Showing posts with label Sam Milby. Show all posts
Showing posts with label Sam Milby. Show all posts
Sunday, September 15, 2013
Teleserye Throwback: Impostor
May 2010 nang ipagdiwang ng Precious Hearts Romances ang una nilang anibersaryo bilang isang full-fledged afternoon soap. If you will remember, PHRs are stories from novels serialized for Television. Kaya naman ang handog nila ay ang isa sa best-selling PHR Novels written by Martha Cecilia, ang IMPOSTOR. Ito rin ay naging parte ng selebrasyon ng ikaw-60 Taon ng Pinoy Soap Opera. Nagpremiere ito ng May 17, 2010 at natapos ng September 17, 2010.
Ang Impostor ay pinagbidahan nina Maja Salvador bilang Devin at Mariz, Sam Milby bilang Anthony, Precious Lara Quigaman bilang Monique at ipinakilala sina PBB Double Up Big Winner Melai Cantiveros as Devin and PBB Alum Jason Francisco bilang Popoy. Ito ay sa direksiyon ni Direk Jerome Chavez Pobocan (May Bukas Pa, Mara Clara, Nasaan Ka Elisa) and Direk Neal Felix Del Rosario (Alyna, Angelito, Oka2Kat). Ang creative team naman ay composed of Mr. Willy Laconsay (headwriter; creative manager of Angelito, Annaliza), Ms. Tanya Winona Bautista (A Beautiful Affair, Mana Po), Ms. Bing Castro (Alyna; headwriter Hiyas and Paraiso), Mr. Ruel Montanez (headwriter Lumayo Ka Man Sa Akin; writer Angelito 2), and Mr. Mark Anthony Bunda (contributing writer - Tayong Dalawa, Kung Tayo'y Magkakalayo)
Sunday, September 8, 2013
Teleserye Throwback: Maging Sino Ka Man
October 2006 nang magsimula ang isang kwento na magpapakita ng iba't ibang klase ng pag-ibig, ang teleseryeng binansagan rin bilang susunod na "Pangako Sa'Yo", ang MAGING SINO KA MAN. Ito ay pinagbidahan nina Bea Alonzo as Jackie, Anne Curtis as Celine, Sam Milby (in his first teleserye) as JB and John Lloyd Cruz as Eli. Kasama rin dito sina Chin-Chin Gutierrez, Glenda Garcia, Bing Pimentel, Irma Adlawan, Dick Israel, Smokey Manaloto and in his first project that time as a Kapamilya, Mr. Christopher De Leon. Ito ay sa panulat nina Shaira Mella, Generiza Reyes and Jay Fernando, with Ricky Lee as Creative Manager. And ito ay idinirehe nina Direk FM Reyes and Direk Mae Czarina Cruz.
Sunday, August 25, 2013
Finale Tribute: Huwag Ka Lang Mawawala
Eto na ang pangatlong post ko about this show sa blog na ito. Haha. Una sa Something New, sumunod ang pilot week review, at ngayon, Finale Tribute na. Ermehgerd.
Nagwakas na last Friday ang 10-week old teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala, ang comeback teleserye ng nag-iisang reyna ng Pinoy Soap Opera Miss Judy Ann Santos. Nag-umpisa ito noong June 17 at nagwakas nitong Friday, August 23.
Bilang 3rd entry ko na ito re the show, pwedeng wag ko na masyado ikwento? Hahaha. Joke! Pero ang show ay tungkol sa women empowerment. Ang HKLM ay tungkol kay Anessa Panaligan, na handang ipaglaban ang karapatan niya bilang babae at bilang ina laban sa ama ng kanyang anak na si Eros.
Nagwakas na last Friday ang 10-week old teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala, ang comeback teleserye ng nag-iisang reyna ng Pinoy Soap Opera Miss Judy Ann Santos. Nag-umpisa ito noong June 17 at nagwakas nitong Friday, August 23.
Bilang 3rd entry ko na ito re the show, pwedeng wag ko na masyado ikwento? Hahaha. Joke! Pero ang show ay tungkol sa women empowerment. Ang HKLM ay tungkol kay Anessa Panaligan, na handang ipaglaban ang karapatan niya bilang babae at bilang ina laban sa ama ng kanyang anak na si Eros.
Sunday, June 23, 2013
We Review: Huwag Ka Lang Mawawala's Pilot Week
Noong Lunes, nagsimula na ang pag-ere ng Teleseryeng babago sa mukha ng kababaihan, at ang pagbabalik ng Reyna ng Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos, ang Huwag Ka Lang Mawawala.
At dahil nasa Something New na last week ang cast at premise ng soap na ito, ikekwento ko na lang sa inyo ang mga naganap sa unang linggo nito.
At dahil nasa Something New na last week ang cast at premise ng soap na ito, ikekwento ko na lang sa inyo ang mga naganap sa unang linggo nito.
Nagbukas ang serye sa pag-alis ni Anessa Panaligan sa asinan para mag-OFW. Pero, naloko sila ng nagrecruit sa kanila. Kaya kinakailangang magtrabaho ni Anessa para matubos ang lupang isinanla nila. Dumating naman sa buhay niya si Eros Diomedes, isang lalaking gustong bilhin ang lupa nila. Ayaw sana ni Anessa na ipagbili ang kanilang lupa pero nagkasakit ang ina niya at kinailangan ng pera. Kaya napagdesisyunan niyang ibenta na ito kay Eros. Pero pagkatapos noon, umusbong ang pag-iibigan sa pagitan ni Eros at Anessa. Unfortunately, hindi naging pabor ang mga magulang ni Eros kay Anessa, at kinailangan ring magtago ni Eros para maprotektahan si Anessa. Kaya sa una sana nilang date, nagsinungaling si Eros at hindi niya sinipot si Anessa. Nakatunog naman si Anessa at Nancy kaya pinuntahan nila si Eros sa Manila. But unfortunately, ang tatay ni Eros na si Romulos ang nakasalubong ni Anessa. Ininsulto ni Romulos si Anessa so she decided to leave the place pero hinabol siya ni Eros at sinabi niya kung gano niya kamahal si Anessa, to the point na inaya niya itong magpakasal. Alexis, Eros' bestfriend sees this, na matagal nang may gusto sa kanya. Hindi pa rin pumayag si Anessa.
Subscribe to:
Posts (Atom)