Sa pagiging fan ko ng mga Teleseryes, naging hobby ko na rin mangolekta ng mga Teleserye Items. Alam niyo na history niyan, though sige, magpopost ako uli about that sa ibang entry. Maybe next time. Haha. Dahil hindi naman ito ang focus ng blog entry.
Wag na kayo magtaka na ang title ng blog entry na ito ay "Ang nagdala sa akin sa Paraiso..." dahil alam niyo na naman siguro why. Pero sa mga hindi pa nakakaalam (na pwedeng meron kase siyempre readers ko sila but we don't know each other personally haha, or may mamimilosopo na hindi nila alam, or ang daldal ko lang talaga), ito ang mga dahilan.
1. Dahil Paraiso para sa akin ang mga Teleserye.
2. Dahil Paraiso para sa akin ang makarating sa mga events o bagay na may kinalaman sa career at happiness ko (malamang, nasa Paraiso ka ba kung di ka masaya?)
At no. 3. Dahil ang Paraisong tinutukoy ko, ay ang Precious Hearts Romances presents Paraiso.
Okay. So bakit 'Paraiso' ang nagdala sa akin sa Paraiso? Simply because this soap showed the fan in me ng mga teleseryes. Kumbaga ito ang halos kumumpleto sa pagiging fan ko ng mga Teleserye dahil sa mga napuntahan ko at nagawa ko. Una na diyan ang Press Conference na pinuntahan ko dahil ininvite ako ng Head Writer ng show na talagang malaking malaki ang utang na loob ko + nilo-look up kong talaga, si Miss Ruby Leah 'Bing' Castro. :)
Sige, bilang refreshment at dahil di ko talaga makakalimutan ang moment na ito, sariwain natin. :)
Last October 25, 2012 was an unexpected day dahil nga na-invite kami ng bestfriend kong si Cher sa Press Conference ng ABS-CBN. This is the first time na makakarating ulit ako sa ABS-CBN after 7 years. Salamat talaga kay Miss Bing dahil sa opportunity na ito. Nakakatuwa nga dahil isa ito sa inabangan kong PHR na maipalabas na. Akala ko kasi, ito ang papalit sa Lumayo Ka Man Sa Akin, biglang pinalabas ang Hiyas at nag Pintada pa. :) Nameet ko dito ang Directors na sina Direk Rechie del Carmen and Direk Nico Hernandez, PHR Writers Sofia and Dawn Igloria (creator ng Isla Sanctuario, pinagbase ng Paraiso), Jessy Mendiola, Jewel Mische (na nahawakan ko ang iphone), one of my Celebrity Crushes na si Arron Villaflor and siyempre ang mga niloo-look up ko at mga ka-tweet ko lang dati (yung iba haha) na writers na sina Sir Jurey Mirafuentes, Sir Julius Villanueva, Sir Mike Transfiguracion and Miss Bianca Geli at siyempre ang head writer ng show na si Miss Bing. :)
Second naman sa mga nagawa ko para sa show ay ang paggwa ko ng blog entry na may kinalaman sa Paraiso, the Island of Dreams episode ng Jimpy TV. Dito inspired yun e. Hahaha.
Next, as of now, may 2 episode pa lang akong napuputol ang panunuod pero lahat, nasimulan ko. In short, wala pa akong namimiss na episode ng PHR: Paraiso kaya alam na alam ko kung paano umikot ang mga kwento ni Yanie, Brennan, Meagan at Justin. Isama mo na si Cassandra. :)
And last, siyempre, ang pag-attend ko ng Mall Show ng PHR: Paraiso (Love to Love) sa SM Center. Malapit lang siya sa amin kaya ako naka-attend! :) Ang masaya dito, naka-interact ko si Denise Laurel (at binigyan niya ako ng poster! My first official Teleserye poster! Haha! Nagbulungan din kami, nasa stage siya, nasa harap ako pero medyo malayo. Kaya medyo di kami nagkaintindihan, pero okay lang! Haha! :D), nakaholding hands ko si Jewel Mische at ang mas matagal kay Matteo Guidicelli! Naka eye to eye ko pa at mas matagal ng friend ko! :)) Nginitian din kami ni Matt Evans dahil may hawak kaming banner for Justin. :) Pinakamahalagang interaction ko dito was with Matteo, Matt and Denise dahil wala sila nung press con (Matteo had to leave early due to a flight, Matt was facing something, and Denise wasn't a part of the show yet), most especially kay Denise na sobrang paborito ko Click days pa lang. :)
And sa palagay ko, naka-attend man ako ng Press Con or hindi, magiging loyal pa rin ako sa show na ito. :) Dahil paborito ko talaga ang PHR and ito ang isa sa mga inaabangan kong kwento talaga. Huling patawad, nakabili na rin ako ng book nito (well lahat may book ako, and in case di nyo alam, Pintada was based sa Green Meadows ni Arielle, di kasi masyado nasabi while Pintada was airing. Haha.).
Nakakatuwa kasi right after the Press Con, tuloy pa rin ang communication ko with the writers most especially with Miss Bing - na mas naging close ko pa (haha, FC ata ako e. Pero ganun e!) after that. Kaya salamat talaga Miss Bing! Super. And may mga next shows na ang mga bida, Jessy is doing Maria Mercedes, Jewel Mische is said to be doing Apat Na Maria, and Denise is surely a part of the matagal na matagal na inantay na Anna Liza. Itong 3 soaps na ito, sure akong aabangan ko talaga. Malay niyo, dalhin din nila ako sa Paraiso. :)
Kaya naman huwag tayong bibitiw sa Huling 3 Linggo ng Precious Hearts Romances presents Paraiso, weekdays, 3:30 PM sa Kapamilya Gold after May Isang Pangarap. Malay niyo, ito na ang huling PHR dahil walang pinuplug na bago. :) Ito ay ang longest afternoon PHR kaya bongga ito kung last na nga talaga. I ♥ PHR and the best for me will always be Paraiso (kasunod ang Impostor, Lumayo, Midnight Phantom, Kristine, Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin, Love Me Again, Hiyas, Alyna at Pintada). :D
JimpyA.♥
P.S.: Abangan ang pagbabalik ng JIMPY TV, ngayong Abril na! For the meantime, sariwain ang mga old episodes at www.jimpytv.weebly.com! ♥
No comments:
Post a Comment