Showing posts with label Aiko Melendez. Show all posts
Showing posts with label Aiko Melendez. Show all posts

Sunday, July 14, 2013

Jimpy Loves TV Specials: A Tribute to Apoy Sa Dagat

Two Fridays ago (July 5), nagwakas na ang isa sa mga inabangang teleserye ng ABS-CBN, ang Apoy Sa Dagat. Nagsimula ito noong February 11 at natapos ng July 5 after 20+ weeks of airing.

To refresh your memory mga Manash, ang  kuwento ng Apoy Sa Dagat ay tungkol sa kambal na sina Rosanna at Rebecca na nagkahiwalay dahil sa isang aksidente na gawa ni Adrianna. Na-amnesia si Rosanna kaya nakilala siya bilang si Serena habang si Rebecca naman ay ni-raise sa marangyang buhay pero hirap siyang makuha ang attention and approval ng kanyang lolang si Donya Ildefonsa.

May mangyayaring trahedya na magiging dahilan para mawala si Rebecca, at magpanggap si Serena bilang Rebecca, na makaka-apekto sa pag-iibigang Ruben at Serena, at Rebecca at Anton.