Pinlano namin ng Lukaretz (JC and Cher) na ulitin yung ginawa namin nung sectioning last 2010. Ang ineexpect kong mangyayari eh katulad nung dati. Hahaha. Halos pareho ang nangyari noon pero mas bongga ito...dahil...eto na. :)
Dapat talaga, di na kami vivisit sa Perps dahil gustong gusto ko na magSM Southmall. Pero ayaw naman namin ni JC na masayang ang pagCOMMUTE ulit at pagpunta samin ni Cher na nasa SM na isang ututan na lang. :) So pumunta na rin kami...then pagpasok namin sa U-Lane, aba, may mga ilaw sa may field..at di simpleng ilaw, ilaw na para sa taping! Kaya naalala ko, nagtataping nga pala Princess And I! So una muna di kami sumilip..pumuntang HS Department, walang tao. So sabi ko, punta na kami dun, dahil mukhang nako, may mga kaganapan! HAHA!
At bumalik kami...may nagtataping nga sa gym, at malayong malayo pa lang ako, kitang kita ko na na siya ay walang iba kundi si Dasho Jao a.k.a. ENRIQUE GIL! OMG! =)) Gwapo ng side view! So natapos na, at sinundan namin. Grabe kamo, ang pogi maglakad at ang angas! Pero astig! :D
So lumayas muna kami dahil gutom na kami. Hahaha. And pagbalik namin...maraming nangyari..and to cut the story short..napadpad kami sa fishpond at eto ang mga sumalubong samin.
DANIEL PADILLA AND KHALIL RAMOS! :'> Siyempre si Kathryn Bernardo rin. Ang ganda niya ah. pero shucks. Parang nung kelan lang inggit na inggit ako kay Denise kasi nakita niya si Khalil, biglang ako rin makikita ko! Bwahaha! :D
Grabe, pangarap ko talaga to eh. Kahit naman sino pang nagtataping masaya na akong makanuod. Si Anne Curtis dati sa Green Rose, and ngayon eto sila! Grabe, I love you Perps and ABS-CBN! Ang saya makita kung pano sineset-up lahat, paano kinukunan, at na-witness ko rin ang camaraderie nila sa trabaho. Si Daniel inaakbayan yung staff, si Kathryn nakakandong na parang baby dun sa isa, and naghuhug sila lahat. Walang tension. :)
Thanks sa mga mahal kong kaibigang si JC and Cher, and siyempre si Hannie, Sarah and Jobeth dahil sa pag-aantay saken. Sorry kung natagalan. Sayang lang at di ako nagkapicture..pero sana sa susunod din. :'>
MAG-AABANG PA AKO SA PERPS! :) Kailangang makawitness pa! :D
-->JimpyA.♥
May 30, 2012. 12:35 AM
The Teleserye Love II: Princess And I Taping
Follow me on Twitter: @iloveJimpyA
Follow me on Tumblr: @ilovejimpyness
Follow me on Instagram: @ilovejimpyness
No comments:
Post a Comment