Friday, March 16, 2012

Milk Tea. ♥

Dati, ayokong ayoko ng lasa ng Milk Tea. Nung una kong natikman yan, grabe, napamura pa ako. Hahaha! :) Kasi ang chaka talaga ng taste. :) Pero ngayon, sobrang addict ko na sa MILK TEA. Thanks Golden Sun by D'Creme. And Yish, Kricza and Ate Bea. Nyahaha. Ang sarap sobra. Naadik ako. In fact, nakadalawa pa nga ako kanina! :)

Speaking of mga dating ayaw na ngayon ay gusto na, naalala ko, 2010 pa yun. Ayaw ko sa isang taong yun. Not really ayaw pero wala, di ko lang siya masyadong feel. Lagi ko pa ngang tinatarayan yan eh. Hahaha. :) Pero ganon talaga ang buhay...after two months, gusto na, at GUSTO talaga. Never ko talagang naisip na magkakaganto ako dun. Haha. Pag naiisip ko, ano bang nakita ko dun? Pero oo siyempre alam naman nating lahat na siya ay may CHARM. Nyahaha. :D Pero ewan ko ba!

And now, it's my greatest love..Hindi ako makamove on ng bongga. Lalo na kanina. Masyadong UDLOT ang nangyari eh. Kahit wala naman talagang napag-usapan. At para san pa diba? :) Hahaha. Bitter bitteran eh. Kahit wala namang karapatan. :')

Kanina, napag-usapan namin ng friends ko ang FIRST LOVE at TRUE LOVE. True Love can surpass First Love. Pero First Love never dies. :) At ngayon, talagang di pa namamatay sa aking ♥! Kaloka diba. Hahaha. Eh first kasi talaga. Madami lang nilalandi noon, but this one's different. Dati nagiging okay na ako after a year, at di masyado iniisip. Eh eto, jusko kahit tanggalin sa isip, WALA! :) Nyahaha! :D Well, ako pinipilit ko talaga makamove-on. Napakadami ko nang posts about moving on pero WTFudge, ayaw talaga! :D Hahaha! :)

Anyway, ang saya saya nang usapan namin kanina ng aking friends. Bawal banggitin ang names nila dahil sa topic na ito. Hahaha. Pero I love the usapan, gustong gusto ko pang maulit yun. With the exciting Q&A. :) Hahaha! :D

Ang galing ko sumegway. Hahaha! From Milk Tea to love. Hahaha. Nakakatawa. Pero yan ay from the bottom of my ♥. I love MILK TEA, and I love YOU? Hahaha. Echosera. :)

By the way, napagdesisyunan kong wag tong ipost sa Tumblr dahil kailangan nito ng censorship. :) Hahaha. :D

Sunod-sunod na blogs ko. Saya! :)


-->;PIPAY♥ 3/16/12 11:53PM
Chapter 3 of 12.
Page 75 of 366.
"FROM MILK TEA WITH LOVE"

No comments:

Post a Comment