THE VIEWS AND OPINIONS EXPRESSED BY THE GUESTS DO NOT
NECESSARILY STATE OR REFLECT THOSE OF THE HOST AND THE BLOG. THANK YOU.
Hello mga Manash! Oh ha! Eto na naman tayo sa blog na may sinasabi at hindi ordinary! Dahil kung ang Kris TV ay not just a talk show but an experience...Ito naman ay not just a blog, but an experience!...KO, NG MGA KAIBIGAN...NG MGA SIKAT...AT NG MGA ORDINARYONG TAO! This is...
JIMPY TV!
O ayan ha! Hindi matagal ang inantay ninyo para sa bagong episode ng Jimpy TV! After 4 days, may bago ulit! Well siyempre ganun talaga. Hahaha. :)
Maraming Salamat nga pala sa lahat ng bumisita, nagbasa, nagcomment either sa Twitter (via @iloveJimpyA) or dito mismo sa blog. And noong Tuesday, nakakaloka ang hits natin mga manash! Saktong 130! Siyempre achievement yun. Hahaha! :) Kaya maraming salamat talaga! :) Thank you din po pala sa scriptwriter ng A Secret Affair - Miss Mel Mendoza del Rosario and of course sa director na si Direk Nuel Crisostomo Naval for reading my episode about A Secret Affair. It's an honor po talaga! :) And malamang mga manash magtataka kayo kung paano ko nalaman at may chance na di kayo maniwala sa akin, alam ko may pagka-barbero ko eh. Pero eto...no. :) And sa akin na lang kung paano ko nalaman. I should learn how to keep secrets by personal choice. :) Hindi Secret Affair ha! HAHA! :)
Anyway, this episode, na medyo matagal tagal niyo ulit makikita dahil hindi ko alam kung kelan ako makakapag-update na magpapasukan na, is one of the biggest episodes ever. Dahil maganda ang mga feature ng episode na ito, may exclusives, and all. This episode will talk about DREAMS. Kaya nga Island of Dreams hindi ba? Pero bakit nga ba Island of Dreams? Dahil may papasukin tayong Isla na mala-PARAISO. Paraiso ng Pangarap? Pwede. Paraiso ng Success? Pwede rin. Paraisong bago? Pwedeng pwede! Hahaha. Kung saan saan na napunta eh! Anyway, Sa Jimpy TV Exclusives, masisilip na ang Paraisong bago dahil may bagong palabas na magpapainit sa ating Kapamilya Gold! Isang pasilip yan kaya abangan! And in this episode I am also introducing another segment, ang FIRST ON JIMPY TV. Abangan niyo kung sino ang kauna-unahang mafeafeature diyan sa FIRST NA YAN. Basta malaki ang utang na loob ko sa ka niya! A very down-to-earth person. :) And sa ating main feature, 3 ordinaryong taong of course, may extraordinaryong pangarap na gustong maabot. And ako rin, abangan niyo ang aking dream. Haha!
So napapahaba na, baka mabore na kayo. Eto na ang JIMPY TV! Didiretso na tayo sa Jimpy TV Exclusives dahil wala akong bago sa news! Pero siyempre, advertisements muna!
---
ADVERTISEMENT
Passion for Fashion MNL (PashMNL)
Visit Passion for Fashion shop for cute, classy and affordable accessories! :)

We DIY friendship bracelets and shorts :)
If you have any questions please feel free to contact us :)
PASHMNL
---
JIMPY TV EXCLUSIVES
Isang pasilip sa naganap na Press Conference ng bagong teleseryeng magpapainit sa Kapamilya Gold
PRECIOUS HEARTS ROMANCES PRESENTS PARAISO!
Sa pagtatapos ng Precious Hearts Romances presents Pintada ngayong November 2, isang panibagong serye ang ihahandog ng ABS-CBN na hango pa rin sa best-selling pocketbooks of all time. Ngayon naman ay isang kwento mula sa magaling na writer na si Dawn Igloria, ang Isla Sanctuario. Ngunit ito ay magpapainit sa ating mga hapon bilang Precious Hearts Romances presents...PARAISO.
Ang Paraiso ay tungkol kay Yanie at Brennan. Sumabog ang sinasakyan nilang barko at naiwan silang dalawa sa isang isla. Noong una ay hindi pa palagay ang loob nila sa isa't isa, but they will realize na baka hindi na sila mahanap pa at magiging sandalan na lang nila ang isa't isa. Maii-in love sila sa isa't isa...subalit sila pala ay nakatali na sa iba...Si Yanie, sa kababatang niyang si Justin na may feelings para sa kanya, at si Brennan, kay Megan, ang kanyang asawa. Pagkalipas ng dalawang buwan ay matatagpuan sila...at doon magsisimula ang mas matitindi pang kaganapan.
Sa inaabangang pagsisimula ng bagong teleserye ngayong November 5 sa Kapamilya Gold, naghold ang ABS-CBN ng press conference para sa show. The Press Conference was held last Thursday, October 25, 2012 at the Dolphy Theater. Present sa presscon ang production team, creative team, ilan sa mga stars, at siyempre ang mga bida ng Teleserye na sina Jewel Mische, Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola.
Nag-umpisa ang press conference sa pag-awit ni Liezel Garcia ng theme song ng Paraiso, ang Ikaw Lang At Ako, originally sung by Donna Cruz. At eto ang tanging video na na-videohan ko sa presscon. Haha. Ang pagkanta ni Liezel ng Ikaw Lang At Ako. :)
After ng pag-awit ni Liezel ng theme song, ipinakita ang AVP at Trailer ng Paraiso. Siyempre naghanap din ako ng video nito sa Youtube para inyo ring mapanuod at lalo kayong mahikayat na manuod ng PHR: Paraiso.
PARAISO AVP
PARAISO FULL TRAILER
And then after that, napanood namin ang first 40 minutes ng pilot week ng Paraiso. And all I can say is that, grabe. It's great. :) Napakaganda. But I shall do the review later. Exclusives muna tayo. Hahaha. ;)
Nagpakilala din ang mga cast at nagbigay sila ng information about the characters they are portraying. Tara't kilalanin natin ang cast na bumubuo sa Paraiso.
Si Mr. Bodjie Pascua bilang ang mapagmahal na ama ni Yanie.
Si Ms. Idda Yaneza as Megan's nanny.
Si Mr. Juan Rodrigo ang gaganap bilang ama ni Brennan, ang CEO din ng kumpanya nila.
Si Ms. Evangeline Pascual as Brennan's mother na siya ring may ari ng kanilang kumpanya.
Si Mr. Gary Lim as Brennan's driver turned love adviser.
Si Arron Villaflor bilang Sonny, ang nakababatang kapatid ni Yanie na isang nursing student.
Si Kathleen Hermosa as the sister-in-law of Justin.
Si Dionne Monsanto as Brennan's sister.
Si Alex Castro as wife of Dionne's character and the brother-in-law of Brennan.
Si Pamu Pamorada as Justin's close friend.
Si Kazel Kinouchi as Sonny's friend sa nursing school.
Si Jessica Connelly as the assistant and confidante of Megan.
Si Paco Evangelista as George, executive assistant and childhood bestfriend of Brennan.
Also in the supporting cast are: Ina Feleo, Guji Lorenzana, Justin Cuyugan, Angel Jacob and in very special roles, Miss Ces Quesada and Miss Marissa Sanchez. Unfortunately, wala sila noong press con.
AND THE MAIN CHARACTERS:
Matt Evans as Justin (who was not in the presscon as well) is the bestfriend of Yanie na matagal nang may gusto sa kanya. Magkasama silang sumakay ng barko upang pumunta ng Romblon para sa isang event subalit sasabog ang barko at magkakahiwalay sila.
Matteo Guidicelli as Brennan, a married man at executive ng kanilang food company. Nahihirapan silang magka-anak ng kanyang asawang si Megan. Sumakay ng barko upang i-deliver ang mga pagkain na kailangan sa isang event subalit sasabog ang barko. Mapapadpad siya sa isang isla at dito makikilala niya si Yanie.
Jessy Mendiola as Yanie, isang mapagmahal na anak at kapatid. Sasakay siya ng barko kasama ang kaibigang si Justin para magcover ng isang event. Subalit sasabog ang barko at mapapadpad siya sa isang isla. Akala niya'y mag-isa lang siya pero makikita niya si Brennan, at dito mag-uumpisa ang matamis nilang pagtitinginan.
![]() |
Directors Rechie del Carmen and Nico Hernandez |
Of course, hindi mawawala sa press conference ang mga nakakaintrigang mga tanong ng press...but unfortunately, hindi ako nakapag-record, pero may naalala akong isang tanong na itinanong ko rin sa aking guests today!
![]() |
Lead stars having fun answering the press' questions |
Anyway, yan ang maisha-share ko about the press conference. Review about the pilot episode...ayoko mag-share! Siyempre wala ng thrill pag pinanuod niyo! Pero sinasabe ko sa inyo, kahit napanood ko na siya, excited pa rin akong mapanuod ang pilot episode sa Monday! This soap opera is 2 years in the making kaya dapat lang na ating abangan dahil pinaganda talaga ito. Kaya simula Lunes, 4:15 PM, isa lang ang ating papanuorin, ang PRECIOUS HEARTS ROMANCES presents PARAISO sa KAPAMILYA GOLD!
---
ADVERTISEMENT
People in our lives come to us unplanned. They take us by surprise. And Vice Versa.
But, how would you know if the person in front of you now, is not just another stranger, but the person who will make the greatest change in your life???
Coincidence??? - A story of destiny leads them to each other. On how fate will bring them together and what it will do to them. Read and join them as they share their story of love. Coincidence???
---
MAIN FEATURE: DREAMS (as in Pangarap ha!)
As I said, this episode will talk about dreams, so siyempre, as always, bago ako mag-share ng akin, may 4 na tao munang magsha-share ng kanilang mga tutuparin, tinupad, natupad, at patuloy na tinutupad na mga pangarap. :) Pero pag-usapan muna natin kung paano ko na-conceive ang episode na ito. Well, last Thursday, October 25, 2012, ay nakarating ako ng ABS-CBN at nakaattend ng isang press conference. Lahat ng mga taong kilala ako at taga subaybay sa buhay ko eh alam na pangarap kong makapagtrabaho sa ABS-CBN. At hindi ko naman ito matutupad kung hindi ko rin in-express sa taong bayan, lalo na sa tumulong sa aking matupad ito. So dapat meron ding mag-share sa mga kaibigan ko ng dreams nila at malay natin, doors might open kung may makakabasa man nito na malaking tao hindi ba. At siyempre meron din tayong panayam with the person na nakasama kong tumupad ng aming dream sa ABS, at ang tumupad ng aming pangarap! Pero bago yun, we will start with these two people who are actually doing and taking their first steps in achieving their dreams. So let's start!
Una sa listahan natin ay ang kaklase ko sa St. Paul University Manila na no doubt eh magaling sa path na gusto niyang tahakin. She's no other than Miss Michell Ann "Macee" Rosimo!
NAME: Macee Rosimo
AGE: 17 years old.
DREAM: I dream to be a recording artist and a VJ/ TV Personality or land a job in the fashion industry; styling and designing
TWITTER: @itsamaceeday
JIMPY TV (JTV): Hi Macee! So you know naman that I went sa press conference ng Paraiso, and as one of my friends, alam mo na pangarap ko talaga to diba. Haha! Kaya naman let's talk about your dreams! And for the first question. Macee, as your friend, I believe na madami kang dreams talaga, diba gusto mo maging singer, stylist, madami diba? Pero para sure tayo, ano-ano ba yung mga dreams talaga na gusto mong ma-achieve in the future?
MACEE (M): Well first off ang pinaka dream ko talaga na I can say is most realistic ay yung pagka graduate ko, I land a job that I truly love na pinagbuhusan ko ng panahon during college.. I don't say this often, but I dream to be a VJ. I think that should be my priority, kailangan ko ng trabaho muna anmd then from there, I can study fashion pag kumikita na ko kahit pano, and then of course performing, I try not to overthink that because natural na sakin yung magkaroon ng confidence to show what I can do, I hope that one day someone will invite me to sign a label with them or madiscover ako sa Youtube! Haha!
JTV: So kung magfofocus tayo ngayon sa dalawa siguro mong dreams? Ano yun?
M: Yung landing a good job talaga in line with my course and being a recording artist. Yun ang alam kong may pinaka pag-asa ako sa ngayon. Haha!
JTV: Hahaha! Oo nga magaling kang kumanta eh. So focus tayo sa singing dream mo? In school, you have performed many times na in front of everyone. So how do you feel na kahit papano, you are taking steps already in achieving that dream?
M: I feel so great about it! And you know what keeps that dream alive in me? The support I get and the good feedback, nakakainspire sobra, kahit di laging perfect yung performance, naappreciate ng mga tao, that's the best feeling ever.
JTV: Ay isa ako dun sa mga nakakaappreciate noh! Haha! Bukod sa pagpeperform sa school, do you have other ways para mas makita ng iba ang hidden talent mo that might pave the way in achieving your dreams?
M: I post Youtube videos when I can, and some friends have invited me to sing at their debut celebration, I performed at 2 already and now masaya ako kasi meron pang iba na nagiinvite, and I perform for free sa ngayon syempre I love it and I'd gladly do a performance for my friends.
JTV: Sige, kantahan mo kami dito sa Jimpy TV! Pero sa ibang paraan, can you show some videos of yours performing? Para mabigyan natin ng hustisya ang talent mo!
M: hahaha. #PatayTayoDyan :))) okay okay.
JTV: Ayan! So guys, let's enjoy muna Macee's videos and dito I am so sure mapapatunayan natin ang kanyang talent! Siyempre blog ito at wala namang makakarinig! Hahaha!
M: This video currently has the most number of views in my channel Payphone cover with Reielle [Deslate, ka-classmate sa SPU Manila]. hehe, Reg Selibio [another classmate] co-owns this video hope you guys enjoy!
JTV: Ay favorite ko ito! Hahaha! Lagi nila ito pine-perform at talagang di kami binibigo! So yung next na video mo?
M: This next video I recorded with my mom and I used it as an audition piece, so di ko pa siya na 'release' publicly kasi di ko pa nakuha yung results and permission noon, but now, I guess pwedeng pwede na. Here is Stay by Lisa Loeb.
JTV: Oh my gosh, thank you so much Macee for sharing that with us! Dapat pala nasa segment yan na First on Jimpy TV! Hahaha! So Macee, in case the people who'll read this are interested in getting you para kumanta sa kanila, ganyan, saan ka nila pwedeng imessage, ifollow or kung ano man?
M: You may contact me at maceeloves23@yahoo.com, and @itsamaceeday on twitter for updates, please feel free to add me on Facebook too https://www.facebook.com/michellannerosimo. guys also visit my Youtube channel!
JTV: What piece or pieces of advice will give you to others na nangangarap rin ng mga bagay bagay and all?
M: Una sa lahat, your dream has to be in line with what you can do, and what you love doing, para ma-inspire ka. And better kung you are able to share this to others, for constructive criticism and you know what you should improve and what you're good at already. Finally, BELIEVE THAT YOU ARE GOOD. Be confident, people love that.
JTV: Ay tama, nako may bago na naman akong ifofollow na advice! Haha! So Macee, kanina nasabi ko that I was in the press con of Paraiso and if you watched the trailer, alam mo ang kwento. Ikaw naman ang tatanungin ko after matanong sila Jessy, Matteo at Jewel...kung maiiwan ka sa isang Isla at papipiliin ka ng kasama for 2 months, sinong isasama mo and why? Isang tao lang ha! Hahaha!
M: Hahaha. Si Vice Ganda? Di ako malulungkot pag kasama ko yun haha! pero ihahanda ko ang sarili ko sa mga pambabara niya dahil ako lamng ang makikita niya dun.
JTV: Hahaha kaloka si Vice talaga! So Macee, anong papanuorin ng mga tao sa November 5 sa hapon?
M: Guys kailangan nating manood ng Paraiso starring Jessy and Matteo plus many more stars! Don't miss it!
Next naman na nakapanayam ko (shocks, lalim! Hahaha!) ay isa guy naman na who is, of course, also doing good in his craft. Here is Mr. Louize Andrei Al-Shehri!
NAME: Louize Al-Shehri
DREAM: Director/writer/actor/singer
AGE: 17
TWITTER: @LouizeAlshehri
JIMPY TV (JTV): Hello Louize! So you know naman that I went sa press conference ng Paraiso, and as one of my friends, alam mo na pangarap ko talaga to diba. Haha! So let's talk about your dreams! Eto na ang first question...Siyempre, sabi ko nga friends tayo...and I know na madami kang gustong gawin and all...but what is that greatest dream talaga na gusto mong i-achieve in the future?
LOUIZE (L): Well, I always wanted to be a director. Kasi, I have always been a fan of movies and series.
JTV: Wow director! Medyo may similarity tayo jan ha! Haha! So as an aspiring director, may nagagawa ka na bang mga moves or steps para ma-achieve mo yang dream mo? Maybe write, or shoot films, ganon?
L: As early as 2007, I started writing. Sabi ko kasi sa sarili ko, kung hindi pa ako magiging director sa age ko, at least meron na akong ready sa back pocket ko pag director na'ko. Pero, now that I'm 17, na push through ko talaga yung talent ko in film making. Dahil sa mga school projects and talagang sineseryoso ko kahit mahirap mag work with my classmates. Haha!
JTV: Hahaha! Grabe so matagal na pala talaga noh. And maganda yan, ready ka na! Anyway, may sample ka ng films mo, or mga writings mo na you can share with Jimpy TV?
L: Yeah. Haha. Mejo matagal na nga. Uhm, meron akong film na Judgment Day and I'm currently working on one, which is The Vanishing In Unit One. Sa writings ko naman, I have a lot of title and stories to get along with them, kaso hindi ko lang talaga natatapos. Haha.
JTV: Hahaha! Jan talaga pareho na tayo, meron din ako pero di ko natatapos! Tungkol saan tong Judgment Day and The Vanisihing In Unit One?
L: Mahirap kasi mag-sulat pag walang inspiration and time. Haha. Yung Judgment Day, it's about a survival of a group of friends. One of them kasi was infected by some kind of disease and all. They though na, he was alone pero what they don't know, is meron pang ibang infected. Yung The Vanishing In Unit One naman, is about the siblings who moved in to this particular house, which seems to be haunted--making every people na tumira dito, hindi nakaka-labas ng buhay.
JTV: Ay grabe so ang forte mo eh medyo horror ha! Nakakaloka! Pero based from my sources, you are starting to film "The Vanishing In Unit One"? Kelan? Exciting ha! May playdate na?
L: Sobrang fan kasi ako ng horror films. Actually, I also always wanted to appear in one. Yes, we're starting na. Siguro, sometime on November. Wag palampasin! Haha.

L: Like, seriously for me. Kahit naiinis na yung actors sakin, okay lang sakin. Kasi, ayaw kong ma-dissapoint sa ginagawa ko. Gusto ko kasi na makilala ako for what I love to do. Pero, in other words, it's always exciting.
JTV: Haha! Nako paano pag nasa industry ka na! Mas exciting yan! Anyway, what if mabigyan ka ng opportunity of course to work with the actors/actresses natin, sinong gusto mong idirect in the future?
L: Sana nga! haha. Well, since ang plans for movies ko eh teens or young adults. So, sa babae, naiisip ko si Anne Curtis. Napanuod ko kasi yung horror movie nya na Wag Kang Lilingon and I have to say na, magaling sya. Sa lalaki naman, siguro si TJ Trinidad. Napapansin ko kasi na madami syang horror movies na naganapan.
JTV: Ay wow! Taray! So eto, sinong inspiration mo or who do you look up to sa pagiging director? It may be a foreign or local director or kahit na sinong inspiration mo.
L: Well. Ever since, mom ko talaga yung inspiration ko. She was always there for me and I know na she will. So, i'm doing everything to impress her where ever she is.
JTV: Ah, that was so sweet. :') So ayon, anong message or piece of advice mo sa mga tao din na nangangarap, not necessarily maging director, basta may mga goals or dreams na gustong ma-achieve?
L: Kagaya nga ng sabi ni Walt Disney, "Keep Moving Forward" kasi no matter how many trials, challenges na dumating sa buhay natin, if we really want this, we will do everything eh, diba? So, ayun. Wag lang silang makinig sa mga nagtturn down sa dreams nila. Just believe in yourself and follow you heart.
JTV: And in case na gusto ka na nilang kuning director, or manuod ng films mo, saan sila pupunta?
L: sa youtube channel ko. www.youtube.com/theneonnetwork. And on twitter, follow me @LouizeAlshehri
JTV: Ay I agree jan! Well di pa tayo tapos! Sabi ko kanina, I attended a press con for Paraiso. Kung tatanungin kita ng mga tinanong kay Jessy, Jewel at Matteo, sino ang gusto mong isama sa Isla for 2 months and why? Isang tao lang ha!
L: Oh my. haha. Mejo mahirap yan ah. Haha. kaya ko to! Si, Angelica Ulatan siguro.
JTV: Bakit siya? Teka sino siya sa iyong life right now, and why siya? :)
L: Right now, she's a complicated friend. :) Well, wala kasi kaming proper closure. So, siguro being stuck sa Isla for 2 months will give us the closure.
JTV: Ayan! So anong papanuorin nila sa November 5 sa hapon?
L: Paraiso. :) Mondays to Fridays!
Sumunod naman sa ating listahan ay ang kasama kong tumupad ng dream namin sa ABS! Haha! Feeling nagwowork na dun eh noh. Pero seriously. Grabe! Hahaha! Love ko talaga tong bestfriend ko na to! Ngayon iba na ang set of questions dahil isha-share niya ang experiences namin PLUS her feelings na first time ko ring malalaman! Here is my BFF, Cher Nicole Aguinaldo!
NAME: Cher Aguinaldo
AGE: 17
DREAM: Director, makapagwork sa ABS-CBN
TWITTER: @chairnicole
Jimpy TV (JTV): Okay game! Cher! Isa sa greatest dreams mo na makarating sa ABS-CBN and makawitness ng happenings dun dahil gusto mo maging director diba? So anong na-feel mo nung finally na-confirm na that we are part of the media list?
CHER (C): Siyempre naexcite lalo na't nalaman ko sa ABS-CBN tayo makakapunta. Greatest dream ko kasi talaga magtrabaho sa ABS[-CBN] at maging Kapamilya. Kahit anong trabaho nga actually basta sa ABS-CBN. Haha ganun ako kadesperado. Kaya its really an honor na maiinvite sa presscon ng [PHR:]Paraiso.
JTV: OMG Desperate nga! Hahaha Chos. So may mga preparations ka ba na ginawa bago tayo pumunta ng ABS-CBN?
C: Yes meron!! Weird nga eh, sa sobrang kaba ko kinakausap ko sarili ko sa salamin. Haha! Sinasabi ko yung mga isasagot ko kung may director or writer na magtatanong about sa mga experience ko sa media.
JTV: So is it okay, since BFFs [tawagan namin] naman tayo at di ko alam yang bagay na yan, i-share mo naman samin yang mga sinasabi mo sa mirror. HAHA!
C: Okay for example bakit marketing [ang] course mo eh dream mo[ng] maging part ng media, sasabihin ko eh kasi gusto [po] ng parents ko na tapusin ko muna ang course na may sure job ako at makakapaghintay naman daw ang MMA [Multimedia Arts] course ko. Things like that. Hahaha.
JTV: Hahaha! So eto na...dumating na yung umaga na pupunta tayo. Anong nafefeel mo nun?
C: Kinakabahan. Nanahimik na nga ako sa bus habang dada ka ng dada. Kasi sobrang kinakabahan talaga ako. Haha!

C: Kinikilig na ewan. Haha sorry for the term. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko eh. Syempre malay mo balang araw, pag nagtatrabaho na ako dun, maaalala ko yung pinakaunang visit ko sa lugar ng dream job ko.
JTV: Ay Echoserang Froglet may ganoon pang effects! haha! So punta tayo sa Presscon. When you went to the Dolphy Theater, nakapasok ka na and all, ano ulit na-feel mo? Haha.
C: Nung unang pasok ko, naalala ko si [Mang] Dolphy. Si mama kasi sinubaybayan yung kay Dolphy [na mga palabas] so lagi ko ring napapanuod. Tapos ikekwento ni mama kung paano siya pinasaya ni Dolphy and everything. Affected talaga nanay ko nung pumanaw si Dolphy. Nung nasabi ko nga yun kay mama, napa "Oh talaga? Maganda?" With a smile si motherloves. Haha! Ang saya lang makita ang ngiti ng nanay mo.
JTV: HAHAHA That was so cute! Well anyway, bago pala yun, of course we are introduced to our beloved Miss Bing [Castro, PHR presents Paraiso Headwriter]! And we were introduced by her sa ilang key people ng ABS? So siyempre anong nafefeel mo nun!
C: HONORED! As in. Nakikita mo pang inaasikaso talaga tayo ni Miss Bing para lang makilala ang ibang media people dun, hindi matanggal [ang] ngiti ko. Siyempre dahil pinapakilala sayo [ang] mga inspirasyon mo sa buhay. It's really a wonderful experience.
JTV: So punta tayo sa dreams and inspirations na yan...diba dream mo maging director? So paano nagstart yan, saan, at kailan?
C: I think nung third year, nung gumawa tayo ng project sa FCL [Filipino Christian Living]? Remember that? Hahaha! Nasayahan ako sa pag-edit at pagdirek na rin ng video na yun. Siguro dun nagsimula ang lahat. After nun, gusto ko pa gumawa. Kaya dun nagbunga ang video mo. Hahaha! So ayun everytime na may music video or movie or theatre na project, hinding hindi ako nawawala.
JTV: Oo nga I agree with that. Hahaha! Naisingit pa ang video ko. Haha! So punta tayo sa Paraiso, diba we saw the pilot episode? Anong masasabi mo?
C: Ang ganda ng kwento, it's unique! Hindi tulad ng ibang kwento na paikot ikot lang. Mga nagugustuhan ko pa namang soap opera ay pang world class. For sure madaming kikiligin sa bagong tandem ni Matteo at Jessy. Ang ganda lang kasi ng chemistry nila sa isa't isa. Paniguradong susubaybayan ko tong teleseryeng to.
JTV: Nako dapat lang naman noh! Hahaha! :) Well ano naman ang piece of advice na maibibigay mo sa mga tao na gustong tuparin ang kanilang pangarap?
C: Para sa mga nangangarap, never stop chasing your dreams. Yun naman lagi eh. Madapa ka man lahat lahat, wag kang hihinto. Ako nga nadapa sa Marketing course ko pero I still believe na magiging direktor din ako someday. Just take little steps or big steps to reach it.
JTV: And kanino mo naman gustong magpasalamat at anong mensahe ang gusto mong iwanan sa kaniya or sa kanila dahil natupad mo itong isa sa mga pangarap mo?
C: Syempre gusto ko magpasalamat kay Miss Bing Castro. Super bait niya!! Di ko naexpect na isang headwriter ang magiinvite sa atin dito. Dahil sa kanya, nakatapak ako sa ABS-CBN, dahil sa kanya na-experience ko maging isa sa press, at dahil sa kanya, mas lalong lumakas ang loob ko na habulin ang pangarap ko. And of course gusto ko ring magpasalamat sa bestfriend ko dahil kundi dahil sa kanya, di ako makakasama dito.
JTV: So sa mga gustong mag-follow sayo o makita mga gawa and all mo, saan ka nila dapat sundan?
C: Follow me on twitter @chairnicole and sa mga mahilig magphotography diyan follow me on tumblr cheraguinaldo.tumblr.com I post my shots there at sana magustuhan niyo. :)
JTV: Okay, siyempre di ka makakaligtas sa mga Island Questions! Kung maiiwan ka sa Isla ng 2 months, sinong isasama mo and why?
C: Kung iba lover ang gusto ako friend! Haha single eh. At mas tine-treasure ko kasi ang mga kaibigan ko, mas importante sila kahit magkalovelife ako. Ayaw kong magsabi ng pangalan, madami kasi sila. Haha saya kaya nun, stuck on an island with your friend. Pero feeling ko pag may lovelife ako, for sure sila ang isasama ko. Hahahaha! Labo lang eh.
JTV: Hahaha! Napakafunny mo! Well ano ang dapat nilang abangan sa November 5 at subaybayan?
C: Subaybayan sa Nov.5 ang PHR presents Paraiso. I guarantee na magugustuhan niyo ang kakaibang teleseryeng ito. Kung ako nabitin, panigurado kayo din. Kaya tayo na't panuorin ang Paraiso sa Nov. 5! Mark it on your calendars people, Nov. 5, PHR presents Paraiso!
Ang susunod ay isang sub-segment ng ating main feature, pero di talaga siya sub-segment dahil may mga times na lilitaw itong segment na ito sa ating mga episodes! Ito ang FIRST ON JIMPY TV! And first on our new segment, na-interview ko ang isa sa mga key people sa pagtupad ng aking pangarap, and of Cher's na din! Haha! Mukha bang kilala niyo na? Well bibitinin ko muna kayo diyan! Wag kayong mandaya, don't scroll down yet! Hahaha! Eto muna ang ilang advertisements!
---
ADVERTISEMENT
Food Cosmetics Christmas Giveaway Promo!
Win a GC worth Php500 for our next cutoff!
-like our page and share this photo to qualify.
-another way is to follow us on twitter and RT our promo posts.
winner will be announced in our fb page come November 21, 2012.
Thank you! :)
---
MAIN FEATURE: FIRST ON JIMPY TV
AN EXCLUSIVE INTERVIEW WITH PARAISO HEADWRITER
MISS RUBY LEAH 'BING' CASTRO
First talaga ito sa Jimpy TV! Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, dito sa Jimpy TV niyo lang mababasa, ang isang exclusive interview sa isang creative writer ng ABS-CBN. Swerte talaga ako dahil first time ito ever! Ano nga ba ang buhay ng isang writer sa isang malaking TV Network? Ay nako, wish ko ako ang sumagot sa inyo niyan but I think medyo matagal tagal pa atang mangyayari yun. Hahaha! Kaya insights and experiences muna ang ating malalaman about the headwriter ng inaabangang teleserye ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances presents Paraiso, si Miss Ruby Leah 'Bing' Castro!
Paano nga ba kami nagkakilala ni Miss Bing? Sa Twitter! Kaya mahal na mahal ko twitter eh, masyadong nabago niyan ang buhay ko. Parang nagtanong lang ata ako about sa new show nila noon, ang Lumayo Ka Man Sa Akin...then of course, mayabang ang lola niyo, nasa bio ang blog site! Hahaha! Di ko naman inaakalang itong pagyayabang ko eh positive pala! Hahaha! Eto, hindi ko pa binubura talaga ito because I will always treasure this!
Oh diba, sino ba namang hindi kikiligin diyan! Hahaha! :) So ayon, doon na nagstart ang lagi naming pag-uusap sa Twitter, tanong-tanong, sagot-sagot about shows. Haha! Then eto na, life-changing experience ko noong October 22, 2012. She DM-ed me, kung naka-attend na ba ako ng Press Conference nang isang Teleserye as a blogger. Then she invited me sa Presscon ng Paraiso, and the rest is history. :)
So I forgot, mamaya pa pala ang aking time to shine! Haha! Eto muna ang panayam ko with the very brilliant scriptwriter of Underage, Katorse, Impostor, Alyna, Lumayo Ka Man Sa Akin, and the great head writer of Hiyas and the upcoming Paraiso, Miss RUBY LEAH 'BING' CASTRO!
Three parts ang naging tanungan namin ni Miss Bing. Una ang buhay niya as a writer, pangalawa ang PHR: Paraiso, at ang third, mga random questions lang. So for reals, ito na! :))

A. LIFE AS A CREATIVE WRITER:
JIMPY TV (JTV): Hello po Miss Bing! Sa ngayon po, isa kayo sa mga magagaling na writer ng ABS-CBN. Pero paano po nagsimula itong pagiging writer ninyo?
MISS BING (B): Hi Jimpy! Unang-una, dine-deny kong magaling akong writer. Sabi nga ni Sir Ricky Lee, the moment you call yourself magaling, you stop growing, you stop trying to be better, so you never end up being "magaling". Kaya tanggalin natin yung magaling. Writer na lang. :)
Pangalawa, i-classify natin yung "writer" sa question mo since medyo broad ito in my case. I've been all sorts of writer kasi. Feature writer, copy writer, short story writer, academic writer, technical writer, etc. Mag-focus lang tayo doon sa pagiging writer ng [mga] teleserye. Nagsimula ito noong 2003, after an intensive workshop under Mr. Ricky Lee. Pumila talaga ako ng isang buong araw sa ABS-CBN para lang makasali sa workshop. At that time wala sa isip ko na magtatrabaho ako sa TV pagkatapos. I just wanted to experience a Ricky Lee workshop. I wanted to learn how to tell better stories, how to be a better writer. I didn't know that that would be the start of my career as a teleserye writer.
JTV: Ito po ba talaga yung dream niyo when you were a child? Kung hindi po, ano yung dream niyo ang paano po kayong napunta sa pagiging isang magaling na writer?
B: Long before I dreamed of being a writer, nangarap akong maging pintor. Like most kids kasi, nauna akong natutong mag-drawing bago magsulat. And like most kids, mahilig ako noon sa comics. So gagayahin ko iyon, I'd draw squares, then draw human faces in them, tapos lalagyan ko ng dialogue. I think that's what started me writing. Pero yung writing itself, na-discover ko lang ang hilig ko dun nung grade 6 ako. Isang araw, tinamad kami ng friends ko na mag-attend ng PE class. Just so we could cut class legally, we joined a school-wide essay writing contest. I was surprised noon nanalo ako. But since then, I would join every writing contest in our school.
JTV: Ano po ang unang show ninyo? Can you share naman po your experiences with your first show?
B: It Might Be You, 2003-2004. Na-assign ako dun as contributing writer right after our workshop with Sir Ricky. Isa iyon sa pinakamahirap isulat na show na pinanggalingan ko. Basically because it was my first. Nangangapa pa ako. Minsan shy pang bumato ng ideas kasi natatakot mabaril. So bumabawi na lang ako pag may pinapasulat na eksena. Pero iyon ang isa sa pinakamasayang creative team na naging part ako. And I learned a lot from that show, especially from Rose Colindres (Angelito, Mula Sa Puso), who was our senior writer. Also part of the team were Ruel Montanez (Lumayo Ka Man Sa Akin, Angelito 2) and Tanya Bautista (A Beautiful Affair), na laging nagpapatawa. Maraming tawa kahit maraming, uhm, mainit ang ulo. That was also the first time na nakatrabaho ko si Direk Rechie Del Carmen, who was our second unit director. She's now our director in PHR [Precious Hearts Romances presents] Paraiso.
JTV: Can you share naman po some significant experiences in your life as a writer? Pwede po siyang maganda, pwede din po yung mga challenging.
B: Every experience is significant, especially if you set your mind to learn from each and use it to improve your writing. But the most challenging experience for any writer is sitting down in front of the computer and trying to come up with a decent script at a given time under any circumstances. Just a few weeks, in the middle of a deadline I got sick. My head was throbbing, I'd throw up every couple of hours. My sister wanted to rush me to the hospital, but I wouldn't let them move until after I emailed the script. Pagdating sa ER habang tinuturukan ako, bigla kong naalala may na-miss pala akong isang sequence. Sabi ko sa isang co-writer who was there, paki-revise. Napakamot na lang siya ng ulo.
JTV: Fast forward to 2011. Ang first headwriting job ninyo, if I am not mistaken, was PHR: Hiyas. Ano pong na-feel ninyo when you were promoted as HW [Headwriter]? Can you share naman po some significant experiences, good or bad, sa inyong first headwriting job.
B: Actually I was assigned to take over as HW ng PHR: Hiyas because, Direk Adolf Alix, who was our original head writer and director, was also doing other projects at that time. Kinailangan niyang bitawan ang page-headwrite. The other senior writers in the team had other projects as well, so walang choice, I had to take on the job. Anong na-feel ko? Kagaya ng naramdaman siguro ng ibang naa-assign mag-headwrite. Wow, bigger income! But more than that, Wow, greater responsibility, lesser time for self and family. Some want that, some don't. In the end, it's a matter of choice. Sa akin noon, it was, sige, andito na rin lang ako, might as well make the most of it.
Pero sa ABS[-CBN] naman kasi, hindi dahil headwriter ka sa isang show di ka pwedeng maging episode writer or brainstormer sa susunod mong show. It's still your choice if you accept a project or not. After Hiyas, naging writer/brainstormer ako sa Lumayo Ka Man Sa Akin. So head writing is not necessarily a promotion. It's not something to brag about. You're just taking on the responsibility of herding a team of equally good writers who are expected to tell a good story.
JTV: Sa lahat po ng naisulat ninyo, ano pong show yung pinakaproud kayo or pinakanaging significant sa inyo and why?
B: Lahat naman yun significant. Hindi ko masabing mas makabuluhan yung isa kesa sa iba. Because in every script you write, you give something of yourself. Huhugot ka sa past mo - mga personal experiences, mga nabasa mo, narinig, napanood. Huhugot ka sa memory bank mo, huhugot ka sa dreams mo. Depende sa show. Iba-iba yung story, so iba-iba yung hinuhugot mo, iba-iba yung hinuhugatan mo. Then also, for each show iba-iba yung mga kasama mo sa team, iba yung director, iba yung artista. Iba-ibang experience. All of those, and that part of yourself you give when you write, they are what make each show significant. Regardless of the ratings, regardless of feedback from critics, if you and the rest of the team know that you gave your best, you can't help but feel proud of your show when you see it on the screen.
JTV: Kung hindi po kayo naging writer ngayon, ano po siguro ang magiging work ninyo?
B: Honestly, hindi ko alam. Halos lahat ng naging work ko, there's writing of some sort involved. In ABS, naging researcher ako ng PBB [Pinoy Big Brother] at PDA [Pinoy Dream Academy], and even that there's a lot of writing involved. Kung hindi ako nabigyan ng chance to go back to drama, baka sa nag-stick ako sa research.
JTV: Fastforward to this day, paano po nabago ang life ninyo simula nung maging writer kayo?
B: As I said, my previous jobs have been as a writer of some sort, so parang ganun pa rin naman. Everyday, uupo ka para magsulat. Ang naiba lang yung form at yung technology. Kung dati nagsusulat ako ng feature or print ad copy, ngayon script. Kung dati makuntento ka sa longhand at Wordstar sa MS-DOS (oo inabot ko 'yun!), ngayon mamili ka word processor at operating system. Also, some of those jobs required me to report to the office everyday habang nagsusulat. As drama writer, minsan pupunta ka lang sa office pag may meeting.
JTV: May mga gusto pa po ba kayong ibang gawin besides sa pagiging creative writer?
B: Gusto kong maging painter, sculptor, designer, chef. Anything that requires me to be creative. And if along the way I find I'm not creative enough for any of those, gusto kong maging dog-sitter. I love dogs. :)
B. PHR: PARAISO
JTV: Punta naman po tayo sa bago niyong show, ang Paraiso. So ano po ang kwento ng PHR Paraiso?
B: Ang Paraiso ay isang kwento ng pagmamahalan na nabuo sa isang isla, sa pagitan ng dalawang tao na galing sa magkaibang mundo. They make the most of what they have - which consists of only the bare necessities, and each other - until rescue arrives when it's most unexpected. Akala nila dito na nagtatapos ang kwento nila, only to realize later that it has just started.
JTV: Diba po, if I am not mistaken, this is your 5th PHR. Ano po ang pagkakaiba at edge ng Paraiso sa mga PHRs na naisulat ninyo?
B: To quote Direk Nico Hernandez, ito palang yung PHR na naganap sa isang isla. For the first few weeks anyway. Sa mga sinulat ko, eto rin 'yung ginastusan talaga. Since panghapon ang PHR, mas mababa ang budget kaysa primetime so usually we make adjustments sa script para hindi masyadong mabigat sa kostas. Usually bawal ang sumasabog na sasakyan, bawal ang helicopter, etc. In the case of Paraiso, particularly sa pilot week, naka-angkla ang buong kwento mo sa sumasabog na barko at sa paghahanap ng survivors, and that usually requires lumilipad na helicopter. Ginawan talaga ng mga director at ng production team ng paraan para maipakita iyon sa TV. So I guess the edge of Paraiso over other PHRs na naisulat ko is its directors, Direk Rechie and Direk Nico; ang mga producers, Mr. Mark Gile and Direk Neal Del Rosario, and the rest of the production team. They have so much respect for the material, and they are very considerate to the creative team. Hindi nila basta sasabihing "hindi pwede yan." Sasabihin nila, "let's explore the possibility, and if it's not possible, let's explore some more." Sometimes in this industry, that is very rare. And so we are very lucky as a creative team, and very thankful to them, for that.
JTV: How does it feel po being a big part of this show?
B: It feels like being in Paraiso. Haha. Siyempre, masaya. Excited. And since eere na kami, andyan na 'yung kaba. May mga tanong sa isip ko siyempre. Magustuhan kaya? Panonoorin kaya? Would it meet the expectations of those who have been waiting for it?
JTV: Ano po ang mga dapat abangan ng viewers sa Paraiso?
B: Well, this is PHR, so I would say abangan ang mga steamy love scenes, mga kilig scenes. 'Yung tambalan nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli. Ibang-ibang Jessy at Matteo ang makikita niyo ditto. Then, of course, 'yung kwento mismo, masasabi ko naman na kaabang-abang.
C. RANDOM QUESTIONS
JTV: So ano pong maibibigay ninyong piece or pieces of advice sa mga dreamers around? Mga nangangarap po maging writer (like me!), director, or kung ano man po.
B: Keep dreaming. And while dreaming, read, write, work, learn, live. Let yourself fall in love, laugh, allow some pain, cry. And then live some more. That's the only to learn and that's the only way to your dream.
JTV: In case po people have questions about the show and your experience or other things po, san po namin kayo pwedeng makausap, or i-follow?
B: You can follow me on twitter. My handle is @bingcas.
JTV: Tanungin ko din po kayo like sa press con ng Paraiso...kung kayo po ay maiiwan ng 2 months sa isang isla, sino po ang isasama niyo and why? Isa lang po ha! Haha!
B: Si Hemingway, my one-year-old dog. Toy dog siya, a shih tzu, pero kung makabantay sa akin daig pa ang doberman.
JTV: Last Question. Ano po ang susubaybayan ng mga Manash and ng mga madlang people simula November 5 sa hapon?
B: Mga Manash, huwag niyong kakalimutan, simula November 5 at 4:15pm, PHR presents Paraiso sa Kapamilya Gold.
And if you don't know mga manash, si Miss Bing po ang nagdala sa amin ng aking bestfriend na si Cher sa aming first press conference, so Miss Bing, I would like to express my gratitude ng sobra sobra. Napakasaya po talaga namin. Salamat po talaga ng marami and for granting this inteview as well! Salamat po super!
For sure naman eh marami na kayong natutunan sa ating special interview with Miss Bing! Again, salamat po ulit at nakapaglaan po kayo ng oras para sa interview despite the deadlines and all. :) Salamat po ulit Miss Bing! And don't forget mga manash, PARAISO!
O teka, di pa tayo tapos, SPOTLIGHT KO NA. Show ko 'to guys! Guest lang sila! Hahaha! I am so selfish. Pero eto na guys, pa-share ha. Please don't skip. HAHAHA. Ads muna before we resume!
---
ADVERTISEMENT
BITS N' PIECES!
About
Unique Finds of Bits & Pieces at Affordable Price.
Description
Collaboration of different ideas, bringing different
unique finds of bits and pieces at affordable prices.
We offer clothes, apparels, accessories, various
collectible items and any cute stuff. So make a quick
and worthwhile stop here and shop anything and everything
else you want :)
Facebook Page: Bits N' Pieces
---
MAIN FEATURE: JIMPY'S STORY
O, naka-apat na naman tayo na kwento ng ibang tao, mapa extraordinaryo, sikat or ordinaryo ha. Pero guys, TV ko to! HAHA! Kaya kwento ko naman. Mga MANASH, baka naman nalaman niyo lang na kwento ko na, skip segment and scroll down na kayo ha. HAY NAKO! Hahaha! JOKE LANG MGA MANASH!
Anyway, siguro, halos lahat naman kayo, alam na kung ano ang pangarap ko. Hahaha! Sa mga hindi pa nakakaalam. Well actually parang maka-apak lang ako sa ABS-CBN, GMA or TV5, masaya na ako. Pero siyempre bilang empleyado nila diba? Haha! And gusto ko maging writer or director. Mainly writer, kasi mahilig ako mag-isip ng mga kwento eh. Haha! Problema ko lang, napaka Ningas Cogon ko. I start but I don't finish. Haha! So bad! Ayoko ikwento dito, mamaya manakaw pa ideas ko, selfish ako eh. Hahaha lol.
Ngayon, gusto ko ring maging host kagaya ni Kris Aquino. Actually I want to follow her footsteps. Gusto ko talaga, sobra as in. :) Obvious naman siguro to, kaya nga Jimpy TV! Hahaha! ;) And please don't get mad at me or anything ha, pero kasi, gusto ko ring sumali ng Binibining Pilipinas. Hahaha! :) Pero of course alam ko naman na di pwede yun noh. HAHA! Gusto ko din maging eventologist. :) Pero sa lahat ng yan, siyempre ang maging creative writer talaga ang gusto ko. No doubt.
Anyway, isa sa mga pangarap ko ang natupad last Thursday, October 25, 2012. At yon ay ang maka-apak sa ABS-CBN at makilala ang mga writers, producers, plus the artists! Yun nga nang mainvite ako ni Miss Bing Castro sa Press Conference ng PHR presents Paraiso. Grabe, you know the feeling. Hahaha. Ang saya saya! Nakilala ko yung mga taong dati nakikita ko lang yung names nila sa baba kapag nagsa-start yung show. Una na doon si Sir Mark Anthony Gile, EP [Executive Producer] of Kahit Puso'y Masugatan at ngayon, supervising producer ng PHR: Paraiso. And then ang Angelito Second unit Director and OkaTokat 2012 director Neal Felix Del Rosario, pero nag EP muna siya dito sa Paraiso. Si Sir Temi Abad, headwriter ng Alyna and isa sa AdProm ng Laurenti M. Dyogi [LMD] unit, then I realized siya pala si Gianni Ferlopez of Magkaribal! Katuwa. Haha! And of course the writers, Sir Jurey Mirafuentes, Sir Mike Transfiguracion, Sir Julius Villanueva and Miss Bianca Geli. :) Na-meet ko din ang owner ng Precious Pages Corporation na si Sir Jun Matias and Isla Sanctuario author Miss Dawn Igloria, as well as Silang: The Fierce Warrior (Hiyas on TV) author Miss Sofia. :)
So after introductions, picture picture sa photo booths and all, pumasok na kami sa Dolphy Theater. OMG, siyempre di ko pinapahalata pero talagang amazed ako. Hahaha. Well it's not the first time of course na I've seen a theater pero siyempre diba, Dolphy Theater kaya yun! Hahaha. Then the press con started. I won't relate everything na for confidentiality sa sarili ko ha. Kaloka, di naman siguro kailangan detalyado. Hahaha. But when I learned that ipapakita ang first 40 minutes ng pilot week ng Paraiso, aba bongga! HAHAHA! At masasabi ko lang, dapat niyo talagang abangan, wala akong masabing hindi maganda, kundi kinabahan lang talaga ako. As in nakakakaba yung episode. Haha! :)
Nakakatuwa din na makita yung mga stars ng Paraiso. It has been a life long dream na makita ko si Jessy Mendiola dahil isa siya sa mga pinakapaborito kong stars, kahit nung nagsisimula pa lang siya. Dahil din dito, nagustuhan ko na talaga si Jewel Mische...dati kasi konting like lang pero ngayon super like na. Ang galing galing niyang sumagot sa press. Tapos nahawakan ko pa iphone niya kasi nagpa-picture siya. :') Ang bait bait. Hahaha. Si Kathleen Hermosa din nakausap ko pa. :') And nakausap ko rin si Direk Nico Hernandez na ang gwapo na, ang bait bait pa. And si Direk Rechie del Carmen na sobrang cool at mabait!
Anyway, I will share some pictures of the event. :) Hahaha. =))
So after introductions, picture picture sa photo booths and all, pumasok na kami sa Dolphy Theater. OMG, siyempre di ko pinapahalata pero talagang amazed ako. Hahaha. Well it's not the first time of course na I've seen a theater pero siyempre diba, Dolphy Theater kaya yun! Hahaha. Then the press con started. I won't relate everything na for confidentiality sa sarili ko ha. Kaloka, di naman siguro kailangan detalyado. Hahaha. But when I learned that ipapakita ang first 40 minutes ng pilot week ng Paraiso, aba bongga! HAHAHA! At masasabi ko lang, dapat niyo talagang abangan, wala akong masabing hindi maganda, kundi kinabahan lang talaga ako. As in nakakakaba yung episode. Haha! :)
Nakakatuwa din na makita yung mga stars ng Paraiso. It has been a life long dream na makita ko si Jessy Mendiola dahil isa siya sa mga pinakapaborito kong stars, kahit nung nagsisimula pa lang siya. Dahil din dito, nagustuhan ko na talaga si Jewel Mische...dati kasi konting like lang pero ngayon super like na. Ang galing galing niyang sumagot sa press. Tapos nahawakan ko pa iphone niya kasi nagpa-picture siya. :') Ang bait bait. Hahaha. Si Kathleen Hermosa din nakausap ko pa. :') And nakausap ko rin si Direk Nico Hernandez na ang gwapo na, ang bait bait pa. And si Direk Rechie del Carmen na sobrang cool at mabait!
Anyway, I will share some pictures of the event. :) Hahaha. =))
Cher and I with the very beautiful Jessy Mendiola. :)
Mabait siya in person, napaka-kalog. Abangan siya as Yanie sa PHR: Paraiso!
Cher and I with the very stunning Jewel Mische.
Mapapanuod na natin siya bilang Megan sa PHR: Paraiso!
With Kathleen Hermosa.
So mabait and kikay like ng mga pinoportray niyang roles. :)
With Jessica Connelly.
Very pretty and kind. Kita niyo magkadikit ulo namin. Pareho kaming maganda. HAHA!
With Arron Villaflor.
Mabait na gwapo pa. Mygahd. Hahaha!
With Director Nico Hernandez.
Dati lang sa twitter ko lang siya natatanong, ngayon, face to face na!
Cher and I with Miss Dawn Igloria.
Great opportunity ito. A First to meet a PHR writer. :)
With Paraiso writers Sir Michael Transfiguracion, Miss Bianca Geli and Sir Jurey Mirafuentes
They are so kind. They made me feel at home sa ABS-CBN. Sana makatrabaho ko sila in the future. :)
And of course, Paraiso headwriter Miss Bing Castro!
Sana pag nagwork na ako, si Miss Bing agad ang headwriter ko. Pero grabe sobrang grateful ako sa kanya because she brought me to my dreams. Thank you so much Miss Bing!
Alam ko, isa na itong malaking step sa pagtupad ko ng aking mga pangarap. At OMG, sana maulit ito. Hahaha. Sobrang salamat po talaga Miss Bing. :) Hihi. :D Grabe I won't forget this moment of my life. :)
Anyway, my piece of advice sa lahat ng dreamers around. All of us have an inner dream, kahit sabihin niyo pang napariwara kayo, walang plano sa buhay, or yung sobra naman mangarap, or yung tama lang. But dreaming requires a lot of PATIENCE for you to achieve it. Kasi if you won't be patient at maaatat lang kayo ng maaatat, e walang mangyayari. You have to wait for the right opportunity to come. TEKA. Gusto ko sa Reflect, Retrospect and Learn ko to. HAHA! So stand by lang! :D
About Paraiso, kung maiiwan ako sa ISLA...actually, ayoko ng may kasama! HAHA! Eh kaya ko namang magsalita mag-isa. Yun nga lang, di ko din pala kaya...so I have to be with a yaya! So siguro I am choosing a Yaya para makasama ko. Haha. Wag na tayo magpakaplastic dito! Maging praktikal na hindi ba! Siyempre, sinong tutulong sa akin, paano ko mabubuhay! HAHA! :)
So siyempre, habang tinutupad natin ang ating mga dreams, tayo'y manuod ng PHR presents Paraiso ngayong Lunes, November 5 sa Kapamilya Gold! Nako forever magiging memorable tong palabas na to saken. Tuwing maririnig ko nga theme song or mapapanuod ko teaser, nagoo-good vibes ako. :) HAHA. Anyway, next segment na!
---
REFLECT, RETROSPECT AND LEARN
Here are my realizations after this life-changing event. And of course, my reflections sa pagtupad ng dreams.
- Opportunity knocks only once...and sometimes, you still have to find it. But when it comes to you, grab it.
-->Ewan ko kung tama ang grammar ko diyan but what I mean is, diba, once lang dumating ang kahit na anong opportunity, so kung binabalak niyong tanggihan yan, wag! Lalo na kung sa inyo na mismo lalapit yan. In this opportunity, ito na mismo ang lumapit sa akin, and of course, hindi na ako nagdalawang isip diba. Ang kapal ng face ng manash niyo kung ganon! Hahaha! :)
- Kung mangangarap ka na lang din naman at matutupad na, mangdamay ka na diba?!
-->My BFF. Haha. Siya pumasok agad sa isip ko when this opportunity came. So siyempre, dapat na isama ko siya diba, I can't be and I should not be selfish sa mga ganitong moments. Kaya kayo, wag din kayong selfish when opportunities come. Diba. :)
---
ACKNOWLEDGMENT
ADVERTISERS:
Miss Pauline Balitaan of Bits N' Pieces
Miss Patricia Clemente of PASH MNL
Miss Patricia Martin - Author of Coincidence???
Miss Celina Montalbo of Food Cosmetics Shop
GUESTS:
Miss Cher Nicole G. Aguinaldo
Mr. Louie Andrei Al-Shehri
Miss Ruby Leah Castro
Miss Michell Anne Rosimo
PHOTOS:
Miss Cher Nicole G. Aguinaldo for the Press Conference Photos
Picasa for Photo Collage Editing
Miss Michell Ann Rosimo
Mr. Louize Andrei Al-Shehri
Miss Cher Nicole Aguinaldo
(their Facebook accounts for their pictures)
@jlouiese for Miss Bing Castro's picture
VIDEOS:
ABSCBNOnline of Youtube
sharpayjimpy16 account in Youtube. (My account)
---
ABANGAN NEXT EPISODE!
Wala pa akong idea sa susunod na episode. HAHA. So magugulat na lang kayo. Pero tune in for @OfficialJimpyTV, JimpyTV's official twitter account for updates. :) Pero sa susunod na mga episodes this November ay maaaring huli na...pero based naman sa feedback niyong mga manash, matino naman ang hits ng Jimpy TV kaya magkakaroon tayo ng second season! Malapit na kasi ang ating ika-13th week, which signifies the end of a season, so ayon, bago abangan ang second season, ang 2 remaining episodes muna! HAHA!
Don't forget to follow @OfficialJimpyTV for updates, and subscribe to my Youtube channel sharpayjimpy16. :)
Don't forget to follow @OfficialJimpyTV for updates, and subscribe to my Youtube channel sharpayjimpy16. :)
Salamat ulit mga manash sa pagsama sa isa na namang episode ng Jimpy TV! At wag kakalimutan ngayong Lunes, PHR presents Paraiso! 4:15 ng Hapon pagkatapos ng Kung Ako'y Iiwan Mo!
ENJOY THE REST OF YOUR DAY!
ANY SIMILARITIES WITH JIMPY TV AND OTHER CONCEPTS IS NOT INTENTIONAL. COPYRIGHT 2012.
Nice! Wow naman Jimpy, naabot mo na mga pangarap mo! Keep it up. =)
ReplyDelete-fleryberry
Haha. Thank you Ate Flery! :D
DeleteSuper entertaining Jimpy! :)
ReplyDeleteI know that u will succeed. god bless u and ur chosen career.
- Ate Rica (:
Thank you Ate Rica. So nakakatouch! :))))
Delete