Showing posts with label Maja Salvador. Show all posts
Showing posts with label Maja Salvador. Show all posts

Monday, February 17, 2014

We Review: The Legal Wife's First Two Weeks

Noong January 27, sa wakas ay umere na ang isa sa pinaka-inaabangang teleserye ng ABS-CBN, ang The Legal Wife. The soap stars Jericho Rosales, Maja Salvador, new Kapamilya JC De Vera and the primetime comeback of Angel Locsin. Kasama rin nila rito sina Christopher de Leon, Mark Gil, Rio Locsin, Joem Bascon, Ahron Villena at marami pang iba. Ang The Legal Wife ay under sa Star Cinema TV Unit at sa direksiyon nina Rory B. Quintos (Kristine, Maria la del Barrio) and Dado C. Lumibao (Princess and I and MMK).


On the first week of The Legal Wife, ipinakita ang nakaraan ni Monica (Angel Locsin) as Ikay (Xyriel Manabat as young) kasama si Eloisa (Neri Naig to Rio Locsin) at ang nakilala niyang ama na si Dante (Matt Evans to Mark Gil). Masaya silang magkakasama pero maaaksidente si Ikay kaya kinakailangan na nilang bumalik ni Eloisa sa tunay nilang pamilya - si Javier (Joem Bascon to Christopher de Leon) at ang dalawa pang kapatid ni Monica na si Javi (Joem Bascon) at Jasper (Ahron Villena). After years, lalaki si Monica na laging pinapatunayang ang sarili niya sa kanyang ama at Kuya Javi na malaki ang galit sa kanila ni Eloisa.

Monday, January 20, 2014

Something New: ABS-CBN's The Legal Wife


Sa wakas at eere na ang isa sa mga pinaka-inaabangang teleserye sa ABS-CBN, ang THE LEGAL WIFE. Ito ang pagbabalik primetime ni ANGEL LOCSIN kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador at bagong kapamilyang si JC De Vera. Kasama rin rito ang mga nagbabalik kapamilyang sina Rio Locsin, Mark Gil at nagbabalik teleseryeng si Christopher de Leon.

Ang kuwento ng The Legal Wife ay tungkol sa journey ng character ni Angel Locsin (as Monica) matapos madiskubreng may kabit ang asawa niyang si Adrian (Jericho Rosales) at ito ay ang kanyang bestfriend na si Nicole (Maja Salvador) habang pinapatunayan ang sarili sa kanyang ama (Christopher de Leon).

October 2013 pa lang ay pinapakita na ang mga teaser nito sa telebisyon kaya naman mas excited talaga ang mga viewers dahil matagal rin nilang inantay si Angel Locsin na bumalik sa Primetime TV. And after the release of its full trailer last January 1, nag-spawn na at naging viral ang mga memes ng sampalang eksena nina Angel Locsin at Maja Salvador. Ang theme song naman ay Hanggang Kailan Kita Mamahalin sung by Angeline Quinto.

Sunday, September 15, 2013

Teleserye Throwback: Impostor


May 2010 nang ipagdiwang ng Precious Hearts Romances ang una nilang anibersaryo bilang isang full-fledged afternoon soap. If you will remember, PHRs are stories from novels serialized for Television. Kaya naman ang handog nila ay ang isa sa best-selling PHR Novels written by Martha Cecilia, ang IMPOSTOR. Ito rin ay naging parte ng selebrasyon ng ikaw-60 Taon ng Pinoy Soap Opera. Nagpremiere ito ng May 17, 2010 at natapos ng September 17, 2010.

Ang Impostor ay pinagbidahan nina Maja Salvador bilang Devin at Mariz, Sam Milby bilang Anthony, Precious Lara Quigaman bilang Monique at ipinakilala sina PBB Double Up Big Winner Melai Cantiveros as Devin and PBB Alum Jason Francisco bilang Popoy. Ito ay sa direksiyon ni Direk Jerome Chavez Pobocan (May Bukas Pa, Mara Clara, Nasaan Ka Elisa) and Direk Neal Felix Del Rosario (Alyna, Angelito, Oka2Kat). Ang creative team naman ay composed of Mr. Willy Laconsay (headwriter; creative manager of Angelito, Annaliza), Ms. Tanya Winona Bautista (A Beautiful Affair, Mana Po), Ms. Bing Castro (Alyna; headwriter Hiyas and Paraiso), Mr. Ruel Montanez (headwriter Lumayo Ka Man Sa Akin; writer Angelito 2), and Mr. Mark Anthony Bunda (contributing writer - Tayong Dalawa, Kung Tayo'y Magkakalayo)


Sunday, August 25, 2013

Teleserye Throwback: Pangarap na Bituin



After the success of the first musical serye Bituin, and the TV adaptation of Bituing Walang Ningning, muling naghandog noong 2007 ang ABS-CBN ng isang musically-inspired showbiz-themed Teleserye, ang Pangarap na Bituin. Pinagbidahan ito nina Rica Peralejo, Maja Salvador, Jericho Rosales at ang nagbabalik-primetime after Bituing Walang Ningning na si Sarah Geronimo. Kasama din nila dito sina Nikki Gil, Rio Locsin, Joel Torre, Cherry Pie Picache, John Arcilla, Pooh, Jay-R Siaboc, Alex Gonzaga, William Lorenzo, Heart Evangelista, Nikki Bacolod, Jaime Fabregas at Sandy Andolong. Ito ay sa panulat nila Philip King at Reggie Amigo at sa direksiyon nina Erick Salud at Trina Dayrit.