan mo." Isa yan sa mga remarkable lines ng Till My Heartaches End. WOOOO! HAHA! :))
And I really enjoyed the movie...Till My Heartaches End.
Bukas na...Bukas na...Sana tuloy. Goodluck saken. This is the moment. :))
*end of blog*
No comments:
Post a Comment