Sunday, September 16, 2012

Episode TWO: COLLECT AND COLLECT


Good Morning, Afternoon and Evening my dear beautiful friends, followers, viewers and readers!
Eto na naman ang blog na hindi ordinary...dahil kung ang Kris TV ay not just a talk show but an experience...well this blog? This is not just a blog! This is an experience...Ko at ng mga ordinaryong tao! This is Jimpy TV!

Salamat pala sa lahat ng mga sumuporta sa ating premiere last week..though medyo di ako masaya sa Hits dahil konti, okay na yon at least meron diba! Bongga! HAHAHA! :)

So ngayon, medyo madami tayong pag-uusapan! Madaming bago sa Philippine Entertainment ngayon! At ang feature natin eh hindi na masyadong bago sa mga dati ko nang followers at readers pre-Jimpy TV, dahil angifefeature natin ngayon ay mga collection! Ibabahagi ko sa inyong ang aking walang kamatayang collection, at the same time, ang mga collection ng aking mga kaibigan! Kaya wag na nating pahabain ito at simulan na natin!

---

ENTERTAINMENT NEWS

Gerald Anderson confirms Teleserye with new leading lady Cristine Reyes.
--> Marami ng leading lady ang dumaan sa kamay ni Gerald Anderson, una si Kim Chiu, ang pinakamatagal niyang partner, si Erich Gonzales (Kapitan Tiyago..pero napalitan siya dito), Max Eigenmann (pumalit kay Erich sa Kapitan Tiyago), Jewel Mische (Buhawi Jack, at ang hindi natuloy na Bagwis) si Sarah Geronimo (Catch Me I'm In Love and Won't Last A Day Without You) na muntik pang maging totohanan, at huli sa teleserye na si Jessy Mendiola (Budoy, although si Enrique Gil ang nakatuluyan ni Jessy dito). At sa kanyang pagbabalik teleserye, may bagong makakasama si Gerald! At yan ay si Cristine Reyes. Nabalita sa ABS-CBN News na sila ay magkakaroon ng teleserye at makakasama pa ang bagong kapamilyang si Diana Zubiri.

Diana Zubiri signs up with the Kapamilya Network.
--> Pumirma noong Biyernes, September 7, 2012, si Diana Zubiri ng kontrata sa ABS-CBN. Ayon sa ABS-CBN News, naikwento ni Diana na siya ay pumila sa ABS-CBN para mag audition para maging miyembro ng Star Circle, ng limang beses! Ang una naman niyang magiging proyekto ay ang teleseryeng pagsasamahan ni Gerald Anderson at Cristine Reyes.

Ina, Kapatid, Anak full trailer released.
--> Noong last post ko two weeks ago, narelease na ang teaser. At just kagabi, Friday, September 14, 2012, nirelease na ang full trailer na pinakainaabangang teleserye ng taon, ang Ina, Kapatid, Anak. Kasama pa jan ang music video. Ang theme song ng Teleserye ay Ngayon at Kailanman by Ariel Rivera, na isa rin sa mga bida ng teleserye.

TGIS, muling magbabalik!
--> Ang minahal nating barkada noong 90s, muling magbabalik! Nagpapa-audition ngayong ang GMA 7 ng mga bagong teens na magbibida sa TGIS 2012. At bukod diyan, makakasama pa nila ang ilan sa original casts na sina Bobby Andrews, Michael Flores at Angelu de Leon. Ito ay sa direksiyon pa rin ni Direk Mark A. Reyes.


---

FEATURE OF THE WEEK: COLLECT AND COLLECT!

Ang pangngongolekta ng mga bagay bagay ay hindi madali. You have to really invest everything that you have...time, money, etc. Pero kahit mahirap ito, marami pa ring tao ang nangongolekta! Like ang mga friends ko...may nangongolekta ng old coins, Hello Kitty stuff, o kahit anong may favorite color nila!

Kaya eto naman ang 4 sa friends ko na collectors...na their collections are very close to their heart.

COLLECTOR NO. 1: YUSH CHENG
St. Paul University Manila
Collection: BOOKS

Jimpy: Bakit LIBRO ang napili mong kolektahin?
Yush: Kasi pag sa book, mas detailed yung mga events, yung mga pangyayari, compare pag pinanuod mo.

J: Kelan ka nahilig sa libro?
Y: High School. Nung High School ako. Nung elementary ako hanggang first year high school ako di talaga ako nagbabasa kasi parang naiisip ko nakakaboring kasi ang kapal, makapal yung books tapos naisip ko walang pictures, tas nung second year ako, may hiniram akong book, manipis lang tapos Filipino author (Every Girl's Guide to Boys). Nung natapos ko yung story, simula nun bumibili na ako ng books.

J: So ano yung pinakauna mo talaga? Na nabili?
Y: Yung akin? Sarili ko? Ah...yun yata yung...alam ko ang unang book na binili ko yung Wonders of the Sky. Ano siya, parang science fiction siya, pero hindi ko siya nabasa, pero yun yung unang nabili ko. Tas nagstart ako sa Twilight, New Moon, Eclipse, Breaking Dawn, tas nung naging trending yung Vampires, meron ako nung mga Vampire Academy, yung Fallen Angel, tapos yung Shopaholic, Sophie Kinsella, Ally Carter.
J: Ay pareho pala tayo kay Sophie Kinsella!
Y: Oo, nakakaadik siya!

J: Eh ano na yung pinakamalaki mong nagastos para sa libro?
Y: As in over-all sila? Malaki din, kasi ang isang libro, nagcocost ng 300-500 pesos. Ang colletion ko is more than 50. Ikaw na mag-compute.
J: Hindi, kumbaga yung biggest splurge mo talaga?
Y: Yung sa money ko, hindi sa parents ah. Abot na siguro ng 10K, 20..

J: Eh ano naman yung pinakamahal dun sa collection mo?
Y: Ang pinakamahal? May isang series akong binabasa na House of The Night. 8 books siya, mga ilang libo rin yun.
J: Ay My God, pag talagang koleksyon eh noh.

J: Ano naman yung pinakafavorite mo? Kung may favorite ka?
Y: Vampire Academy. Yun yung binasa ko after ng Twilight Saga. Vampire Story din siya pero sobrang nakakaadik. Nakakakilig ang gwapo gwapo niya talaga!
J: Pero mga once mo pa lang siyang nababasa?
Y: Hinde! (laughs) Yung first book nun, binasa ko..first book pa lang ah. Pagkatapos kong basahin, binasa ko siya 4 hours, tuloy tuloy! Kinabukasan pagkagising ko, binasa ko ulit siya!

J: Tuwing kelan ka bumibili?
Y: Nung HS, every weekend, 4th year ako nun, every weekend, sinasave ko money ko, hindi ako naglulunch kasi yung parents ko di ako binibigyan. Ayaw kasi nila parang waste of money daw kaya simula HS ako, every weekend hangga't may pera ako bumibili akong book.
J: Ngayon?
Y: Ngayon, usually kunyari kapag may bagong labas. Fifty Shades [of Grey], tapos ngayon may upcoming book fair.
J: Ay pupunta rin ako!
Y: Ayun kitakits! Yan sa mga ganyan ako gumagastos, tapos one time big time.

J: So ano yung maibibigay mong advice para sa mga nangongolekta ng mga bagay bagay...kung ano-ano.
Y: If you really love something, wag kang manghihinayang na magspend ng money and time. Atsaka, itreasure, wag mong pabayaan kasi, kaya nga siya naging collection dahil love mo siya. Para saken kasi yung mga books ko, babies ko eh!
J: Ay ako din!
Y: Oo, babies ko yun! Kailangan pag binabasa walang tupi, yong ganon, ayoko ng natutupian. Pag binabalot ko, dahan-dahan talaga. Atsaka ayokong pinapabalot sa iba, gusto ko ako, kasi akin siya! Parang ganon, so if you love them, it actually. If you love those...yung mga collection mo, itreasure mo lang. Pero wag mo namang patayin yung sarili mo, ubusin yung pera mo. Kung pwede makuha, kung hindi wag. Yun lang, ENJOY!

---


COLLECTOR NO. 2: PATRICIA PEDRO
St. Paul University Manila
Collection: THE BEATLES MEMORABILIA







Jimpy: Okay...so Pat!  Bakit The Beatles ang napili mo as your collection? 
Pat: Lumaki kasi ako listening to their music. Big influence yung dad ko. Di lang ako yung nagcocollect, siya din and my sister. From their cds, books to clothes.
J: Ay wow panalo buong pamilya! Haha! So may nacontribute ka na dun sa collection? Pano ba siya? Is it as one or hiwa hiwalay kayo?
P: When everyone says collection, expected nila siguro nasa isang shelf lahat pero in our case hindi. The cds nasa isang lalagyan. Our shirts of course nasa kanya kanyang closet. I also have this clock nakasabit sa room ko. If you see my dad's office, may mga figurines at posters.
J: Ah so talagang sa family. Bongga siya! So naging parte na ba siya ng tradisyon niyo sa family?
P: Yes. Ipapasa ko din to sa magiging anak ko. Haha!

J: Ay panalo!! :) so on your part naman, ano ang una mong naicontribute sa inyong collection?
P: Puro damit. Haha! Minsan mga libro tungkol sa Beatles. 

J: Oh. Eto you can say yung sayo lang or yung buong collection ng family. Ano yung pinakafavorite mo?
P: I would say. Yung clock ko sa kwarto. It's the first thing I see in the morning. Favorite ko din tong guitar pick. I keep in in my wallet. Always.

J: Ay oo nga! Ang saya naman kapag yung kinokolekta mo una mong nakikita sa umaga! Haha! Eto sayo lang...ano ang pinakamahal na nagastos mo para sa Collection and ano siya?
P: Siguro sa cds. We have tons! Pero worth it naman.
J: Isang bagay lang. Haha. Tas yung ikaw talaga yung bumili.
P: Haha! Sorry. I have to say yung damit. I have tons! I actually don't have to buy cds kasi sila dad na bahala dun. So yun I spend my allowance sa mga shirts.

J: Oh. Minsan gusto kong makitang suot mo! Haha! Tuwing kelan ka naman bumibili?
P: Everytime I see one. Haha!



J: Ay wow! Hahaha! So to end this, anong piece of advice ang mabibigay mo sa mga collectors na katulad mo?
P: It comes naturally. Don't force it. Haha! Kung gusto mo talaga ang isang bagay, go lang ng go.


COLLECTOR NO. 3: JC Larena
University of Perpetual Help System DALTA
Collection: K-POP






Jimpy: So bakit K-Pop Collectibles ang napili mong kolektahin?
JC: Dahil K-Pop fan ako. Normal lang may collection ako ng K-Pop stuffs.
J: So kelan ka nagstart maging KPop Fan?
JC: Nagstart ako maging KPop fan bago ako mag 4th yr high school. Vacation nun. year 2010.

J: Kelan ka naman nagstart mangolekta?
JC: Teka. Titgnan ko ung resibo! Wait. Nagstart ako magcollect nung June 2010.

J: May nakainfluence ba sayo mangolekta? Kase we all know na isa ka sa mga nakaimpluwensya saken!
JC: meron pong nkainfluence sa akin na mangolekta, ang bestfriend kong teleserye fanatic.
J: So ako yan? Haha! Excuse me! Mas nauna ka, ikaw ang nakaimpluwensya saken! Umamin ka! Hahaha!
JC: Kailan ka ba nagstart mag collect?
J: Kasabay mo. Kase diba nung bumili ka ng SuJu album nainggit ako sayo at bumili rin ako. Oh! Hahaha!
JC: June 20, 2010 exact date nung first kpop item ko. Sayo?
J: 2009 pa. Pero hindi ako nangongolekta talaga nun! Alam nyo lang na bumibili ako pero hindi nangongolekta!
JC: WEH?!
J: Oo kaya! Ay nako bago pa kung saan mapunta to, next question!

J: Ano ang first item na binili mo? Na hiyang hiya ako at alalang alala mo pa ang date.
JC: Tinignan ko kase resibo! First Kpop item na nabili ko ay yung 3rd album ng Super Junior. Sorry Sorry.

J: Oh...so ano naman yung pinakafavorite mong item sa collection? If you have favorites ah.
JC: Sa totoo lang, favorite ko lahat ng kpop collection ko
J: So in short wala kang favorite?
JC: No! favorite ko lahat ng K-pop collection ko!




J: Ano yung pinakamalaki mo nang nagastos para sa collection mo?
JC: Pwede bang yung pinakamahal na item na lang?
J: Bakit bawal bang iexpose ang expenses? Haha! So sige. Ano ang pinakamahal?

JC: Baka kasi mabigla yung mga makakaalam. Yung pinakamahal na K-pop item na nabili ko ay yung Super Show 2 DVD. P1,850.
J: Hahaha! Well it's your choice. Pero actually nabigla rin ako! At sa pinakamahal pa lang yan ah! Wala pa ang kabuuan. Haha!

J: So tuwing kelan ka bumibili?
JC: Bumibili ako kapag may bagong album yung gusto kong kpop group and kapag may bagong issue ang Musicasia at Sparkling magazine.
J: So di ka na nag-aantay nun? Agad-agad ang pagbili?
JC: Yes. Kapag merong launch ang Astroplus or kaya Odyssey, sa mismong day ako bumibili. Minsan naman, sa online shops ako bumibili kapag hindi available dito sa Pinas.
J: Ay taray! Turuan mko nyang online online na yan! San ka ba bumibili?
JC: Welovekpop Shoppe sa FB. Safe jan. haha.
J: Oh. Eh di naman ako namimili ng KPop. Baka sakaling may teleserye rin! Hahaha.

J: So to end up our interview, ano naman ang maibibigay mong advice sa mga mahilig mangolekta ng mga kaeklatan sa buhay?
JC: Ang masasabi ko lng....bow. Joke . Teka ang masasabi ko lang, i-continue nila ang pangongolekta kung dyan sila masaya. Wag na nila i-continue ang pangongolekta kung hindi na sila masaya.

COLLECTOR NO. 4: Evangelyn C. Austria
St. Scholastica's College
Collection: Make-up

Jimpy: Bakit makeup ang napili mong kolektahin?
Eva: Napili kong kolektahin yung makeup kasi ito yung klase ng bagay na may kinalaman sa isang hilig ko at yun ay ang art.

J: So kelan ka nahilig sa art and make-up? 
E: Since nung gradeschool, in my own simple ways alam ko na I love art na talaga. Kasi I used to collect stuffs like stationaries, stickers then I also decorate every notebooks ko pa nga. Then sa makeup, even though my sisters were used to wear makeups wala talagang impact sa akin yun but I started liking it when I first watch Michelle Phan's Bad Romance Look. At that point, naamaze na ako sa Makeup world.
J: So sa mga kinokolekta mong yan, make-up na lang ang natira?
E: They were all still present. Hahaha. Pero di na ganoon kaactive unlike before. Makakita lang ng unique stickers bili kaagad. Kase ngayon priority ko on my list is makeup

J: Well anyway, ano ang pinaka una mong biniling make up?
E: Sana tama ako, as far as I remember. Ever Bilena Line ako nagstart. Yun yung Extreme Line nila.
J: Ay wow. So ano palang ginagawa mo kunyari pag naubos mo na yung make-up? Tinatapon mo yung lalagyan?
E: Actually sa mga makeup ko, wala pa akong tinatapon except sa mga ubos na pressed powders. Di ko talaga inuubos yung bullet nung lipstick kase natuituwa akong tignan sila ng dumarami. 

J: Oh haha! So sa mga collection mo ngayon, anong pinakafavorite mo?
E: BB Cream ng Faceshop at Blooming Lips Talk in PK008 ng Etude House 
J: Taray from Etude! Hahaha! Ano naman ang pinakamalaki mong nagastos para sa collection mo?
E: So far, hindi pa naman lumalagpas ng 500 ang isang makeup na nabili ko at yun yung sa Etude House around 478
J: Oh..pero yung isang bagsakang bili? Nagawa mo na na napagastos ka ng malaki?
E: Hmm around 1200. Yan din yung sa Etude I got 2 lipsticks and 2 nail polishes
Umorder din ako ng lipstick from Davao. At nagastos ko eh 910  6 lipsticks yun
J: Do you mind sharing ano ang label nung sa Davao?
E: 2 Shiseido, 2 Mac and can't remember the remaining two. Nagfade na kasi yung label. Err know fake yang mga yan. But can't help it ang ganda nung shades when I saw it on FB. So I grabbed the chance of having those beautiful shades.

J: Okay lang yun kahit fake or what! As long as di nakakadamage ng skin. Anyway, tuwing kelan ka bumibili ng make-up? Bumibili ka kahit di pa ubos yung ginagamit mo?
E: Speaking of nakakadamage, di sila nakakasira sa akin. Ok naman yung react niya sa akin. Basta nakakattract sa mata ko. Gora. Pero syempre quality and the price first. As a collector yes, hindoi ko inuubos yung ginagamit ko 

J: Oh. Haha. So to wrap this up, what will be your piece or pieces of advice sa mga collectors na kagaya mo?
E: Hmm siguro, kung ano yung gusto niyong icollect bat di nila itry. Kasi pagandyan na yan di mo na maiisip na sayang yung mga bagay na pinundar mo kasi. Gusto mo yung ginagawa mo.

OKAY. So ayan sila, yan ang mga collection ng ilan sa mga friends ko...pero marami pa akong friends na collector rin. Pero siyempre, sila lang ba ang magsha-share? Siyempre ako rin! Alam ko paulit ulit na siya lalo na sa mga nagbabasa ng blog ko noon pa, pero di ako nagsasawang ishare! KAYA ITO SIYA!

MY SWEET TELESERYE COLLECTION!


So siyempre, sasagutin ko din yung mga tanong na itinanong ko sa kanila. Hahaha! Feelingera ako eh! ;)

So kelan nga ba ako talaga nag-start mangolekta? Eh dati naman kasi di naman talaga. Feel ko lang bumili. Na-shcok na lang rin ako na gusto ko nang mangolekta. And si JC talaga naka-influence saken. Hindi ako ang naka-influence sa kanya! Bumili siya nun ng CD ng Super Junior...tapos nainggit ako, inamin ko naman yon! Haha! Kaya bumili ako ng Bituing Walang Ningning na CD...since may 60 Years of Pinoy Soap Opera album na ako. :)

PERO BIBITININ KO MUNA KAYO JAN! DAHIL ETO NA ANG AKING BIG REVEAL!
FIRST TIME KONG IBUBUNYAG TO EVER ON NATIONAL TELE...ay joke! ON EVERYONE! Hahaha. ANG UNA KONG COLLECTION?...

Actually, eto talaga yung mas nauna kong collection ko bago yang mga teleserye etching na yan! Konti lang talaga ang nakakaalam nito...not because sinesekreto ko (HELLO SA DALDAL KONG TO) but because nakalimutan ko na siya. :( Eh kasi di na ako nagbibibili nito masyado. At yan ang aking...

PAPER DOLLS!

2007-2008 ako talagang faithfully nangolekta nito. PERO bata pa lang ako (in short bading na talaga ako dati pa. HAHAHA!) eh gusto ko na to. Ang mga gusto ko pa noon, yung mga galing sa palengke tapos mga artista pa (so bata pa lang din ako, mahilig na talaga! HAHA!) Lagi ako nagpapabili sa maid namin nun sa Bulacan. Meron pa ngang time na tinago ko siya sa tiyan ko. Tapos nakagat ako ng pusa after. HAHAHA O-EHM-GEE!

I don't know what year pero nakakita ako sa mall nung mga malalaki at magaganda at glamorosang mga Paper Dolls! As in bongga talaga siya. Kaya nagpabili ako agad. Pero dahil di ako maingat sa gamit, nagkawalaan sila. :|
 In 2006 or 2007? Haha. I forgot na. Binilhan ako ng ate ko ng makapal na paperdolls na ang laman..? Yung mga nawala ko noong araw. Haha! (Right) :) At yun, dun na nagstart, lahat binili ko. Even regalo ko sa sarili ko noon, ganyan!





2008 naman nung halos everytime na pupunta ako ng National Bookstore, bibili ako ng mga bagong paperdoll! Ang saya saya ko lagi noon, kasi grabe, nakakatuwa talaga. HAHA! :D 2 clearbooks na yung paper dolls ko ngayon, and yung mga latest na nabili ko, hindi ko na pinilas. Kasi sayang eh, ang sarap tignan pag buo pa siya. At malaki na rin naman ako para laruin sila! :)
At kahapon lang! Ayang mga nasa picture! Binili ko dito sa may Supermarket sa amin. Hahaha! Diba, mga senyales na babalik ulit ang pagkagusto! Although kanina sa Book Fair, nung makakita ako, di na ako ginanahan bumili...maybe the sawa factor? OR BECAUSE OF MY NEW INVESTMENT? =))




So speaking of the new investment, eto na muli ang aking Teleserye Collection! Itutuloy ko na ang pagsagot sa mga katanungan ko sa kanila. :)


Ano ang una kong binili sa collection ko? 2009, lagi akong nagpapaprint ng pictures, tapos bumili ako ng PHR pocket book at Awit Kapuso CD. Summer 2010, tuloy-tuloy yung pagbili ko ng pocket books tapos bumili ako ng 60 Taon ng Musika at Soap Opera. PERO NOONG JUNE 2010, Bituing Walang Ningning at jan nagstart faithfully...so ano nga ba ang nauna? HAHAHA. Hindi ko rin alam!

Ano ang pinaka favorite ko sa collection ko? Siyempre yung laging ginagamit ko. At yun ang Magkaribal DVDs ko! As in grabe, lagi siyang nasa DVD Player ko. Favorite ko rin kasi yung palabas kaya no wonder na favorite ko rin siyang panuorin ng paulit-ulit. :)
Kung magkano na yung collection ko, I don't want to hide it na...pero sa DVDs pa lang...and not yet the latest ah! Naka 9740 na ako...wala pa yung CD, Libro. OMG. :) HAHA! Pero siyempre ang pinakamahal na nabili ko...that's no mystery to everyone, INFINITY RING! Hahaha! It's worth 1,050 and complete happiness ang nadala nito sa buhay ko.
Ang piece of advice naman na maibibigay ko sa mga kolektor? Tuloy tuloy lang guys! Kahit sino pa humadlang, as long as gusto niyo, gawin niyo. Madaming nagsasabi sa akin na walang kakwenta kwenta yung mga pinagbibili ko, as in masaket. LALO NA YUNG SABIHAN NA BADUY DIBA! Hahaha! Wala nang pakialamanan dito! Nagpapakatotoo lang tayo! Kung sinasabihan niyo ng baduy at jologs ang aking collection, go lang! Wa ako pakels. Pero advice ko rin, maghanap na lang kayo ng kokolektahin niyo diba! And I believe na mas magiging happy ka sa pagbili kung gagawin mo siya as a reward pag may na-accomplish kang mga bagay. :) So start doing things right and add more sa inyong collection! Yan ang piece of advice ko. :)

And may bago pala akong wish para sa aking mga collection. Sana ma-feature sila sa Rated K! Hahaha! Ambisyosa much? :)

---

REFLECT, RETROSPECT and LEARN

(Lessons in Life on past weeks)

  • Thank You Lord for giving me the maturity, positivity and greater understanding.
Recently, may pinagdadaanan ako na may nagju-judge sa akin, sa pagkatao ko, or whatever. Hindi ko na papangalanan kung sino sila. Pero ang masasabi ko lang, gusto kong magpasalamat kay Lord dahil binigyan niya ako ng maturity at positivity at greater understanding sa mga ganitong bagay. Napagdaanan ko na rin to nung kelan and medyo dun, na-apektuhan ako. Kaya naman dito ko rin masasabi na you learn from your experiences. And my next move, gusto ko silang kausapin. I want to clear things out. Ang mahirap kasi na you judge agad agad eh, lalo na't may misinterpretations na nagaganap. Nagkamali din ako, kasi nung una na misinterpret ko, pero hindi ako nag jump into judgments. I even befriended those people. Kasi I want to reach out. OKAY LABASAN NA TO NG SAMA NG LOOB! Hahaha! Pero honestly wala na rin naman akong sama ng loob. :) May nararamdaman lang na kailangang ilabas. :) Yun nga, I befriended them, hindi ko alam iba na pala yung tingin dun. Pero siyempre, iintindihin mo na lang diba. And if may mga lumabas na something or whatever, just be the bigger person. You don't need to stoop low to their level. And if kaya mo, just be positive, makipag-friends ka pa! And explain yourself diba. Karapatan ng bawat isa na malaman ang kanilang niloloob. Anyway yun lang. Haha! Basta ako I love my friends na willing akong ipagtanggol sa mga taong ito! :)
  • Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.
Pero naniniwala ako na dadating ang panahon na makukuha mo rin sila. :) Just wait for the right time. Or you might deserve better than that! Like for my simplest experience. Galing ako ng Book Fair kanina, hinahanap ko yung librong Isla Sanctuario by Dawn Igloria. Pero wala. Wala ang book. So wala na akong nagawa. Pero OMG nakakita naman ako ng artista! :P Divine, Wendy and Pamu of PBB Unlimited! Bongga diba! :) Pero everyone knows na may nilalaman to. At yun ay ang hindi ko pa napapanood at mukhang di ko mapapanuod ang pelikulang pinagmulan ng linyang ito, ang THE MISTRESS! Nakakabadtrip lang! Hahaha!

---

ABANGAN SA NEXT EPISODE!

Our next episode is all about DREAMS, FANTASIES and REALITIES! Magfe-feature tayo ng mga tao na nangarap, nag-imagine, at nakamit ang kanilang mga dreams! Kasama na din jan ang dreams ko na alam nyo na, at hindi niyo pa alam!

AND BY THE WAY!

May pagbabago na sa ating schedule. Ang new episodes ng Jimpy TV will be published every other week, and magsisimula itong mabasa ng 12 AM, SUNDAY! Okay? I love you mga Ka-JimpyTV! Patuloy pa rin ang pagsubaybay...ehem, pagbasa pala sa aking makasaysayang blog. I know it's not too important but I promise entertainment! And at the same time, happiness and pag-feature sa mga tunay na tao at tunay na karanasan sa hirap at saya at ganda ng buhay!

And also, JimpyTV Entertainment will be here sa blogspot...but not on Tumblr anymore due to some circumstances. :| Instead, Jimpy TV with a personal touch ang makikita sa Tumblr? Okay!

SALAMAT LOVES!

---

ACKNOWLEDGMENT

Philippine Entertainment Portal
Philippine TV Ratings
Kapamilya Gold fanpage on Facebook and Twitter
ABS-CBN News Ipod Application
(for the Entertainment News)

 Miss Evangelyn Austria
Miss Yu-Hsuan Cheng
Miss Jan Christine Larena
Miss Patricia Pedro
(for featuring their collection and taking photos. Thank you also for taking time to share with us your collection and experiences)

Miss Cher Aguinaldo
(for the photos of my collection)

HAVE A GREAT DAY, AFTERNOON AND NIGHT MY DEAR FRIENDS! SALAMAT! SA SUSUNOD ULI!

8 comments:

  1. Nice. My sister is also starting to collect kpop. Go ELFs! :)) May ganun din akong paper dolls when I was a kid Jimps! :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA! Dumadami na ang ELFs! :) Talaga? Asan na ang paperdolls?! HAHA! Thankyou Pat! :D

      Delete
  2. This is actually quite interesting. :) Lemme know when you post the other ones.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha thank you Ate Bea! Of course I'll let you know! :D

      Delete
  3. Awesome Jimpy. :) Some of my highschool friends have read this and they liked it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Really?! Wow Thank you Yush! Thankyou din sa HS Friends mo! :)

      Delete
  4. Very entertaining. Keep it up! ;)

    ReplyDelete
  5. Great job!! :) Naiimagine ko yung interview niyo, detailed and well-written, congrats!! looking forward to the next epsiode.. you know jimpy.. :))))) hahaha <3

    ReplyDelete