To refresh your memory mga Manash, ang kuwento ng Apoy Sa Dagat ay tungkol sa kambal na sina Rosanna at Rebecca na nagkahiwalay dahil sa isang aksidente na gawa ni Adrianna. Na-amnesia si Rosanna kaya nakilala siya bilang si Serena habang si Rebecca naman ay ni-raise sa marangyang buhay pero hirap siyang makuha ang attention and approval ng kanyang lolang si Donya Ildefonsa.
May mangyayaring trahedya na magiging dahilan para mawala si Rebecca, at magpanggap si Serena bilang Rebecca, na makaka-apekto sa pag-iibigang Ruben at Serena, at Rebecca at Anton.
THE CAST:

Piolo Pascual as Ruben Manubat
Diether Ocampo as Anton Lamayre
Aiko Melendez as Odessa Villarosa del Sol
Angel Aquino as Adrianna Lamayre
Liza Lorena as Ildefonsa del Sol
Freddie Webb as Manolo Lamayre
Perla Bautista as Lornita Mirasol
Sylvia Sanchez as Tessie / Calixta Caballero
Ricardo Cepeda as Benedict D. Manubat
Eric Fructuoso as Tristan Corpuz
Iya Villania as Helena Redentor
Melai Cantiveros as Paprika "Pops" Mendoza
Regine Angeles as Kara
Bryan Santos as Orwell
Zeppi Borromeo as Balong
Rico Barrera as Lando
Alizon Andres as Tomas
Moi Marcampo as Piper
Natasha Cabrera as Flor
Crispin Pineda as Juancho
Special Participation:
Nikki Gil as young Odessa
Empress as young Adrianna
Patrick Garcia as Alberto del Sol
Isabel Rivas as young Ildelfonsa
Sharmaine Suarez as young Lornita
Okay, so siyempre, kaya nga magpa-pay tribute, dahil sasariwain natin ang mga naging memories natin sa Apoy sa Dagat. To be honest, baka konti lang ang maibigay ko dahil may mga episodes na na-miss ko... PERO here ang ilan sa mga memories ng ASD!
- The face-off of Young Adrianna and Young Odessa na if I am not mistaken, umabot pa sa akmaan ng kutsilyo.
- Ang sobrang intense na ship scene kung saan kinasal si Odessa at Alberto, pagkakahiwalay ni Odessa, Rosanna at Rebecca, pagkamatay ni Alberto na kagagawan lahat ni Adrianna.
- Ang ka-awa-awang young Ruben who was never loved by his Father, trying his best to learn the alphabet, etc.
- Ang pagkakadevelopan ni Serena at Ruben, lalo na yung galit na galit si Serena when she thought Ruben slept with another woman.
- Ang first encounter ni Anton at Rebecca.
- Ang pagkakastuck ni Anton at Rebecca, na nasira pa ni Rebecca yung ship figurine na very sentimental kay Anton.
- The flashback showing Anton's past life na nahiwalay sa kanya ang anak niya at hiniwalayan siya ng asawa niya.
- Ang engagement party ni Anton at Rebecca, sabay pakita ng video ni Rebecca and the character played by Justin Cuyugan.
- The scenes of Kara na galit na galit din sa mga kaaway ni Rebecca. Haha.
- Ang pagkikita ni Rosanna at Rebecca...then in a few minutes, nagkakidnapan, nagkahulugan sa river, napeste si Rebecca. Di ako nakatulog sa episode na ito. Tapos Friday pa nangyari, sige 2 days akong bothered!
- Kinuha ni Tristan at Helena si Serena, in-orient sa buhay ni Rebecca.
- Ang pagbabalik ni Serena bilang si Rebecca, ang reaksyon ni Donya Ildefonsa, ni Tessie na nahimatay himatay pa, at ang kaba ni Adrianna.
- Ang pagsunod-sunod ni Ruben (na walang hair) kay Rebecca (Serena) at ang kanilang adventure sa may outing with Paps.
- Ang transformations ni Adrianna. From Empress to Angel, from Adrianna to Andeng, from Andeng back to Adrianna, and from black hair to blondie!
- Ang transformation din ni Odessa! From kunyaring janitress to a real rich woman.
- Ang pagpapanggap din ni Tessie bilang si Calixta.
- Ang unti-unting pagkakadevelopan ni Serena at Anton. Isama pa yung accidentally nagkiss sila and alam na ni Anton yung totoo.
- Yung nagkaaminan na si Serena at Ruben, at pigil na pigil sila sa bahay ni Anton dahil baka marinig ni Tristan.
- Ang mga twists and turns sa kwento! Yung mga tipong di mo alam that it's coming, lalo ka na Orwell! Kala ko bait bait mo, haha! Well at least may redemption sa end. :)
- Ang muling pagpapakita kay Rebecca del Sol. Ang revelation na si Orwell, Tristan at Helena ang may pakana. At ang pagbabait-baitan ni Helena. Sobra sobrang love ko si Helena tas ganun. Shuuuucks!
- Ang unang attempt ng pagtakas ni Rebecca, sabay nahuli siya ni Helena oh. Aruy!
- Ang succcessful attempt na ni Rebecca na pagtakas. Kawawa yung mama eh, inuntog.
- Ang meeting nina Benedict, Serena, Ruben, Nay Lornita at Odessa.
- Ang pagbabalik ni Rebecca del Sol sa mansyon. Ang gulat ni Adrianna. Ang paglunod ni Rebecca kay Adrianna sa mga natunaw na yelo, at ang pagkakahuli ng mga pulis kay Adrianna.
- Ang pagkakauntog ni Serena at pagkakatanda niya sa lahat ng pangyayari sa barko.
- Ang pasabog na finale! APOY o DAGAT?!

To the writers Sir Arden, Sir Sonny, Sir BJ, Miss Rona, Miss Eds and Sir Lester, congratulations, waging wagi kayo. Di ko to nasabi ata in person pero I swear, nag-enjoy ako kahit sumakit ang ulo ko sa soap dahil sa sobrang dami ng twists and turns ng kwento. Ang galing galing! <3 p="">

To Miss Angel Aquino, winner na winner ka! Lahat lahat lahat ng roles na nagawa mo talagang tumatak. At isa itong si Adrianna. Looking forward sa next serye mo. :)
To Miss Aiko Melendez, congratulations din po Odessa! From Catherine Villamayor and Margareth Posadas na talagang pawang mga walanghiya (sasabihin ko sana lalo na si Margareth dahil naaawa ako kay Holly! At least si Catherine may bait! Haha!), nagawa mong ibahin ang atake kay Odessa and I love her, winner na winner! <3 p="">
To Direk FM Reyes, Direk Nick Olanca and Direk Rechie del Carmen, congratulations po for putting up a great show. Direk FM, I always love your masterpieces (Jusko, kung sino man ang hindi minahal ang Maging Sino Ka Man...nako, maging sino ka man, nagkakamali ka!) and you never failed in making a great show. Eto po pala yung twineet niyo sa akin that you're starting a new show na parang MSKM and panalong panalo! Congratulations po talaga! :)
Nagwakas man ang Apoy Sa Dagat, I'm sure tumatak pa rin 'to dahil nagawa nitong paapuyin ang dagat na parang malayo sa katotohanan! <3 :="" ako="" at="" forever="" hahaha.="" kailangan="" kita.="" lss="" p="" pa="" rin="" sa="">
3>3>3>
Images Courtesy of Google and ABS-CBN
No comments:
Post a Comment