Monday, May 21, 2012

Movie Review: Every Breath U Take.


Last Saturday, I watched Every Breathe U Take sa SM Southmall and I paid 160 pesos. And in this critique, malalaman natin kung worth it ba ang binayad ko. :) HAHA!

Well. Ang masasabi ko lang at huwag na nating patagalin (para saan pa diba) eh hindi sayang! :) AS IN. Kase as in parang Corazon, di ko namn masyadong plinlano na manuod nito nung umpisa kung di lang dahil kay Angelica Panganiban at sa most favorite kong director na si Direk Mae Czarina Cruz. :)

If I can describe it in 3 words: It's funny, lovely and romantic. The fact na talagang nakarelate ako sa kanila lalo na kay Angelica!

Ang di ko makakalimutan dito is yung siyempre, yung part na nakarelate ako, nung sinabi ni Majoy na siya lang daw nagmamahal kay Leo, na one-sided lang daw ang love niya..pero di one-sided yung term eh. HAHA! :D And ang pinakagusto ko yung nagkiss sila sa rain then lumabas ang mga signs. Ang ganda ng eksenang yun, ang kilig na sweet na ang sarap talaga panuorin. AT Ang pinkanakakatawa naman, eto!

Leo: YOU'RE SO GULLIBLE! (Galit na galit)
Majoy: (umiiyak...pinunasan ang mata) Ano ba yung gullible? :(

HAHAHA! Wala lang natawa lang ako dun. Anyway, eto na, the casts and comments!

Angelica Panganiban as Majoy - WINNER! Actually nung una, sabi ko, di na masyadong bago to, kasi magaling naman si Angel magpatawa, pero IBA PALA! Dahil ang role niya, virgin, conservative, mahilig sa signs (parang ako talaga!) unlike yung iba niyang roles na seductive, vixenish, kontrabida and all. Ang galing ni Angelica dito at bagay din pala sa kanya maging mahinhin. :)

Piolo Pascual as Leo - Di ako poging pogi kay Piolo, but because of this movie, CRUSH KO NA SIYA! HAHAHA! :D Kakaiba din role niya dito. Laging mga role ni Piolo, martyr, badboy pero serious, dito iba, comedic talaga! At nakakatuwa sobra! Pero pag sa dramang part magaling na rin, fave part ko sa kanya yung pinaglaban na niya si Angelica! :)

Well the cast talaga is good. Nakakatawa si Wendy Valdez and Smokey Manaloto. Convincing si Ryan Eigenmann. Nakakatawa yung tanga-tangahan ni Carlos Agassi and Joross Gamboa (winner din ang pag-ubos ng shirt ni Carlos ha! HAHAHA!) Si Regine sayang di siya masyadong nagningning dito pero ang ganda ganda niya. Si Ketchup din nakakatawa. Si Ryan Bang lang ang di ko talaga type kasi naiirita ako on the way he speaks but definitely he improved. Konting pisil pa at i-improve pa ang speech, pero ang funny niya! :)

At ang story? NAKO COMPLETE TALAGA! Pag gawa talaga ng Star Cinema bongga. At nako, tandem pa ito ng gumawa ng Catch Me, I'm In Love! Writer Mel Mendoza-del Rosario and Director Mae Czarina Cruz, dalawa sa mga idols ko, ay bongga talaga tong movie! :)

To Direk Mae Cruz, pag nabasa niyo to, ang saya ko na. I am very vocal naman that Direk Mae is really one of my favorites (Maging Sino Ka Man, Magkaribal ang mga palabas niya oh, ang dalawang ultimate favorite shows ko, pag di ko rin siya naging favorite, KALOKOHAN NA! At ang ganda ng Babe I Love You at Catch Me I'm In Love ha!) and one of my inspirations and why I really want to have a career in this business. And lalo pa akong nainspire. Kasi di ko ineexpect na ang galing din niya sa comedy. Puro drama kasi ang napapanuod ko, pero ang galing talaga! :) Nung una pa nga, ayokong siya mag-direk nito kasi sayang, Angel-Piolo, eh di ko naman sila type. Pero ang bongga talaga nito! Congrats Direk Mae and goodluck sa next movie, sana magbalik TV ka na! :)

Over-all, the movie is really WORTH-WATCHING! So kung gusto niyong kiligin at tumawa, nood na!


-->JimpyA.♥
May 21, 2012, 11:30PM.
Movie Review: Every Breath U Take
Follow me on Twitter: @iloveJimpyA
Follow me on Tumblr: @ilovejimpyness
Follow me on Instagram: @ilovejimpyness



No comments:

Post a Comment