Masarap sa feeling na...
Yun bang lahat ng hardwork mo sa buhay, nagpa-pay-off, at alam mong konting kembot na lang, tapos na to...
Yun bang may mga taong nakaka-appreciate sayo kahit napakadami mong pagkukulang...
Yun bang hindi ka nakaramdam ng insecurity sa iba, maaaring nainggit ka, pero hindi yung umabot sa point na umapak ka ng tao dahil sa inggit...
At yun bang kaya hindi ka nai-insecure o naiinggit sa buhay ng iba kasi alam mong may pinanghahawakan kang alam mong wala ang karamihan kaya proud na proud ka sa sarili mo...
Kasi ako, nararamdaman ko yan lahat, ngayon, lalo na yung last 2 parts...
Believe it or not, yes, I was never insecure. Alam mo naman kasi sa sarili mo yun diba. Maaaring ang iba, sabihin na insecure ka kay ganito kasi inaaway mo siya lagi dahil maganda siya or matalino siya. Ako pag nang-a-away ako ng maganda or matalino, inaamin ko naman I do that, pero trip lang yun, no INSECURITIES involved.
Pero bakit nga ba hindi ako naiinsecure? Kasi nga may pinanghahawakan ako. E ano yun?
Yun ay ang pagiging totoo ko sa sarili ko. PERO WAIT. Siyempre may disagree. Paano ka naman naging totoo sa sarili mo? Well, eto mga dahilan niyan, at sasabihin ko rin kung pano ko nalaman. :)
Lahat tayo, dumadaan sa stage na DENIAL STAGE. Yes, kailangan mo munang i-deny sa iba at sa sarili mo Ng mga bagay na alam mong meron ka pero nahihiya, or may humaharang para aminin mo. And ako, so far, 2 bagay yung naiisip ko na dumaan ako sa denial stage bago ko sinabi sa sarili kong, "Ah. Eto ako."
UNA. Na JOLOGS ako. Pero hindi jejemon ha. Haha. Jologs lang. Pero actually ewan ko ba kung Jologs tawag dun e. Anyway, sabi nung iba, jologs daw na mahilig ako sa Teleserye, na bakit daw hindi ako nanunuod ng mga English, chenes chenes and all. Actually dati, mahilig naman ako or gusto ko talaga. Pero dumating sa point na, yes inaamin ko, for 'pasikat' purposes lang siya dahil yun ang 'IN'. Pero na-realize ko na hindi pala dapat ganoon. Na hindi mo kailangan sumunod sa gusto ng society para sayo dahil unang-una, buhay mo yan e. Walang pakialamanan diba! At pangalawa, mahirap gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto. :) kaya eto ako ngayon, teleserye fan, local movie fan. At naniniwala ako na hindi ka Jologsan yan at hindi 'yuck' manuod ng local. I just called it Jologs kasi, that's how mosg people view it e. Wala akong magagawa. At least, wala akong colonial mentality, mahal ko ang gawa natin, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang magpanggap na sosyal ako or what. Yung iba kasi, makapagsabi lang, kala mo sinong sosyal, di naman bagay! Hahaha.
PANGALAWA. Ang aking sexual preference. Yes, tahasan kong inaamin, at hindi ko na kailangang itago pa, oo naman bading ako! Beki, gay, bakla, binabae, lahat na ng terms niyo! Hahaha. At oo siyempre talagang dumaan ako sa denial stage diyan! Pero hindi ko naramdaman sa sarili ko na ayaw ko ito at kailangang kong pigilan. Dinedeny ko lang for the sake of my self, para di na ako i-bully, di na ako asar-asarin. But then again I realized, mali. Hanggang sa nagising ako isang araw na let it out. Honestly di nga ako dumating sa point na nag-soul searching e. Basta na lang ako nagkaroon ng gwapong crush at isinigaw ko sa classroom. Yun na lahat. Idedeny ko pa ba? E bago ako mangolekta ng teleserye, paperdolls kinokolekta ko e. May toy cars nga ako, pero ang laro ko naman, teleserye. Binabangga ko yung mga kotse tapos kunyari sasabog. Yung comforter kunyari yung usok at apoy. At yang comforter na yan, ginawa ko pang gown yan. And yung white na towel/sapi/balabal, that used to be my wig! :) HAHAHA. Oo aminan na din naman, lubus-lubusin na natin! :) wala namang Rated SPG diyan diba? Hahaha.
Pero kahit naman bading ako, conservative ako noh. Nagkaka-crush, nagmamahal, pero never been touched at NBSB to! Haha. And may manners pa rin ako. And di rin ako nagco-cross dress. I don't have anything against with these people and in fact, I also love them for being real pero ako kasi, wala pa akong K sa mga ganyan dahil wala pa akong napapatunayan sa sarili ko at sa buong madla diba. I have to make my family, friends and myself proud of me before I do those. :)
Siguro maraming magsasabing, nakakahiya naman yang blog post mo, screaming faggot ka, di ka na nahiya or what, pero who cares?! This is me! And nobody can change it! Alam ko, kahit ganito ako, si Lord tanggap ako. Kasi kung hindi, bakit ang dami kong blessings na natatanggap na alam kong galing sa kanya dahil hindi lang materyal na bagay ang ibinibigay niya saken. In fact, eto nga, gift ito e, gift of Confidence. And gift of being true to yourself. :) I love You Lord and I will always do. Salamat Po dahil binigyan ninyo ako ng lakas ng loob para maging ganito, at gagamitin ko po ito sa mabuti. :)
Ang haba na nito. Hahaha. Piece of advice ko lang sa lahat, magpakatotoo tayo, wag tayo magpaka-plastic at maging mapagpanggap. Kasi hindi kapwa ang niloloko nyo, sarili niyo ang pinaka niloloko niyo. At kung hindi man kayo tatanggapin, ang pinaka mahalaga, tanggap niyo ang mga sarili niyo. :)
Wala na akong pakialam what others say and feel when they read this. Ikahiya man ako, tanggapin man ako, hangaan man ako, kainisan man ako, pero masarap sa feeling na ilabas to. Masarap sa feeling na umamin kung sino ka ba talaga. At pinakamasarap yung feeling ma totoo ka sa sarili mo. :) that's the best gift from God you will ever ever receive. :)
PS: Sorry sa haba. :) mga 30 minutes straight ko tong tinatype sa ipod. Hahaha! :)
--JimpyA with Love. :)
Yun bang hindi ka nakaramdam ng insecurity sa iba, maaaring nainggit ka, pero hindi yung umabot sa point na umapak ka ng tao dahil sa inggit... - Naks, Celyn Marasigan?
ReplyDeleteAng ganda. Lalo na yong point number 2. Hahaha.
Tama nga naman. Pero hindi naman talaga matatawag na 'jologs' pag nanonood ng Teleserye. Kewl kaya!
Galing! Magiging maganda ang iyong future lalo na't open ka sa mga bagay bagay. Kabilib.
Hahaha. Thankyou Ate Flery! At hindi pa Marasigan si Celyn! HAHAHA! :)
Delete