Showing posts with label Birthday Chronicles 2012. Show all posts
Showing posts with label Birthday Chronicles 2012. Show all posts

Sunday, July 15, 2012

Seventeen.

Seventeen.

Yes. Seventeen Years Old na ako. How fast time flies..

Before, duduwag duwag lang ako. Feeling ko pag madadapa ako, mamamatay na ako. Iiyak agad. Ngayon pag madadapa, tatawanan na lang.

Before, Mula Sa Puso lang at Esperanza ang pinapanuod kong teleserye. Ngayon May 1 sa umaga, 6 sa tanghali, 8 sa gabi.

Before, mahiyain ako sa picture, ngayon, camwhore na. HAHA!

And now that I am 17, I want to have reformations and changes. So I present to you the 17 Rules I would like to live by at 17. :)


Now that I am 17, marami rin akong mga bagay na gustong matutunan, and now, I am really into arts. Kaya thank you to Ate Bea sa bigay niyang sketch pad, because I want to learn how to draw...yung maayos! :)


Now that I am 17, ilang years na lang at gagraduate na ako, and everyone knows that I dream of working sa TV Networks. Kahit saan! Kaya iwas bias na sa TV Networks kahit Kapamilya ako. At sismulan ko yan sa panunuod ng Amaya via the DVDs, tutal, it created a history on TV as the first Epic-Serye, plus, historical pa siya! Thank you to my Girlfriends JC, Sarah, Eva, Kathryn and Cher for the DVDs!


Now that I am 17, I will enhance more my writing skills, at bobonggahan ko na! Dati kasi feel ko, wala akong talent, so why not enhance it, mapa-script, mapa-journal or essay. Kahit ano keri! :)


Now that I am 17, tuloy tuloy pa rin ang pagkolekta ko sa aking mga babies, ang aking Teleserye Collection! And hindi lang sila basta collection, sila ngayon ay mga talagang anak ko na! Thank you kay Ate Mae for my new addition: Love Songs from Princess & I!


Now that I am 17, mangongolekta ako yes, pero bibili lang ako if I think that I had a job well done. Walang gastos kung hindi deserve, and since it's my birthday, I deserve naman to buy a gift for myself diba! At himala yan dahil Album ng Kapuso! Mga Awit Kapuso Volume 3!


Here are my gifts from my friends, and from ABS-CBN!



And my Message to all my friends and loved ones!


Extra Large yan para mabasa ha! HAHA! And finally...


-->JimpyA.♥

Tuesday, February 28, 2012

Birthday Chronicles Part II: Challenges



Last Sunday night, I tagged some of my friends, who are really close to my heart, to give me some challenges na gagain ko before I turn 17. It must be something different, but conservative, and walang perang kailangan. Hahaha. :)) And after the Holy Week, dapat napagdesisyunan ko na ang 17 CHALLENGES na dapat kong gawin, at magpeprepare ako so sa May ako magsastart. :)

So far, may mga napupusuhan na akong challenge na gagawin. And nakakaloka lang, dahil yung isang challenge na binigay sa akin, aminin ko daw yung churva. Hahaha. Malamang alam niyo na yung churvang yun. :D Yan ang pinaka pinag-iisipan ko ngayon, gagawin ko ba. Hahaha! :)

Anyway, sana may mga magbigay pa ng mga challenges sa akin. Yung nakakaamaze and makakapaguplift ng buhay ko. Hahaha. Ilang days na lang, birthday ko na! Actually MONTHS pala. Hahaha! :))



---
*END*
BIRTHDAY CHRONICLES PART 2
PIPAY♥ 2/28/12 12:34 AM
"CHALLENGES"

Sunday, February 26, 2012

Birthday Chronicles 2012 Part 1: The Ultimate Gift


Masyado akong excited.

Sa pagkakaalam ko, February 26, 2012 pa lang ngayon. Sunday din.

But I am already looking forward sa birthday ko. As in. :)

Part 1 pa lang to ng excitement, at magcocountdown tayo kada blog entry na magagawa ko. :) so today is Feb. 26, 132 days before my birthday! :)

Well, yung part 1 is for my wishlist, pero yung mga material na bagay muna, yung mga ireregalo ko sa sarili ko at siyempre, mga ireregalo niyo! :) Actually, nagawa ko din agad to para maihanda na kayo sa mga gusto ko sa birthday ko, dahil NO GIFT, NO ENTRY ang drama ko. :)

Anyway, hatiin natin sa dalawa.Gift ko sa sarili ko, gift niyo sa akin. :)

GIFTS SA SARILI
--> Mga tipong pag-iipunan ko muna. :) Talaga kasing every birthday ko, nagreregalo ako sa sarili ko. Pero parang last year ata wala. Haha. Ang alam kong nung 2007, na ang birthday ko din ay Linggo, ako nagregalo sa birthday ko ng bongga. Haha. Secret na lang kung ano yun. Ngayon gusto ko dalawa ang gift ko para sa sarili ko, para yun ang una't huli kong bubuksan. Anyway eto yung possible na maging gift ko sa sarili ko.

1st Gift: Minsan Lang Kita Iibigin DVD Volume 1-5 or 6-10. 899 Php yan. Grabe. Pero magkakasama na kasi sa isa yung Vols. 1-5 kaya mahal! :) Kaya kailangan ng bonggang ipunan, so sa 133 days before, kailangan kong i-compute kung magkano dapat i-save ko para makuha ko yan! Gustong gusto ko niyan kasi nga diba collection ko ang teleserye. So yan ang gusto kong iregalo ko sa sarili ko, kasi mahal talaga. If ever man na nakapag-ipon na ako ahead of my birthday, I will buy agad kung anong available kasi baka mamaya maubos yan sa birthday ko. Tapos gusto ko ibabalot ko siya at yan ang huli kong bubuksan dahil special yan. :)

2nd Gift: Kokey DVD. Yan naman, 799 Php. Eto siguro ang una kong bubuksan, kasi huli yung isa eh! Haha! :) Matagal ko na din kasing gusto yan, kaya nga ngayon I have to track my expenses para mabili tong dalawang DVD eh. Tapos etong Kokey, nag-iisa na lang yan eh! HAHA! So bongga lang. :D

At ngayon, pinag-iisipan ko na, kung ano talaga ang bubuksan kong una o huli, bahala na. :) At pwede pang maiba yan dahil baka may lumabas pang ibang collectibles in the coming weeks, months. Tagal pa kaya ng birthday ko! :)

GIFTS NIYO SA AKIN
--> Ang dami kasing nagtatanong madalas sakin, ano gusto mong regalo sa birthday mo? Ano gusto mo? Kahit yung iba naman talaga di naman nagbibigay, pautot lang! HAHA! :) Pero in case na interesado kayong bigyan ako ng regalo. Eto na! :)

1. Maging Sino Ka Man Volume 13 DVD (Php 150, SM Dept. Store or Odyssey outlets, but rare)
2. Sam Concepcion's Albums: Pop Class and Forever Young. (Php 250 and 200, Odyssey)
3. Tayong Dalawa Volumes 5-17 and 19 DVD (Php 150 each, SM Dept. Store or Odyssey outlets)
4. Imortal Volumes 2-9 DVD (Php 199 each, SM Dept. Store or Odyssey outlets)
5. Sineserye: Patayin Sa Sindak Si Barbara, Maligno (Php 250 each, Odyssey outlet particularly at Alabang Town Center)
6. Annebisyosa album (Php 250 at Odyssey outlets)
7. Cellphone (C3 Pink or Blackberry)
8. Any Pink Ballpen, but at least Three please. :)

Actually, di ako ganoon ka choosy sa gifts, pero I really prefer if it's a teleserye collectible. :) Kasi grabe talaga that's my wish, na dumami pa ng dumami collection ko. :) So please, kung reregaluhan niyo ko, para wala ng disappointment, eto na! :) Pag nadagdagan yan, UPDATE agad.



And I'll continue posting Birthday Chronicles hanggang sa magbirthday ako para enjoy talaga! :) At uulit ulitin ko tong post na to, para maremind kayo sa mga wish ko! :) Hahaha. :)

But we really all know the ultimate gift is your love my dear beautiful friends! :) Kaya just show me some love at i-greet nyo ko sa birthday ko! HAHA! :)

   ---
*END*
BIRTHDAY CHRONICLES PART 1
PIPAY♥ 2/26/12, 12:55 PM
"THE ULTIMATE GIFT"