Friday, November 30, 2012

EPISODE FIVE: GOODBYES

THE VIEWS AND OPINIONS EXPRESSED BY THE GUESTS DO NOT REFLECT THOSE OF JIMPY AND JIMPY TV. THANK YOU.
---

PAULINIAN YOUTH CAMP THIS DECEMBER 7-8, 2012! GO LANG NG GO PAULINIANS! + FAITH! :))


---
Hello hello hello mga Manash! After a while, eto na naman ako para magbigay ng entertainment (hopefully) at mag-sabi ng mga ordinary at extraordinary stories, dahil kung ang Kris TV ay not just a talk show but an experience, ito naman ay not just a blog, but an experience! NG MGA KAIBIGAN KO, NG MGA SIKAT, NG MGA ORDINARYONG TAO, AT EXPERIENCE KO! Ito ang...

JIMPY TV!

Maraming maraming salamat ho (thank you) for those who read, and tuned in sa huling episode natin na Island of Dreams, dahil kumbaga sa TV Ratings, waging-wagi ang show natin! At ito meron talaga akong tunay na ebidensya, promise! Here. :D


Hindi kita jan, but noong November 4, 2012, Sunday, ang Jimpy TV Site ay nakakuha ng more than 160 pageviews, kaya I am really really happy and thankful sa mga talagang sumusubaybay sa amin. :) Maraming  salamat rin sa mga taong bumuo ng nakaraang episode (my guests of course) most especially with Miss Bing Castro na despite her very busy schedule ay napaunlakan niya tayo ng interview! :) Kay Macee and Louize rin, na tinext ko lang madaling araw bago ang interview, and kay Cher of course! Alam mo na yon! :))

Anyway our episode today marks the 13th week of Jimpy TV (we premiered September 1), and yes, 13 weeks lang po ang naka-laan para sa Jimpy TV, kaya nga ang theme ng episode ay 'Goodbyes'  dahil ang Jimpy TV rin ay mag-goo-goodbye na. :) Reasons will be revealed later sa Jimpy's Story. :D Anyway, bago tayo malungkot (hopefully may malungkot) sa pagtatapos, let's get entertained muna sa mga kaganapan sa episode today! First is of course, ang nagbabalik na Entertainment News! We will have a run-down ng mga naganap sa lokal na aliwan in the past month. Sumunod diyan ang Jimpy TV Exclusives ng naganap at nagaganap na Noel Bazaar! And ang bagong segment kahit last episode na, ang, MovieTime with Jimpy presents 24/7 in Love. And of course our main feature na about Goodbyes. Paano nga ba nagpaalam ang mga taong ininterview ko sa kani-kanilang mahal, whether it be sa family, ka-relasyon, or career. :)

So let's get this started! :)

---

ENTERTAINMENT NEWS

  • Pahiram ng Sandali, nag-umpisa ng umere last Monday sa GMA Telebabad.
--> Nag-umpisa ng umere sa GMA ang inaabangang teledrama na Pahiram Ng Sandali. Ito ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Max Collins, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, Sandy Andolong, Julio Diaz at ng nagbabalik kapusong si Lorna Tolentino. Matatandaang hindi ito ang dapat na ipapalabas kundi ang Haram na pagbibidahan ni Dingdong at Kylie Padilla, pero ang proyekto ay temporarily shelved dahil sa issues ngayon kaya naman ito ang ipinalit na palabas. Pero ilang linggo bago ang first taping day, nagback out si Kylie dahil masyado daw mature ang role for her. Kaya marami ang natuwa ng finally ay naipalabas na ang show. Ito ay sa direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.
  • Lauren Young, natuloy na sa Kapuso Network.
--> Ginanap kahapon, November 28, 2012, ang Trade Fair ng GMA Network. Present doon ang mga kapuso stars at present din ang napapabalitang lilipat na si Lauren Young. Dito nga ay nakumpirma na ang kanyang paglipat dahil din sa kanyang mga tweets na nagsasabing ito ang una niyang event sa GMA Network. Matatandaang bago ito, si Lauren ay isang Star Magic Talent at ang huling proyekto niya sa ABS-CBN ay ang remake ng Mula sa Puso kung saan siya ang nagbida. Ang serye ay nagwakas noong August 2011.
  • Batikang director na si Celso Ad Castillo, pumanaw na.
--> Binawian na ng buhay ang magaling na direktor na si Celso Ad Castillo noong November 26 dahil sa atake sa puso. Kilala si Direk Celso sa kanyang mga pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa, Patayin sa Sindak si Barbara at Burlesk Queen. Huli naman siyang napanuod sa telebisyon noong 2011 sa mga seryeng Babaeng Hampaslupa at Reputasyon. 69 si Direk Celso ng bawian ng buhay sa kanyang bahay sa Siniloan, Laguna.
---

JIMPY TV EXCLUSIVES: THE 2012 NOEL BAZAAR

Nagbukas noong November 16, 2012 ang isa sa mga inaabangang Christmas Bazaars every year, ang Noel Bazaar. The Bazaar is going on right now sa World Trade Center, Pasay City, at tatagal hanggang December 2, 2012.


At siyempre, dahil hindi lang ako basta blogger at ako'y gala rin, hindi ko pinalampas ang pagkakataon kong makarating sa Noel Bazaar last November 19, 2012! Swerte ko dahil free pa ang entrance noong mga panahon na yun. Hahaha. Ang main mission ko sa Noel Bazaar that time: GMA MERCHANDISE ITEMS. Siyempre alam nyo naman siguro kung bakit. Hahaha. Infairness, nakabili naman ako ng Amaya Accesories and Coffee Prince Button Pin. :)










Worth it naman ang naging pagpunta naming friends dun dahil nakabili sila ng Shirt. Siyempre di na ako bumili dahil nga inilaan ko lang ang money ko sa GMA Merchandise Items. :)


Magaganda din ang mga items na nandoon, nakita ko pa nga ang isa sa mga finofollow ko sa Instagram na si @mikeemarieluxe :) She sells iphone, itouch, android accessories. :)


Maipost ko man itong exclusives ko days before the bazaar will end, don't worry sa mga di pa nakakapunta dahil after ng WTC Stint ng Noel Bazaar, lilipat sila sa PICC Forum Tent on December 14, 2012. Kaya go lang ng go! :)


---

MOVIETIME WITH JIMPY TV: 24/7 IN LOVE


Last November 21, 2012, nagbukas na sa sinehan ang inaabangang Star Magic Movie for its 20th Anniversary Celebration, ang 24/7 in Love! Kasama sa pelikulang ito ang ilan sa mga naglalakihang stars ng Star Magic. At since this created a milestone sa Star Magic at sa ShowbizLandia, hindi ako nagpahuli na mapanuod ito noong November 23, 2012. :) And I will share to you my review about the film. :)

Bago  ipalabas ang pelikula, ipinakita ang full trailer ng ilan sa mga ipalalabas sa MMFF 2012, ang 'Si Enteng, Si Agimat at Ako', at ang isa sa mga official entry ng Star Cinema na 'One More Try'. Must-watch ang mga ito. :)

Anyway, ang premise ng movie ay ang pag-end ng mundo sa December 21, 2012. And the question still hangs on each character's mind na Ano ang gagawin nila bago mag end of the world? Diyan umikot ang story. :)





Anyway, I don't want to spoil the story para sa mga hindi pa nakakapanood. But all episodes are equally good, sayang lang that the Maja-Diether episode was quite shorter than the other episodes. :) And if I am to rank the episodes, eto. :) I wouldn't include Kathniel for a reason. Maybe those who watched the movie know why. :)



1. Kimerald episode (about sa isang girl na babalikan ang boyfriend na iniwan niya for work)
-->Directed by Mae Cruz, no wonder kung bakit maganda ang kinalabasan ng episode na ito. :) Grabe, nakakilig at nakakakilabot pa rin ang Kimerald. Jusko. Beautiful. For me, yung kwento nila yung pinaka-established, at nakapagpakilig talaga ng tunay. :)

2. Bea-Zanjoe episode (about sa magbestfriend na babae at bakla, then they will discover that they have feelings for each other)
-->Directed again by Miss Mae Cruz, bonggels din ang episode na ito! May chemistry sila, bagay talaga sila. :'> And the ending of the episode, it's more of realistic than nakakakilig or heartbreaking. Ang cute din nila, and Zanjoe was good ha! :) Keri mo yan 'te!

3. Angelica-John Lloyd episode (about sa isang married woman na magbabakasyon dahil sa problema sa asawa, then later meets a guy that will be his confidante)
--> Directed by John-D Lazatin, this part gave the dramatic feel of the movie. And maganda din talaga siya. :) And the ending of the episode is a surprise! Masayang surprise ito! :) And ang ganda ng Vietnam, kasing ganda ni Angelica, at kasing galing nilang dalawa ni JLC. :)

4. Maja-Diether (about sa secretary na magkakagusto sa boss niya, and then may makikita silang baby sa kwarto ni guy, not knowing kung kanino ito)
-->Directed again by John-D Lazatin, may aral ang episode na ito. May chemistry rin si Diether and Maja. It's good that it worked out because I think they are the experimental love team dito. :) Sayang lang talaga na napakaikli ng episode nila.

5. Piolo-Zaijian-Xyriel (about sa dalawang magkaibigan, isang bata at isang special man, magkakagusto si boy kay girl, but si girl, may gusto kay Kuyang Special...)
-->Directed by Dado Lumibao, nadala ni direk Dado ang MMK Skills niya dito. :) The episode was mixed with drama, comedy and slight kilig. Ayoko lang na ang bata bata pa eh love na agad. Haha. Pero magaling si Piolo mag-Budoy, mas magaling nga lang si Gerald. :D

6. Pokwang-Sam (about sa lady in her 40s na virgin pa rin, at mahahanap niya ang lalaking magbabago sa kanyang buhay)
-->Directed by Frasco Mortiz, thankful ako sa kanya because he let Sam wear a white and a black tank top. Grabe Sam, kung ganyan ka ng ganyan, mamahalin pa kita lalo! HAHA! But Pokwang here, she's so different compared sa usual. She's less aggressive but still funny. Ang cute pa dito eh yung pagpapatawa, normal lang, di sinasadya. :)

Well, the best actress for me here would be Bea Alonzo. And the best actor is Zanjoe Marudo. Watch the movie WHY sila ang napili ko! :D

Ang maganda din sa movie ay intertwined sila with each other. May connections talaga. Ang galing ng pagkakagawa. :D But I hope this will be the last movie na maraming stars at iba-iba ang kwento. Nakakalito kasi madalas. Hahaha. Pero wag kayo, ang 24/7 in Love, hindi nakakalito! :) :D Pero the movie is really really a must watch. Hindi sayang ang 182 Php. :D Kaya nood na sa sinehan, go lang ng go! Now on its 2nd week na ang movie!

---

MAIN FEATURE: GOODBYES

At dahil nga sa pag-goo-goodbye ng Jimpy TV sa atin, of course kailangan nating i-sakto ang episode natin ngayon, at yun nga ang Goodbyes. Nag-interview ako ng dalawang taong may mga pinagdaanan na paggoo-goodbye. Super thankful ako sa kanila because of course everybody knows how it hurts to say goodbye and recall everything. Pero ayun, na-i-share pa rin nila ang kanilang mga stories about it.

Sa episode din na ito, malalaman natin kung gaano kasakit, and paano maka-cope up sa pagoo-goodbye. Tayo na't matutong muli sa extraordinary experiences ng mga ordinaryong tao. :)

Una sa ininterview ko ay ang aking close friend sa College na napakabait na si Bea Ongjoco. Alam na siguro ng marami nating readers (Paulinian readers of course) na galing si Bea sa San Diego, California bago siya pumasok here sa College. And medyo na-curious ako na paano nga ba mag-goodbye sa mga bagay at lugar na nakasanayan mo na, sa lugar where almost buong buhay mo, you spent it there, at paano ka mag-goodbye sa mga taong maiiwan mo. At kung gusto niyo ding malaman, eto na. :)


Bea Ongjoco says goodbye to SD.

Jimpy TV: Hello Ate Bea! So siguro naman you already have a knowledge about sa pag-uusapan natin today! It's about goodbyes. I know that medyo sad ang topic na ito kaya medyo mahirap siguro sa atin mag-share, so maraming salamat. Anyway, what is your point of view about Goodbyes?
Bea: I think they're always hard, but it depends on the situation. True they are sad, but I think goodbyes are necessary in our lives. In a positive light, it can be taken as the next step to starting a new chapter in our lives.

JTV: So nasabi mo na they are necessary sa ating lives, so sa lahat ng goodbyes na iyong na-experience, can you share a significant goodbye na talagang if not sobra, medyo nahirapan ka.
Bea: Leaving San Diego is one of the hardest goodbyes, although I guess in some ways you can take it as a "See you later." It was necessary because I would be benefiting from it. I'd be going to college, meeting new people, trying new things, going on adventures (which I love to do), and I'd be more independent. But of course it was hard, I mean I left behind my family, friends, and of course my boyfriend, Khris. Take note I said "is." Haha it's still really hard because I get homesick often.

JTV: At di mo ko makikilala kung di ka umalis sa SD [San Diego]! Haha! Joke. Anyway, kailan and how ka nag-decide para umalis ng SD and mag-aral dito sa Philippines?
Bea: Well, it started off as my parent's choice. I did not want to leave. I wanted to stay. But they presented so many pros about going here saying stuff like, "Four years at tapos ka na anak," or "Try mo lang, kung ayaw mo talaga, eh pwedeng pwede ka naman bumalik dito." Stuff like that. Biggest factor of all was money. It's a lot cheaper to study here compared to the US. I decided to do it maybe a couple months or so that I would follow my parent's wishes. I almost didn't come here, because I was working at a Chinese fast food restaurant called Panda Express. I was already a shift leader, and they wanted me to stay. They offered me the assistant manager position so that I'd be able to make more money to go to school there part time and work. But I decided against it because, I've been a working student 3/4ths of my high school life and that ish [issue] is hardwork.

JTV: OMG. Napakabongga naman ng iyong career sa US! So finally nakapag-decide ka na diba, ngayon naman, ano yung mga ginawa mong preparations before leaving SD? Of course, kasama na diyan ang mga usual na ginagawa and of course, yung emotional? Paano?
Bea: I quit my job a month before my departure date. I took care of my passport. My parents bought a lot of stuff for me to bring as pasalubong as well as my own personal items. The emotional stuff came when the date came closer because I tried not to think about me leaving. I wanted to just leave that for the last day. I didn't want to be sad the entire time leading up my departure. And then of course, Khristopher, surprised me by throwing me a "til next time" party with the help of a few of my closest friends.

JTV: Ay wow! So what transpired during the party? Tell us some highlights!
Bea: Hahaha there was a lot of food, and a lot of my friends went there. One highlight was the fact that that was the first time my parents and Khris' parents met. It was the first time my family had been to Khris's house. Another highlight was just how much Khris spent on throwing the party. Let's just say that he bought a bonfire pit so that I'd be able to experience a bonfire for the first time and make smores in his frontyard. LOL. :)

JTV: Ay bonggels, may meeting ng parents, at grabe ha, napakasweet talaga ng boyfriend mo manash! :) Anyway, balik na tayo sa paalamanan part, can you share naman what transpired during the day na aalis ka na at pupunta ka na sa Philippines.
Bea: We left San Diego, the day before to Los Angeles because it'd be easier since it was LAX airport. We stayed at my grandparents house. The next day we went to the airport in the evening and some of my friends actually drove from San Diego to LA, and of course back to San Diego in the same day. A lot of waiting was done. But finally I had to board, and I was with my mom going down the escalator and the tears just started coming. Then my friends and I had a group hug and I hugged them each. I hugged my siblings, uncle, and grandma. Then my parents. Kissed Khris. Hahah more like sneaked it, but my brother saw. No biggie though. And hugged my parents again. It was really sad because my dad was fighting back tears and so was my little brother Cedric. But you could see it in their face. And I just cried the entire time. From going through security check, to boarding and sitting on the plane. I had window seat and I hardly slept. I mostly just cried.

JTV: Ohmygosh. Sorry baka pinapaiyak na kita diyan...so ngayong habang kinekwento mo to, anong nararamdaman mo? And can you compare the feelings you get right now compared dun sa habang nangyayari talaga yan?
Bea: I feel that I'm a lot stronger now. I still cry when I leave. I think it's pretty much inevitable. Right now, I feel....sad? LOL I'm not sure how I feel. It's more like I'm reliving that day. But then I remember that I'm so close to finishing college and soon enough it'll be goodbye again, but this time goodbye to the Philippines.

JTV: OMG meaning goodbye na rin sa amin? Aww. Haha. Anyway, ano yung mga adjustments na ginawa mo after leaving SD and staying here sa Philippines?
Bea: Not being able to drive. I freaking hate that I have to commute. It sucks. The pollution. The garbage. And I had to adjust in terms of communication. It's just a completely different culture here in the Philippines, it's hard to enumerate all the adjustments specifically but I did have a lot of adjusting to do.

JTV: Pero at least natututo ka nang magTagalog ng bongga? Is it your first time sa PH during that time?
Bea: I have background in tagalog because my parents speak to us in tagalog at home. But my siblings and I respond in english. So I can understand pretty well, and I've learned to speak better. The accent is there sometimes and I get bulol.. but I mean I think I'm doing a good job. And no it's not my first time. I was born here.

JTV: Oh. So mga ilang years ka before you left PH, and ilang years din bago ka nakabalik?
Bea: I was about 5 1/2 years old when we left for California. Then after 8 years, we finally were able to come back. And then we came back like a year later... or maybe it was a few months.. I don't remember. But before coming here for college, I had already visited the Philippines about 2-3 times.

JTV: Ah alright. Pero siyempre talagang mahirap din mag-adjust dahil ang mundo ngayon grabe, masyadong favorite ang change! Anyway, ano ang mga natutunan mo after that goodbye experience?
Bea: Goodbyes never get easier. At least for me. But sometimes they're worth it. :)

JTV: So masasabi mo bang kahit papano, worth it naman ang goodbye na naexperience mo?
Bea: Yea, because it's the goodbye that's hard. It's the adventure that comes AFTER the goodbye that makes it worth it.

JTV: Ay nako, may bago na naman tayong quotable quote mga manash! Hahaha! Anyway, to wrap up this interview, ano ang maibibgay mong piece of advice sa mga taong may pinagdadaanan ngayon wherein kailangan nilang magpaalam sa kanilang loved ones, sa mga bagay na nakasanayan na nila, etc.?
Bea: My advice would be to just take it all in a positive way. You never know what you're missing if you don't try. And besides, think of it as.. not all goodbyes are permanent. :)

JTV: Ay agree ako jan. Anyway, thank you Miss Bea Ongjoco for gracing the final episode of Jimpy TV! I know it's hard to share experiences na may goodbyes but then you were able to share at malaking bagay sa lahat ng ating mga Manash ito! :) Salamat!
Bea: You're very welcome Jimpy! It was fun.

Ayan, may bago pa tayong quotable quotes. Hahaha! Thank you ulit Ate Bea for sharing with us your goodbye experience. Matuwa ka nang pumunta ka dito, dahil di mo ko makikilala kapag di ka nag Philippines. HAHAHA. Lol.

Anyway, ang last sa dalawa kong ininterview ay isa ring blogger like me plus she also reads (hopefully! Hahaha!) Jimpy TV, dahil sa kanya ako nagsha-share lalo na nung napag-desisyunan kong tapusin na ang Jimpy TV. And now, it's her time to share sa atin ng kanyang experience. She is Agel Sy, and siya ay naggoodbye sa isang friend. Let's go read her story. :)

Agel Sy says goodbye to a friend.

Jimpy TV: Hello Ate Agel! So siguro naman you already have a knowledge about sa pag-uusapan natin today! It's about goodbyes. I know that medyo sad ang topic na ito kaya medyo mahirap siguro sa atin mag-share, so maraming salamat. Anyway, what is your point of view about Goodbyes?
Agel: Goodbyes? Well. Di talaga ko comfortable sa goodbyes. Ayoko ng ganon. Nakakalungkot eh. Ayoko kasi talaga yung may maiiwan at iiwanan ako. I hate goodbyes.

JTV: So hate na hate mo nga ang goodbyes ah, halatang halata! HAHA! Bakit, naranasan mo na bang maiwan, masaktan dahil sa mga tao o bagay na nagpaalam na sayo?
Agel: Hahaha. Halata pala. XD Pag namatayan diba masakit. malungkot. kasi nawalan ka ng mahal sa buhay. Pero di lang yun yon. Yung thought pa lang ng goodbye masakit na talaga eh.
Sa tao? I guess as of now when friends leave for good. Yung pag migrate here there and everywhere nila.. masakit kasi naka build ka na ng bond and habit tas mawawala. Aguy lang. XD

JTV: So that meant na may kaibigan kang nagpaalam sayo, ganon? Do you mind sharing? Haha.
A: Hahaha. Konti lang. Hiya ako eh. Haha. Eto kasi yung goodbye ko sa friend ko na may pinagsamahan talaga.. Tas may nangyaring di kanais nais kahit sabihin ko kasi na okay lang na wala na sa ken yon sayang talaga. Hahaha. Niwey. Goodbye sha na ano, for formality sake... Kahit may sama pa ko ng loob ng konti, ayokong umalis sha ng Pilipinas na may sama ako ng loob sa kanya yung ganon. Na di kami okay. Goodbye na sha na tumulong maging okay kami. Ayun. Labo ata nyan. Hahaha. o.O

JTV: Oo nga, parang ang labo. Hahaha. Well of course Jimpy TV respects your decision of not fully sharing your story. Pero sa experience na ito, ano ang natutunan mo?
A: Na goodbyes doesn't necessarily mean sadness, way din 'to for closure, explanations and others xD nag.oopen to ng new chapter ng life mo. Haha. May nag-goodbye man pay manibagong maghe-hello :)))

JTV: I agree with that. OMG maraming quotable quotes sa ating episode ngayon! Haha! So what do you want to say sa ating mga manash about goodbyes, your pieces of advice? :)
A: Mga manash, mahirap at masakit ang goodbyes na yan pero tandaan natin, minsan eto lang kelangan natin to be a better person, minsan eye-opener din depende sayo kung paano mo i-handle yon may it be good or bad way.. At for me Goodbyes is all about acceptance. Okies? :)))

JTV: I agree with that! :) At dahil jan, tayo ay magpaalamanan muna, maraming salamat Miss Agel Sy for granting this interview! :) It's good that isa ka sa mga magpapaganda sa huling episode ng Jimpy TV! Thank you for sharing! :)
A: Uyy. Grabe thank you din. Haha. Napasama pa ko sa episode mo! :) More viewers for JimpyTV :)) Thank you Jimpy!! :)

JTV: HAHAHA! Okay lang yan! :D More viewers? Last na nga eh. HAHAHA! Thank you rin Ate Agel!
A: Para kahit last episode diba. :))) Thanks. Welcome. Congrats. Hahahaha. Gooodnight! :)

So panahon na pala para ako naman ang mag-share ng Goodbye experience. Ano nga ba ang goodbye experience ko? Hahaha. Lalayo pa ba tayo? Eh eto lang oh, maggoogoodbye na ang Jimpy TV? Hahaha.

---

MAIN FEATURE: JIMPY TV SAYS GOODBYE

Yes, after 4 episodes (this is the 5th) and 13 weeks na infairness ay umabot sa 100+ views, magpa-paalam na ang Jimpy TV, and is now down on its last episode.

Pero bago ako magsabi ng mga dahilan sa pagpapaalam sa Jimpy TV, magsha-share muna ako ng isang goodbye experience ko...at yan ang paggoo-goodbye sa aking minamahal na school for 10 years...ang University of Perpetual Help System DALTA.

Grade One ako ng una akong pumasok sa school na yun. And there I met my bestfriends, my enemies, my first and always love, hahaha lol. Pinaka mahirap sa akin when I graduated from High School and there I must leave the school to grow and soar greater heights. Masyado ko nang nakasanayan yung masarap na buhay sa high school, yung mga kasama mo na talagang komportable ka. And all. Pero okay naman ang naging paglipat ko...wala naman akong pinagsisihan ngayon. And I learned na there is no such thing as goodbye, pero ang nag-e-exist? SEE YOU. :D

And now, bakit nga ba ako nagdesisyong mag-goodbye sa Jimpy TV? Well, isa lang talaga ang dahilan...na-miss kong mag-personal blog. Yes, that's the primary reason. Ang babaw diba? HAHA. Pero I swear, ang dami kong thoughts na gustong sabihin, pero di ko magawa. And ang hirap din na  i-maintain because I know I will be very busy sa school.

I consulted a lot of people, mostly readers, kung dapat na bang mag-goodbye ang Jimpy TV...madami nagsabing, BAKIT? Hahaha. Then I thought of this for weeks...and I decided na oo, magpapaalam na ang Jimpy TV...kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng readers ko who stayed with me, sa mga nagpa-advertise, sa mga tumulong sa akin...WAIT NGA, tara i-enumerate na natin!

GUESTS:
Yu-Hsuan Cheng
Patricia Pedro
Jan Christine Larena
Evangelyn Austria
(EPISODE TWO: COLLECT and COLLECT)

Gianna Gerpacio
Claudine Constantino
Sarahlyn Takahashi
Heizel Ivy Biazon
(EPISODE THREE: THE SECRETS OF 'A SECRET AFFAIR')

Michell Ann Rosimo
Louize Andrei Al-Shehri
Cher Nicole Aguinaldo
and
Miss Bing Castro
(EPISODE FOUR: ISLAND OF DREAMS)
Beatrix Nicole Ongjoco
Agel Sy
(EPISODE FIVE: GOODBYES)

Advertisers:
Patricia Bianca Clemente of PASH MNL
Patricia Anne Martin of Coincidence???
Celina Rae Montalbo of Food Cosmetics Shop
Pauline Beatrice Balitaan of Bits N' Pieces

Art Director:
Patricia Pedro

SA LAHAT NG TUMULONG, SA LAHAT NG NAGBASA, SALAMAT!

I guess kailangan talagang magpaalam ng mga bagay sa mundo...



BUT NOT FOR LONG!

Yes, dahil after this farewell episode...


MAGBABALIK ANG JIMPY TV FOR SEASON TWO! :)

PERO...

Hindi na dito sa blogspot! :) MAGKAKAROON NA NG BAGONG TAHANAN ANG JIMPY TV!

And magwe-welcome rin ako ng mga bagong taong magiging part ng Jimpy TV! Grabe, haha! Medyo matagal kong pinagdesisyunan kung may Season Two pa ha. AT ETO NA NGA! :)

Ang bagong bahay ay sa Weebly na...while this blog of mine for 2years, magbabalik na bilang personal blog...pero open pa rin for everybody! Yes matutuloy na ng bongga ang JIMPY BEHIND THE TV! :) Pero pinag-iisipan ko pa kung Jimpy Behind The TV or Jimpy RealiTV ang magiging title, baka makasuhan na talaga ako ng plagiarism eh. HAHA! But promise, this December, abangan ang bagong episodes ng Jimpy TV plus my personal blog! Abangan din ang bagong website!

Muli, nagpapasalamat ako sa lahat ng tumangkilik sa Jimpy TV for the first season, at sana ganun din kainit ang ibigay niyo sa Jimpy TV Season Two at Jimpy Behind The TV. :)

---

REFLECT, RETROSPECT AND LEARN

Sa bawat pagpapaalam, may bagong opportunity or events na dadating..hindi naman tayo hahayaan ni Lord na mag-goodbye sa mga bagay kung walang dahilan. Minsan may mga bagay talaga na kailangan nang i-let go, because it will make room for new ideas, new people, new experiences. Dapat maging positive tayo sa buhay...minsan naman kasi talagang walang goodbye eh...pero SEE YOU, meron.

KAYA SEE YOU SA JIMPY TV SEASON TWO!
---

ABANGAN...

---

ACKNOWLEDGMENT

Thank you for gracing the final episode:
Beatrix Nicole Ongjoco
Agel Sy

Noel Bazaar 2012
Robinson's Cinemas
GMA Merchandising
Philippine Entertainment Portal
Adobe Photoshop

---

Di pa rin ako makapaniwala na nakatapos ako ng 5-episode 13-week blog. Hahaha. :) O paano mga manash, magkikita kita pa din tayo...pero hindi na dito. HAHAHA. :) Salamat for always being there mga manash, at hanggang sa muli nating pagkikita ngayong December ha! Wala nang kalimutan yan! :)

THANK YOU, GOODBYE AND SEE YOU MGA MANASH, AND ENJOY THE REST OF YOUR DAY! :))

No comments:

Post a Comment