Showing posts with label 60 Years of Pinoy Soap Opera. Show all posts
Showing posts with label 60 Years of Pinoy Soap Opera. Show all posts

Monday, February 17, 2014

Teleserye Throwback: 60 Years of Pinoy Soap Opera

Noong 2010, ipinagdiwang ng ABS-CBN ang 60 Years of Pinoy Soap Opera by offering Teleseryes with great stories and high production value. Iba-ibang genre rin ang inoffer nila - from drama to action to fantaserye to remakes ng movies, comics, latinovelas and books.


Nagsimula ang pinoy soap opera noong 1949 sa radio via the popular Gulong ng Palad. And then it expanded into television noong 1960s via the first TV soap opera in the Philippines - Hiwaga sa Bahay na Bato. Simula noon, nagsunod-sunod na ang mga bigating TV dramas, una na diyan ang binasagang Ina ng Pinoy Soap Opera na Mara Clara noong 1992, Mula sa Puso at Esperanza noong 1997.

2000 naman nang unang marinig ang term na TELESERYE via Pangako Sa'Yo - ang kauna-unahang venture ng Star Cinema sa pagpo-produce ng TV Dramas. Nasundan ito ng Kay Tagal Kang Hinintay, Darating ang Umaga, at Bituin.

Sa GMA naman, VIVA Entertainment ang katuwang nila sa pagpo-produce ng kanilang mga TV Dramas - Villa Quintana, Ikaw na Sana and Anna Karenina to name a few. Noong 1999 naman sila gumawa ng sarili nilang TV Drama with Di Ba't Ikaw. Nasundan ito noong 2001 ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, Sana Ay Ikaw Na Nga at Ang Iibigin Ay Ikaw.