Sunday, February 26, 2012
Birthday Chronicles 2012 Part 1: The Ultimate Gift
Masyado akong excited.
Sa pagkakaalam ko, February 26, 2012 pa lang ngayon. Sunday din.
But I am already looking forward sa birthday ko. As in. :)
Part 1 pa lang to ng excitement, at magcocountdown tayo kada blog entry na magagawa ko. :) so today is Feb. 26, 132 days before my birthday! :)
Well, yung part 1 is for my wishlist, pero yung mga material na bagay muna, yung mga ireregalo ko sa sarili ko at siyempre, mga ireregalo niyo! :) Actually, nagawa ko din agad to para maihanda na kayo sa mga gusto ko sa birthday ko, dahil NO GIFT, NO ENTRY ang drama ko. :)
Anyway, hatiin natin sa dalawa.Gift ko sa sarili ko, gift niyo sa akin. :)
GIFTS SA SARILI
--> Mga tipong pag-iipunan ko muna. :) Talaga kasing every birthday ko, nagreregalo ako sa sarili ko. Pero parang last year ata wala. Haha. Ang alam kong nung 2007, na ang birthday ko din ay Linggo, ako nagregalo sa birthday ko ng bongga. Haha. Secret na lang kung ano yun. Ngayon gusto ko dalawa ang gift ko para sa sarili ko, para yun ang una't huli kong bubuksan. Anyway eto yung possible na maging gift ko sa sarili ko.
1st Gift: Minsan Lang Kita Iibigin DVD Volume 1-5 or 6-10. 899 Php yan. Grabe. Pero magkakasama na kasi sa isa yung Vols. 1-5 kaya mahal! :) Kaya kailangan ng bonggang ipunan, so sa 133 days before, kailangan kong i-compute kung magkano dapat i-save ko para makuha ko yan! Gustong gusto ko niyan kasi nga diba collection ko ang teleserye. So yan ang gusto kong iregalo ko sa sarili ko, kasi mahal talaga. If ever man na nakapag-ipon na ako ahead of my birthday, I will buy agad kung anong available kasi baka mamaya maubos yan sa birthday ko. Tapos gusto ko ibabalot ko siya at yan ang huli kong bubuksan dahil special yan. :)
2nd Gift: Kokey DVD. Yan naman, 799 Php. Eto siguro ang una kong bubuksan, kasi huli yung isa eh! Haha! :) Matagal ko na din kasing gusto yan, kaya nga ngayon I have to track my expenses para mabili tong dalawang DVD eh. Tapos etong Kokey, nag-iisa na lang yan eh! HAHA! So bongga lang. :D
At ngayon, pinag-iisipan ko na, kung ano talaga ang bubuksan kong una o huli, bahala na. :) At pwede pang maiba yan dahil baka may lumabas pang ibang collectibles in the coming weeks, months. Tagal pa kaya ng birthday ko! :)
GIFTS NIYO SA AKIN
--> Ang dami kasing nagtatanong madalas sakin, ano gusto mong regalo sa birthday mo? Ano gusto mo? Kahit yung iba naman talaga di naman nagbibigay, pautot lang! HAHA! :) Pero in case na interesado kayong bigyan ako ng regalo. Eto na! :)
1. Maging Sino Ka Man Volume 13 DVD (Php 150, SM Dept. Store or Odyssey outlets, but rare)
2. Sam Concepcion's Albums: Pop Class and Forever Young. (Php 250 and 200, Odyssey)
3. Tayong Dalawa Volumes 5-17 and 19 DVD (Php 150 each, SM Dept. Store or Odyssey outlets)
4. Imortal Volumes 2-9 DVD (Php 199 each, SM Dept. Store or Odyssey outlets)
5. Sineserye: Patayin Sa Sindak Si Barbara, Maligno (Php 250 each, Odyssey outlet particularly at Alabang Town Center)
6. Annebisyosa album (Php 250 at Odyssey outlets)
7. Cellphone (C3 Pink or Blackberry)
8. Any Pink Ballpen, but at least Three please. :)
Actually, di ako ganoon ka choosy sa gifts, pero I really prefer if it's a teleserye collectible. :) Kasi grabe talaga that's my wish, na dumami pa ng dumami collection ko. :) So please, kung reregaluhan niyo ko, para wala ng disappointment, eto na! :) Pag nadagdagan yan, UPDATE agad.
And I'll continue posting Birthday Chronicles hanggang sa magbirthday ako para enjoy talaga! :) At uulit ulitin ko tong post na to, para maremind kayo sa mga wish ko! :) Hahaha. :)
But we really all know the ultimate gift is your love my dear beautiful friends! :) Kaya just show me some love at i-greet nyo ko sa birthday ko! HAHA! :)
---
*END*
BIRTHDAY CHRONICLES PART 1
PIPAY♥ 2/26/12, 12:55 PM
"THE ULTIMATE GIFT"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment