Thursday, December 27, 2012

Movie Review: Sosy Problems


Isa sa mga inaabangang pelikula ngayong MMFF 2012 ang GMA Films entry na Sosy Problems dahil bida rito ang apat sa pinakamagagandang babae ng Philippine TV at Cinema - Rhian Ramos, Heart Evangelista, Solenn Heusaff and Bianca King.

At isa rin ito sa mga talagang pinaplano kong panuorin. Unang-una, promising ang premise ng story, at marami sa kanila ang favorite ko. At mahilig ako sa mga ganitong klaseng movie (Desperadas, medyo hawig BUT it's different ha.) Ngayon na lang ako actually nanuod ng movie na GMA Films ang nag-produce bilang 70% Kapamilya, 20% Kapuso and 10% Kapatid ako at inuna ko pa ito sa lahat ng films na nakaplano kong panuorin. At dito, malalaman natin kung worth it ba na ako ay nagbabalik Kapuso sa mga pelikula. :)

Anyway, ang story ng Sosy Problems ay tungkol sa apat na sosyal. Si Lizzie Consunji (Rhian Ramos), ang spoiled brat leader ng mga girls, si Danielle Alvarez (Bianca King), ang girl na hindi maamin sa friends niya na sila ay naghihirap na, and ang frenemies na sina Margaux Bertrand (Solenn Heusaff) and Claudia Ortega (Heart Evangelista), bestfriends turned enemies dahil sa isang guy. Their main problem is saving their favorite place to hangout, ang Polo Club, na nabili na ni Bernice (Mylene Dizon), dating mahirap na empleyado ng club na yumaman at nabili ang Club para gawing isang mall, or as they call it, 'Yaya Mall' while fighting with their own problems.

Halos lahat ng movies na napanuod ko ay boring ang umpisa, yes, kahit No Other Woman, A Secret Affair (na super favorite ko), or kahit na anong movie, nabo-bore na ako sa umpisa. BUT. Sosy Problems is an exception...well maybe kasi di ko naman talaga naumpisahan sa sinehan ang film. BUT inulit ko siya, and medyo kinalahati ko ang movie before I left the moviehouse. Pero hindi talaga ako na-bore sa umpisa. :)

Infairness sa lahat ng movies na napanuod ko this year, all the supporting stars are very good, including this film na ang supporting cast ay sina Agot Isidro, Mylene Dizon, Maritoni Fernandez, Tim Yap, Ruffa Gutierrez, Johnny Revilla, Ricky Davao and Miss Cherie Gil, most especially Agot and Cherie.

My most favorite part of the film would be the part na nasa province sila, lahat ng nakakatawa, andun! Most especially the 'pilapil' part. Haha! That was the most hilarious part talaga. :)

Maganda ang story ng film, dahil hindi puro kaartihan ng mga sosyal ang pinakita, but may mga aral rin na kapupulutan. That you should think of others' feelings, that you should not pretend to be rich in order to fit in, and that real friendship is not measured by richness or things you wear. :)

The Best Actress for me in the film would be Rhian Ramos. Her star really shined the brightest. Maybe because parang siya rin ang pinakabida but no, magaling talaga ang pagbibigay buhay niya kay Lizzie, lalo na sa pagsasabi niya ng 'Ermehgerd'. Haha! Panalo! :) And no worst actress naman, pero in some parts, medyo OA lang ng konti si Tim Yap pero I don't care, crush ko siya! Haha! Lol. Pero ang crush ko talaga dito, si Mikael Daez, kahit medyo short ang role niya, nabigyan naman niya ng justice, and he was so hot. Haha! :) Si Bianca King naman, always soft-spoken siya sa mga lead roles niya, dito din medyo softspoken pero may depth ang acting kahit maarte ang role! Dama ko ang pagkagusto niyang i-save ang family niya. Heart Evangelista naman, bagay sa kanya ang role niya! Kaloka siya. Siya ang nagpakita dito na ang pagkasosyal, nawawala pag napapagod. Si Solenn naman, di ko masyadong type si girl pero dahil sa film na ito eh natuwa ako sa kanya, though di naman masyadong naipakita ang pagka-bobo ng character niya, pero I love her! The best supporting actress naman is for Agot Isidro and Cherie Gil. Nakakatuwa ang mga patalbugan nila! Haha!

This film is an unexpected film from GMA Films, 'cause as we all know, wag na nating ideny, bihira silang gumawa ng mas magaganda pang films talaga. But this one, this could be the start of their reinvention. Maganda talaga siya, kahit cinematography eh bongga. I love GMA Films for creating this movie. Sayang lang at hindi na credited si Direk Andoy Ranay, but direk, congratulations, maganda ang Legacy mo pero natalbugan nito ha! :)

Manuod na kayo ng Sosy Problems hangga't showing pa. WORTH IT. :)

6 comments:

  1. We have same sentiments. I always love Star Cinema's movies and always feel disappointed when GMA makes one. Thanks to my friend for inviting me to watch it and from the start tutok na talaga attention namin and i just love the movie! Hoping for part 2! Sana more fashion especially the bags and shoes! and more batuhan ng mga bigating lines na nakakatuwa hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po sa comment! :) Yes actaully mas feel ko nga kung may sequel! :D

      Delete
  2. Actually, all of them did great in portraying their roles. napaka strong ng character ni rhian, bianca is the sweetest, as a newbie in the business, solenn remarkably puts something fresh on the movie. And heart, she's the prowess of them all. No doubts, she was the youngest famas best actress awardee. She is known doing dramas and now what she have shown to everybody is she can do comedy also, very versatile. Yung napanood ng lahat sa movie, that's her. effortless but incredibly amazing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree po with you! I so love Heart, actually sya pinaka favorite ko sa 4 ever since naman. :D Hahaha. Thank you po sa comment! :)

      Delete
  3. heart is the best!!! it was like i am watching her as missy on gmik, and as faye in the movie "trip". parang adult version na si claudia ortega. sosyproblems is more fun to watch and way better than temptation island. looking forward to have its sequel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thankyou po sa comment! Super duper agree with Missy/Faye as the young Claudias! HAHA! :) Super, mas level up lang si Claudia of course! Heart is very cute. Sana nga may sequel! :)

      Delete